GORGY RULA
Nakalkal bigla ang tunay na edad ni Dennis Trillo nang nag-post siya sa Facebook kung saan flinex nito ang maganda niyang pangangatawan.
Ewan kung nasa bahay o nasa gym si Dennis kung saan nagpu-pull up siya gamit ang isang kamay lang, at hawak ang phone ng isang kamay.
Fit na fit ang katawan ni Dennis, at ang lakas niya.
Pero naintriga ang karamihan sa caption nito: “Not bad para sa 53 years old.”
WHAT'S DENNIS TRILLO'S REAL AGE?
Ang sarili ba niya ang tinutukoy niyang 53 years old? O baka para sa mga taong edad 53?
Marami tuloy ang nagtatanong kung 53 na ba talaga ang Kapuso Drama King.
Ayon kasi sa Wikipedia ay 45 pa lamang siya, at isinilang daw siya nung taong 1981.
Tinanong ng PEP Troika ang manager ni Dennis na si Katrina Aguila.
Ayon sa kanya, 45 years old lang talaga ang aktor.
Pero ayon sa ibang napagtanungan namin, noong 1979 daw ipinanganak si Dennis.
Kung noong 1979 nga siya isinilang, bale 47 years old na siya.
Pero hindi naman siya mukhang 47 at ang ganda pa rin talaga ng katawan niya.
Hindi rin naman siya mukhang 53 years old.
At kahit 53 na siya, fit na fit pa rin ang katawan nito.
Alaga pa rin talaga ni Dennis ang kanyang katawan, at ang dami pa ring nagnanasa sa kakisigan niya.
Read: Pilar Pilapil says all her leading men "courted" her: “Sexy din ako noon.”
NOEL FERRER
Hindi rin nagpahuli si James Reid sa music video ng single niyang "Richest Man Alive."
Ang sexy ng dating ng aktor na naka-topless, at bagay na bagay sa kanya ang naturang music video.
Hindi siya nagpa-sexy sa teleserye nila ni Kathryn Bernardo na Someone, Someday. Mas nagpapakitang-gilas si James sa pagkanta.
Okay naman ang acting niya sa naturang teleserye, pero binibigyan niya ng focus ang singing.
Napapakanta siya sa Someone, Someday, at cute silang tingnan ni Kathryn. Napo-promote na rin doon ang mga ginawa niyang kanta.
Ilan sa mga nakanta ni James doon ay ang "Pauwi Na," "Sandali," at "Traffic."
JERRY OLEA
Maliban kina Dennis Trillo at James Reid, sandamakmak pa ang pogilicious at yummylicious sa local showbiz.
Panay-panay nga ang pag-flex nila ng kakisigan sa socmed.
Hindi ba’t meron tayong quarterly list ng Los Hubaderos, na most them ay katakam-takam?
Kapi-feature lang natin sa apat na boys ng short film na Lutang shot in Siargao, sina Van Boys, Peter Mendijar, Raven Molina, at Thor Gomez.

Napalabas na ang Episode 22 o finale ng seryeng Love, Siargao sa Viu. May pa-topless siyempre doon si Alden Richards.

Sa September 28, Lunes ng gabi, ay eere na ito sa GMA primetime. Ookupahin nito ang timeslot ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Pumupukaw pa rin ng pansin ng mga bekimon at bekikangkarot ang unerwear photos ni Joseph Marco, Argel Saycon, Kenneth Cabungcal, Kenneth Marcelino, Jezreel Padilla, at sandamukal pang iba.
Sa katatapos na Mr. Philippines 2026 ay anim na pogi ang kinoronahan — sina Angelo Dripin ng Pasig City, Nate Reyes ng San Juan City, Patrick Sy ng Caloocan City, Chris Alcantara ng Orion (Bataan), Carl Santiago ng Laguna, at Raed El Zein ng Filipino Community-UAE.
Susubaybayan natin ang kanilang journey sa international stage.
