GORGY RULA
Nasasakal na kaya ang Magandang Aktres sa karelasyon nitong Yayamaning Personalidad?
Gusto sanang bilhin ni Mestisahing Aktres ang isang malaking sofa mula sa Italy na almost PHP3M ang halaga.
Kumontra ang irog niya.
Katuwiran ni Yayamaning Personalidad, hindi iyon praktikal.
Hindi kailangang maglustay ng ganoon kalaki para makabili ng comfortable na mauupuan.
GOODBYE, IMPORTED SOFA
Bakit sa ibang bansa pa bibili gayong marami namang magagandang gawang lokal?
Napahinuhod si Magandang Aktres. May point nga naman si Papa.
Love-love-love ni Magandang Aktres ang karelasyong Yayamaning Personalidad, at marami itong itinuturo sa kanyang mga bagay-bagay sa buhay.
Kaya goodbye, imported sofa!
Read: Katherine Luna breaks down over bashing after sharing her story
JERRY OLEA
Para saan kamo ang malaking sofa? Para ba sa love nest nilang dalawa?
Na-imagine ba ni Magandang Aktres na magla-loving-loving sila ni Yayamaning Personalidad sa mamahaling sofa?
Hindi po.
Meron nang sofa sa kanilang pugad.
Ang imported sofa ay para sana sa condo unit ni Magandang Aktres kung saan puwedeng makipag-bonding siya sa mga kaibigan, makipag-meeting, o ayusan ng kanyang glam team.
Yung love nest nila ni Yayamaning Personalidad ay para sa kanila lang, at sa mga kapamilya.
Napaka-private ni Yayamaning Personalidad.
Ayaw niya na ang love nest nila ni Mestisahing Aktres ay magmistulang (pahiram, Fina) karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain.
NOEL FERRER
For me, what I see here is simply two adults learning to navigate their values together.
Kung practical si Yayamaning Personalidad at may eye for beautiful things si Magandang Aktres, that's actually a good balance, di ba?
To each his own choices of needs and wants… basta hindi naman galing sa kurakot na pera ng bayan tulad ng mga politikong show off noong panahon ng bagyo at baha.
Dito, pribado ang kanilang buhay.
Siguro, magandang exercise din ito ng push and pull sa isang relasyon hanggang maging gamay na nila ang isa't isa, at alam na nila kung ano ang tunay na mahalaga.
At the end of the day, pera nila, pagmamahalan nila, at buhay nila ito.
Let's just wish them well and let love find its own comfortable space — may imported sofa man o wala.
Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book
