GORGY RULA
Nilinaw ni Ms. Chaye Cabal-Revilla sa PEP Troika na interim lang siya bilang officer-in-charge ng TV5 dahil sa medical leave ni Mr. Ricky Vargas, president at CEO ng MediaQuest Holdings, Inc.
Si Ms. Chaye ang OIC ng TV5, at si Mr. Chris Liso naman ang OIC para sa MediaQuest.
Ang una naming nasagap sa pag-upo ni Ms. Chaye ay ang pag-fuse diumano ng mga programang Vibe+ ng TV5 at ng ASAP XP ng ABS-CBN.
Hindi ito kinumpirma sa amin ni Ms. Chaye nang kinumusta namin.
Ayon naman sa aming reliable source, wala pa talagang napa-finalize. Pinag-uusapan pa lamang daw ito.
Pero puwede talaga at maaari itong pagkasunduan ng Kapatid at Kapamilya networks.

VIBE+ AND ASAP XP
Natututukan namin ang Vibe+ tuwing Sabado ng gabi.
Sa totoo lang, mala-ASAP ang look ng Vibe+ lalo na’t taga-ABS-CBN ang mga staff nito at si Johnny "Mr. M" Manahan din ang direktor.
Pero ayon kay Mr. M, pang-OPM talaga ang identity ng Vibe+.
“Kailangan talagang bigyan ng identity ang Vibe mismo. So, yun ang napili nila, yung OPM. Kami yung OPM show,” saad ng veteran director.
Sinabi pa ni Mr. nung huli namin siyang nakatsikahan, unti-unti na raw napapansin ang Vibe+ kaya malapit na silang maging competitive.
Kung matutuloy itong pagsasanib ng ASAP XP at Vibe+, tiyak na magiging competitive na ito.
Hindi pa namin nakuha ang buong detalye kung ano ang mangyayari kapag mag-fuse ang dalawang programa.
Ang nakuha lang naming impormasyon ay ganun pa rin daw ang timeslot.
May posibilidad daw na maging pre-programming ng ASAP ang Vibe+.
Pero wala pa itong kumpirmasyon. Kaya wala pang komento diyan si Ms. Chaye Cabal-Revilla nang tinanong namin.
Read: Johnny Manahan admits Vibe+ “not yet competitive” in ratings
JERRY OLEA
Sa totoo lang, medyo may pagka-ASAP na nga ang Vibe+, lalo na’t karamihan sa special guests ng Kapatid musical-variety show tuwing Linggo ay Kapamilya artists.
Nung nakaraang first anniversary celebration ng VIbe+ ay magkasunod na nag-guest sina Angeline Quinto at Ogie Alcasid.
Bukas, September 5, ay si Martin Nievera ang kanilang special guest.
“OPM Rules noon at ngayon, panalo!” sabi sa kanilang artcard.
“Titled OPM Rules, the episode is a celebration of the power, diversity, and influence of Original Pilipino Music, bringing together the legends who built the sound and the rising stars who are carrying it forward, as thisn week’s special Vibe+ episode goes beyond the usual programming to give our Vhies something extra,” sabi sa kanilang press release.
Bukod kay Martin ay magpe-perform din ang bandang Six Part Invention na madalas na guest artist sa It’s Showtime.

Pagkatapos ni Martin sa Sabado, ang susunod na magpe-perform sa kanila sa September 12 ay si Gary Valenciano.
ASAP XP LINEUP
Samantala, pangungunahan ng Kapamilya love teams na sina JM Ibarra at Fyang Smith, Francine Diaz at Seth Fedalin, at Jarren Garcia at Kai Montinola, ang bonggang kantahan ASAP XP sa Setyembre 6, Linggo.
Magpapakitang-gilas din ang New Gen Divas na sina Alexa Ilacad, Kai, Esang de Torres, at Elha Nympha kasama si Regine Velasquez-Alcasid.

Pangmalakasan ang opening number nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Kyle Echarri, Alexa, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, BGYO, DNA, Sofronio Vasquez, Jason Dy, Jane de Leon, Kai, JM, Fyang, at Klarisse de Guzman, kasama ang Legit Status, MNVRS Ignite, at G-Force.
Napapanood ang ASAP XP tuwing Linggo ng 6:00 P.M. sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 P.M.
Kung matutuloy itong pagsasanib ng ASAP XP at Vibe+, posibleng magtatawiran na lang ang kanilang mainstays sa dalawang programa.
Magkakaroon ng reciprocity sa ASAP XP at Vibe+.
Malaking tulong ito sa TV5 at ABS-CBN na kailangang magtipid para patuloy lang na mapapanood ang magagandang shows na ito.
NOEL FERRER
Ang makikinabang pa rito ay ang mga bagong tuklas na talents ng TV5 at ni Mr. M na Star Worx.
Malaking bagay at tulong sa Block 1 ng Star Worx ni Mr. M kung mapapanood na ring magpe-perform sila sa ASAP XP.
Mas bongga kung makakasamang mag-perform sa Vibe+ ang mga kilalang Kapamilya artists.
Sinabi rin noon ni Mr. M na may pressure talaga sa kanila ang Star Worx talents na inilunsad nila.
“May pressure na rin,” pakli ni Mr. M.
“Kaya lang siguro, ang gawa ng pati mga kasama ko, nababad na sa industriya, e. So, parang meron na rin kaming kumpiyansa para gumawa ng maganda.
“So far, parang okay naman pala. Lalo na ang mga bata ngayon na naipon namin.
“Makita niyo ang iba, pagdating sa amin, wala silang confidence, walang alam actually, except for yung desire na mag-succeed… gumawa ng pangalan para sa sarili nila.
“We have a good batch, e, ang mga bata, ang mga bagong discovery,” dagdag ni Mr. M.
Abangan na lang natin kung matutuloy ang pagsasanib ng ASAP XP at ng Vibe+!
Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book
