JERRY OLEA
Scandalicious ang Episode 3 ng HBO Max limited series na Call My Manager! kung saan gumanap si Laurice Guillen bilang fictitious Laurice Guillen na nag-viral dahil sa video na gumagamit ng pink vibrator.
Kumukurot sa puso ang monologue ni Laurice sa climax ng episode, kung saan nag-mediacon siya.

May montage kapagkuwan kung saan ipinakita ang pictures nila ng asawang si Johnny Delgado na pumanaw noong Nobyembre 2009.

“Alam mo kung sino ang buhay pa nun?” sambit ni Direk Laurice nang makatsikahan namin sa opening ceremony ng 6th Philippine Film Industry Month (PFIM) noong Setyembre 4, 2026, Biyernes, sa Red Carpet Cinema 1 ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
“Na nakaupo, eto ang table, eto ako — sa front row, si Mario Dumaual. Na talagang touched na touched siya, nakikita ko siya, apektadung-apektado siya.”
Noong early 2023 nag-shoot si Direk Laurice para sa eight-episode Call My Manager! kung saan bida sina Judy Ann Santos, Edu Manzano, RK Bagatsing, at Gina Alajar.
Yumao si Mario Dumaual noong Hulyo 2023.
THE VIBRATOR SCENE
Tungkol sa pag-hello ng pink vibrator sa eksena, natawa si Direk Laurice…
“Doon sa eksena, ako ang may hawak. Pero hindi naman doon sa mismong ano,” paglilinaw ng pinagpipitaganang aktres at direktor.
“Pero malapit. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Pilar Pilapil says all her leading men "courted" her: “Sexy din ako noon.”
NOEL FERRER
Pagkatapos ng opening ceremony ng 6th PFIM, ipinalabas bilang opening film ang restored version ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) kung saan may kissing scene sina Laurice Guillen at Christopher de Leon sa madilim na bowling-an sa Tanay, Rizal.
Mahigit limang dekada na raw ang lumipas mula nang mapanood niya ito sa sinehan.
Twenty-three (23) years old pa lang daw si Direk Laurice nang magsyuting ng nasabing movie na idinirek ni National Artist Lino Brocka.
“Talagang crazy. Kasi ang mga memories ko, of course yung mga scenes na nagawa ko,” sambit ni Direk Laurice.
“Karamihan, doon sa hometown ni Lino Brocka na San Jose, Nueva Ecija. Parang pinilit niya na maraming-maraming eksena sa isang araw.
“Kasi ang casting niya, napakarami namin. Di ba? Siyempre, wala na yung ibang mga kasama namin dun.
“Napakarami. Like yung mga scene sa sementeryo, and all the funny things na you know, these are from wistful memory, so you can see that very Filipino, at very recognizable yung mga eksenang ginawa.
“So it was a crazy kind of shooting pero at the same time, alam mong buhay na buhay yung proseso. Kasi istorya ni Lino iyon.”
Kabilang sa cast ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang na pumanaw na sina Lolita Rodriguez, Eddie Garcia, Mario O’Hara, Lilia Dizon, Anita Linda, Lily Miraflor, Estrella Kuenzler, at Joseph Sytangco.
May free screening pa ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang sa Setyembre 15, Martes ng 2:00 P.M., sa FDCP Cinematheque Center sa Sta. Lucia St., Intramuros, Manila, katabi ng Baluarte de San Diego.

Read: Joheirry Mola Dominguez of Dominican Republic crowned Miss World 2026
GORGY RULA
Bilang bahagi ng 6th PFIM, may free screening at talkback ang pelikulang Sister Stella L (1984) sa Setyembre 20, Linggo ng 3:00 P.M. sa Metropolitan Theater, Manila.
Dadalo roon sina Vilma Santos at Laurice Guillen.
Si Direk Laurice ang pagkakalooban ng Natatanging Gawad Urian sa 49th Gawad Urian sa Oktubre sa De La Salle University, Taft Ave., Manila.
“It’s an honor… I’m very honored,” sambit ni Direk Laurice, na presidente ng Cinemalaya Foundation, Inc.

Read: Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame star
