JERRY OLEA:
Handog kina Ronaldo Valdez at Jaclyn Jose ang horror drama na Poon, na nakatakdang ipalabas sa local cinemas umpisa Setyembre 9, 2026.
Nag-umpisa ang shooting ng Poon noong Semana Santa 2023 sa makasaysayang bayan ng San Miguel, Bulacan.
During Holy Week ang kuwento ng Poon. Sa nasabing bayan din nag-shoot ang supernatural horror movie ni Mike de Leon na Itim (1976), na Holy Week din ang setting.
Nasa cast ng Itim sina Charo Santos, Tommy Abuel, Mario Montenegro, Mona Lisa, Susan Valdez, Sarah Joaquin, at Moody Diaz.
Syinuting din doon ni Direk Mike ang Bayaning 3rd World (2000) na tinampukan nina Joel Torre, Ricky Davao, Cris Villanueva, Cherry Pie Picache, Rio Locsin, Lara Fabregas, Daria Ramirez, Joonee Gamboa, at Ed Rocha.
Sa San Miguel din kinunan ni Direk Shugo Praico ang eco-horror movie na The Caretakers starring Iza Calzado and Dimples Romana.
Maikli lang ang papel ni Ronaldo sa Poon, at nakunan na ni Direk Adolf Alix Jr. ang mga eksena nito bago ito pumanaw noong Disyembre 7, 2023.
JACLYN JOSE AND RONALDO VALDEZ SCENES
Na-shoot na ni Direk Adolf ang lahat ng importanteng eksena ni Jaclyn o Miss Jane bago ito pumanaw noong Marso 2, 2024.
“Maswerte kami dahil ang naiwan lang ni Miss Jane ay iyong filler scenes lang, like yung dating ng mga anak niya,” pagsisiwalat ni Direk Adolf sa Q&A matapos ang premiere screening ng Poon noong Agosto 30, Linggo ng gabi, sa Trinoma, Quezon City.
“Pero lahat ng supposed to be highlights nung kanyang karakter, nakunan. So paraang naayos lahat. May mga konti lang.
“But I guess, it all worked out in the end na doon magpunta. Kasi nailatag nang maayos iyong story.”
Sa istorya, mag-asawa sina Peping (Ronaldo Valdez/Martin del Rosario) at Berta (Gina Pareño/Elora Españo). Anak nila si Sol (Jaclyn Jose). Tatlo ang daughters ni Sol at namayapang asawa na si Ricardo (William Lorenzo).
Panganay ang soltera at masungit na si Adele (Lotlot de Leon), na sinundan nina Ria (Janice de Belen) at Mae (Ara Mina).
Asawa ni Ria si Daniel (Allen Dizon), at mga anak nila sina Carlo (Will Ashley) at Faye (Althea Ablan). Asawa ni Mae si Richard (JC de Vera), at anak nila si Austin (Joao Constancia).
Kabarkada ni Richard sina Jane (Kristel Moreno) at Alvin (Rico Barrera). Malayong kamag-anak nina Berta, Sol, Adele, Ria, at Mae sina Gandara (Iyah Mina), Benok (Kelvin Miranda), at Jigz (Kiko Ipapo).
Kabilang pa sa mga artista ng Poon sina Bembol Roco bilang SPO1 Michael Datun, Nella Dizon bilang Mariz, Jim Pebanco bilang Fr. Santos, Tabs Sumulong bilang Marilen, at Gohi Aaron Hewson bilang Poon.
Bongga iyong highlight ni Lotlot sa climax ng movie, kunsaan kaeksena niya sina Ronaldo Valdex, Jaclyn, at Gina.
Pahayag ni Lotlot matapos ang premiere screening, “Ako, gustung-gusto ko talaga yung paa ni Ate Tabs. Yung hihilahing ganun, o.
“Sa akin po is, of course, it’s always an honor to work with Direk Adolf and with the entire cast. You can never go wrong with the great cast.”
Ang sabi naman ni Gina, “Mabuti nakasama ako. Kasi, kung hindi niyo ako isinama sa pelikulang yan, maiinggit ako. Dahil ang mga artista, ang gagaling!”

Read: Director Monti Parungao dies at 58 after battle with colon cancer
NOEL FERRER:
Nagbigay-pugay si Allen sa mga namayapang co-stars na sina Ronaldo at Jaclyn.
Pahayag ni Allen Dizon, “Iyung first na makikita mo, si Tito Ronaldo saka si Miss Jaclyn, so di ba, parang…
“Nag-uusap yata sila sa itaas, di ba, Direk? Parang iyun ang unang ano, parang sa memories na lang siguro talaga.
“It’s a privilege na rin to be a part of this film. Na this is the last film na kasama namin sila.
“Siyempre, deep in our heart, kahit na papaano, hindi ka pa rin makapaniwala na wala na sila sa industriya.”
Sambot ni Janice de Belen, “Actually, pinag-uusapan nga namin ni Allen. Iba pala iyung script na binabasa lang namin, especially dito sa istoryang ito.
“There were a few things na hindi namin masyadong maintindihan, iba pala kapagka andiyan na siya, pag pinapanood mo na siya.
“So medyo malalim siya. Mas naintindihan ko siya after watching it. And it was my first time to work with Direk Adolf.
“So it was really exciting kahit may mga malungkot na naganap. It is a good film.”
Read: What it took to bring SB19 to Lollapalooza—and what comes next
GORGY RULA:
Present si Ara Mina sa celebrity premiere ng Poon pero wala na siya sa Q&A matapos ang screening.
Sabi ng Cinemalaya 2026 best actor na si Martin del Rosario, “Masaya po ako na finally, naipalabas na iyung aming pelikula. And it’s an honor to be playing the young version of the late Sir Ronaldo Valdez.
“Actually, sa mga nagsabi kanina, ganun din. Nabasa ko yung script pero hindi ko talaga naintindihan nang buung-buo before.
“Pero Direk, ang galing, nung pinagtagpi-tagpi na! Dun ko naintindihan. At sa totoo lang, nagugulat pa rin ako sa mga pangyayari pati dun sa revelation.
“Ang horror dito, actually mas natakot ako dun sa mga family secrets na nangyari. Nakakakilabot. Iyun for me, hindi talaga mawala-wala sa isip ko.”
Ang scriptwriter ng Poon ay si Jerry Gracio. Ang producers ay Banana Entertainment at C-Production.
