GORGY RULA
Full disclosure: wala akong kamuwang-muwang sa mga kinatutuwaang gawin ng netizens sa TikTok.
Nakakakuha lang ako ng kuwento sa ilang kaibigan na nakahiligang magbabad sa mga nagla-live na sikat na TikTokerists.
Iba rin talaga ang fans na sumusubaybay sa mga paborito nilang celebrities na mahilig mag-live sa TikTok.
KYLIE PADILLA ON TIKTOK
Napag-alaman ng PEP Troika na isa sa pinakasikat na local celebrity na nagla-live sa TikTok ay si Kylie Padilla.
Nakakatuwaan din ni Kylie na mag-live sa TikTok Universe dahil sa dami ng "gifts" na ipinapadala sa kanya.
Hit na hit daw ang Kapuso actress sa TikTok, sabi ng isang kaibigan naming nagpupuyat sa pagtutok sa kanyang pagla-live.
Ganado raw mag-live ang Kapuso actress dahil dagsa ang natatanggap niyang "gifts."
Ang bawat "gift’"ay may katumbas na halaga kaya nakakaipon siya.
Nakakatuwa rin ang followers ni Kylie na talagang gumagastos para magbigay ng "regalo" sa aktres.
Meron pa silang tinatawag na “battle” kung saan nagtatapat ang mga kilalang TikTokerist.
Bentang-benta raw sa followers ng TikTok ang “battle” ni Kylie sa mga sikat na TikTokerists sa South Korea.
Tuwing may ka-“battle” daw si Kylie, lagi raw wagi ang aktres sa padamihan ng gifts.
KYLIE'S "LOVETEAM" WTH ETHAN
Hanggang sa meron na siyang nabuong loveteam sa isang kilalang South Korean TikTokerist.
Hindi namin nakuha ang buong pangalan ng guwapong TikTokerist dahil Korean ang sulat.
Pero "Ethan" ang tawag sa kanya.
Bukod kay Ethan, may iba pang South Korean TikTokerists na gustung-gusto ring makipag-battle o makipag-collab kay Kylie.
Kampi-kampihan kasi ang “battle” nila pag nagla-live sa TikTok.
Bukod kay Kylie, kilala rin ang kapwa niya Kapuso actress na si Cheska Fausto sa TikTok Universe.
Read: Martin Nievera learns to let go after US$3,000 airline incident
NOEL FERRER
Gorgy, same tayo!
Wala rin talaga akong kamuwang-muwang sa TikTok Universe na yan hanggang sa binasa ko yang chika mo.
Akala ko dati, tapos na tayo sa era ng Kumu at Bigo na puyatan sa gifts. Yun pala, mas malala na ngayon sa TikTok.
Nagtanung-tanong din ako at nanood ng ilang clips.
Grabe pala talaga yung set-up — may tinatawag silang PK/Battle, split-screen, may timer, tapos paramihan ng gifts yung labanan.
At hindi pala joke yung gifts, pera talaga yun. Naku-convert into diamonds tapos cash.
Kaya naiintindihan ko kung bakit ganado si Kylie mag-live, lalo na kung dagsa yung viewers.
Between projects, it's community building plus raket, in a way na hindi toxic compared sa ibang platforms.
Yung kay Ethan naman, gets ko na kung bakit nag-click.
Napanood ko yung exchange nila.
Sabi ni Ethan "Your mood is very amazing.”
Tapos si Kylie naman, kilig na kilig, sabi niya, "My pre-pandemic self would be so kilig."
Parang K-drama fantasy nga raw niya na natupad.
Binansagan na sila ng fans na "KyThan."
@onlykyliepadilla Bakit pati ako kinikilig lol thank you oppa @????Ethan???? ? original sound - Kylie Padilla ??? - Kylie Padilla ? ? ?
At may buo pa silang squad na tinatawag na CODE BLACK — si Ethan, si Johnny, si Seung.
Hindi naman siguro literal na loveteam, pero alam mo naman ang fans natin, mahilig mag-ship, lalo na pag lagi magkasama sa live at laging panalo sa battle.
FROM TV TO TIKTOK
Interesting din na nabanggit mo si Cheska Fausto.
So, hindi lang pala si Kylie, pati ibang Kapuso actresses, nandyan na rin.
Parang naging new playground na nila habang wala pang taping.
Hindi na guesting sa noontime, kundi battle sa TikTok.
Maganda siguro if we explore this as a bigger piece — yung shift ng mga artista natin from traditional endorsements to this gift economy.
Anong say ng management? May limit ba ang GMA diyan?
And at the same time, paano napu-protect yung fans na gumagastos talaga?
Pero in fairness, happy ako for Kylie.
Mukhang nag-e-enjoy siya and safe space niya yung mga ka-live niya.
Kung doon siya masaya ngayon, why not?
Baka next, tayo naman tatlo mag-battle — Troika Battle, paramihan ng chika! Haha!
Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book
JERRY OLEA
Kamakailan lang ay nagkaroon pa raw ng TikTok wedding sina Kylie at Ethan.
Niyaya pa ni Kylie ang mga South Korean TikTorekist na pumunta ng Pilipinas.
Malay natin baka biglang umapir sila sa Taskforce: Firewall, ang Kapuso primetime series na pinagbibidahan ni Kylie.
Noong nakaraang Sabado, August 29, 2026 ay nakalikom daw si Kylie ng sapat na halaga mula sa "gifts" na ipinapadala sa kanya.
Nung minsan ngang nag-“battle” daw sila, nang nalaman ni Ethan na para sa mga nabahaan ang gifts na matatanggap ni Kylie, bigla raw itong nag-drop.
Sabi nila, baka natakot daw si Ethan na matalo siya sa “battle” dahil tiyak na mas dadagsain si Kylie ng gifts dahil para ito sa mga nabahaang kababayan natin.
Sa totoo lang, wala talaga kaming ideya sa ganitong activities sa TikTok.
Maaring may mali kaming nabanggit ito kaya bukas kami sa mga gustong ikorek ang aming ulat.
Read: Yeng Constantino reveals Ryan Bang ghosted her; Heart Evangelista, Vice Ganda snub each other?
