JERRY OLEA
LIBRE ang 25th anniversary concert ng rock band na 6cyclemind!
Gaganapin ito sa Setyembre 12, 2026, Sabado, sa Eton Centris, EDSA cor. Quezon Ave., Quezon City.
4:00 P.M. magbubukas ang gate, at 5:00 P.M. mag-uumpisa ang show kung saan front act ang bandang CLNO na binuo ng former 6cyclemind member na si Chuck Isidro.
Special guests sina Jet Pangan ng The Dawn, Gigi de Lana, Bino ng Sunkissed Lola, at HEY JUNE!.

25 YEARS OF 6CYCLEMIND
Pahayag ng 6cyclistmind bassist na si Bobby Cañamo sa press release na in-email sa PEP Troika: “We consider every anniversary a milestone. 25 years is such a special milestone kasi mas ramdam namin yung era na natawid ng banda.
“Also, this time, may opportunity kami i-celebrate yung milestone nang mas grand.”
Anim na studio album na ang ni-release ng 6cyclemind, at kabilang sa mga awit nila ang "Sandalan," "Biglaan," "Sige," "Upside Down," at "Kasalanan."
Gumagawa ng bagong album ang 6cyclemind, kung saan si Chuck Isidro ang producer.
Sabi ng drummer na si Vic Aquino: “We just want to share our music and be an inspiration to others.
“Gaya nung lyrics, ‘di kami tumigil, itinuloy namin through ups and downs and lineup changes ng members ng banda.”
Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book
GORGY RULA
Ngayong Setyembre 4, Biyernes ng 5:30-6:15 P.M. ang opening ceremony ng 6th Philippine Film Industry Month (PFIM) sa Red Carpet Cinema 1 ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Kasunod nito ang FREE screening ng restored version ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) ni National Artist Lino Brocka.
Dalawang oras at 9 minuto ang running time ng pelikulang tinampukan nina Christopher de Leon, Lolita Rodriguez, Mario O’Hara, Eddie Garcia, Hilda Koronel, Lilia Dizon, Laurice Guillen, at Joonee Gamboa.

Noong Agosto 30, Linggo ng 6:00 inumpisahan ng FDCP ang online registration para sa free screening na ito.
Ayon kay FDCP Chairperson and CEO Jose Javier Reyes, tatlong minuto lang ay sold out na ang screening.
Kaya nagkaroon ng dalawa pang free screening ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (R-16) sa Setyembre 15, Martes ng 2:00 P.M. at 5:00 P.M. sa FDCP Cinematheque Centre sa Sta. Lucia St., Intramuros, Manila, katabi ng Baluarte de San Diego.
At kahapon, nagdagdag ng isa pang sinehan para sa free screening ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang.
Ngayon ding Setyembre 4, Biyernes ng 6:15 P.M. iyon — sa Cinema 2 naman ng Shangri-La Plaza.
Mahigit 300 tiket para sa mga nasa unahan ng waiting list ang puwedeng makapanood.
MORE FREE SCREENINGS
More and more and more ang FREE screenings umpisa bukas, Setyembre 5, Sabado, ng mga de kalidad na Pinoy movies sa FDCP Cinematheque Centres sa Intramuros (Manila), Iloilo City, Davao City, at Bacolod City.
Nasa Facebook page ng FDCP ang schedule ng screenings.
Nandiyan ang 1976 Filipino film classics na Insiang, Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?, Itim, Tatlong Taong Walang Diyos, Nunal sa Tubig, at Minsa’y Isang Gamu-gamo.
Meron ding free screenings para sa Jaguar, Kubrador, Tuhog, Olsen’s Day, Ibong Adarna, Zamboanga, Tunay na Ina, Giliw Ko, Pakiusap, short films, at iba pa.
Siyangapala, red-letter day para sa Pinoy moviegoers ang Setyembre 12, Sabado, kung saan ipagdiriwang ang kauna-unahang Philippine National Cinema Day.
Abangan ang details tungkol dito na ia-announce ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Makasaysayan ito!
Read: Katherine Luna breaks down over bashing after sharing her story
NOEL FERRER
Sa dami ng ganap, hindi tayo magkandaugaga.
Dapat ngayong araw rin ang pagsisiwalat ng ating Philippine entry to the 99th Oscars pero longer evaluation and deliberation time pa raw ang kailangan ng Committee, so abangers tayo sa next date.
Tapos next week naman, excited ako sa Manila International Book Fair — Setyembre 9-13 sa SMX Convention Center Manila sa Mall of Asia Complex, Seashell Lane, Pasay City.
Ilu-launch dito ang aking bagong libro by Milflores Publishing na LEVEL UP: Narrating Stardom, Substance and Service.
Exciting ang magaganap na paglulunsad sa Setyembre 13, Linggo ng 3:00 P.M.. Kita-kits tayo roon.
UPCOMING FILM EVENTS
The week after, may naka-sked na Dekada Awards ang Multi Media Press Society. Abangan natin ang update nila by Monday.
Tapos, ayun na nga, kaabang-abang ang Parangal na gagawin ng FDCP at ang pagdiriwang ng Quezon City bilang UNESCO Creative City for Films.
Ang 3rd edition ng Puregold CinePanalo filmfest ay sa Setyembre 23-Oktubre 4 sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!.
At bilang pangwakas -- sa katapusan ng buwan, deadline yan ng finished films submission sa parating na Metro Manila Film Fest 2026!
Sana talaga, sa lahat naman ng magagandang efforts na ito, sisigla pa ang ating industriya ng showbiz, lalo na ng pelikula.
Read: September Spotlight: Everything happening in Philippine cinema this month
