GORGY RULA
Dahil sa mababang viewership nowadays ng mga programang napapanood sa telebisyon, mataas na ang 7.6% na rating sa primetime ng weekend.
Ito ang nakuhang rating ng finale episode ng The Clash Teens na napanalunan ng "Baby Girl Biritera ng Pangasinan" na si Hannah May.

Consistent na mataas ang ratings ng The Clash, pero hindi ito kasintaas ng mga nakaraang season ng naturang singing competition.
Kahit maulan at nasa bahay na lang ang karamihan, hindi nakatutok sa telebisyon ang mga tao.
Marami na kasing entertainment, lalo na’t padami nang padami na ang nahuhumaling sa vertical drama.
Andami pang mga bago at magagandang palabas sa streaming platforms.
SEPTEMBER 5, 2026 RATINGS
Noong Sabado, September 5, 2026, ay halos ganoon pa rin ang nakukuhang ratings ng mga TV show.
Medyo tumaas ang Vibe+ ng TV5 kahit hindi pa ito sumampa sa 1%. Naka-0.8% ito kung saan si Martin Nievera ang kanilang special guest.
Tingnan natin sa darating na Sabado, September 12, dahil si Gary Valenciano naman ang kanilang special guest.

Ang 24 Oras Weekend ay 6.6%, ang Frontline Weekend ay 1%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.9%.
Ang The People Have Spoken ay 6.3%, at ang Kapamilya show na Ibang Level ‘To ay 2.5%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.2%, at ang Deal Or No Deal ay 4.1%.
SEPTEMBER 6, 2026 RATINGS
Noong Linggo, September 6, naman ay naka-2.5% ang All-Out Sundays; ang Sunday Noon Blockbusters ay 0.7%, at ang Cine Astig 0.6%.
Sumunod ang Regal Studio Presents na 2.5%, at Kuan on One ay 0.4%.
Ang Resibo ay 2.8%, at ang May Puhunan ay 0.4%.
Pagdating sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 7%; ang Frontline Weekend ay 0.5%, at 1% ang TV Patrol Weekend.
Ang ASAP XP ay 1.5%, at ang Tulfo ay 0.5%.
Ang BBL Gang ay 6.4%, at ang Deal or No Deal ay 3.2%.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co in Italy: Honeymoon or just a private getaway?
NOEL FERRER
Marami-rami na ang nagtanong sa amin kung ang Coco Martin’s Sigabo ba ang natsitsismis na tatapusin na agad.
Pinabulaanan ito ng ilang taga-Sigabo na napagtanungan namin.
Kahit sa TV5 at AllTV ay hanggang 2027 pa raw ang kontrata nila sa naturang teleserye ni Coco Martin.
SEPTEMBER 4, 2026 RATINGS
Pero ganun pa rin kasi ang ratings ng naturang serye na at nangunguna pa rin ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
Noong Biyernes, September 4, ay 9% ang The Master Cutter, at ang Sigabo ay 7.2%.

Consistent ding mataas ang Taskforce: Firewall na naka-7.9%; at ang Someone, Someday ay 3.4%.
Ang First Yaya ay 3.6%, at ang A Secret in Prague ay 1.5%.
Sa panghapon naman, ang It’s Showtime ay 5.5%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.
Ang sumusunod na Born To Shine ay 5.6%, at ang My Bespren Emman ay 1.1%.
Ang Kamao ay 4.6%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.3%, at ang Frontline Express ay 0.8%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.5%, at ang Kapamilya Gold ay 0.2%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 3.1%, at ang sumusunod na Branding in Seongsu ay 2.8%. Ang TV Patrol Express ay 0.9%.
Ang Family Feud ay 6.9%, ang Jr Minute To Win It ay 1.3%, at ang Una Sa Balita ay 1.3%.
Ang 24 Oras ay 10.4%, ang Frontline Pilipinas ay 1.6%, at ang TV Patrol ay 2.7%.
Read: BLIND ITEM: TV series mapapaaga ang ending
JERRY OLEA
SEPTEMBER 7, 2026 RATINGS
Simula noong Lunes, September 7, ay pinalakas pa ng TV5 ang kanilang early evening lineup.
Mapapanood na rin sa Kapatid network ang Minute To Win It ni Luis Manzano, at sinundan na ito ng Frontline Pilipinas na pinangunahan nina Jiggy Manicad, Julius Babao, at Cheryl Cosim.
Naka-1.7% ang Minute To Win It, at ang sumunod na Frontline Pilipinas ay 1.5%.

Ang 24 Oras ay 11.1%, at ang TV Patrol ay 3%.
Ang sumunod na The Master Cutter ay 9.4%, at ang Sigabo ay 6.8%.
Ang Taskforce: Firewall ay 8.2%, at ang Someone, Someday ay 3.1%.
Ang First Yaya ay 3.9%, at ang A Secret In Prague ay 1.2%.
Sa panghapon naman ay halos ganoon pa rin viewing level nito.
Ang It’s Showtime ay 5.1%, at ang Eat Bulaga! ay 2.6%.
Ang Born To Shine ay 5.6%, at ang My Bespren Emman ay 1%.
Ang sumunod na Kamao ay 4.8%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 0.6%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda 3.5%, at ang Kapamilya Gold ay 0.4%.
Ang Maria Clara at Ibarra ay 3.2%, at ang sumusunod na Branding In Seongsu ay 2.5%, at ang TV Patrol Express ay 1.1%.
Ang Family Feud ay 7%.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co in Italy: Honeymoon or just a private getaway?
