GORGY RULA
Emotional na nag-live sa TikTok ang Kapuso actress na si Kylie Padilla noong Miyerkules, September 9, 2026.
Dito ay nagpaplam at tinapos na rin niya ang online loveteam nila ng South Korean TikTokerist na si Ethan o Eunseok.
Hindi na raw kinaya ni Kylie ang mga bashing na inaabot niya magmula nang mag-hit sa TikTok universe ang tambalan nila ni Ethan na KyThan.
Bukod pa riyan, ang dami ring nakipag-“battle” sa kanya o nakipag-"Player Knockout" o PK.
Kapag may konek kasi sila kay Kylie, lalong dumadami ang followers nila, kaya bentang-benta ang aktres sa TikTok.
Halos araw-araw ay nagla-live ang aktres kahit nasa gitna ng trabaho.
@onlykyliepadilla Bakit pati ako kinikilig lol thank you oppa @????Ethan???? ? original sound - Kylie Padilla ??? - Kylie Padilla ? ? ?
KYLIE PADILLA ENDS INTERACTION WITH ETHAN AND CODE BLACK
Pero mabigat man daw sa kanyang kalooban, winakasan na ni Kylie ang PK at ang ugnayan niya kay Ethan at sa buong Code Black.
Kasama sa Code Black ang iba pang South Korean TikTokerists na sina Johnny at Seung.
Maluha-luhang nag-live si Kylie noong Miyerkules, at may naka-label pa ritong “KyThan signed off” at “Code Black signed off.”
Kasabay nito ay nag-post siya sa TikTok Stories niya ng statement.
Nakasaad dito: “I did my best everyone. But this time I choose my peace. I hope everyone still supports Ethan, Seung, and Johnny respectively.
“I would like to ask that people exclude me from the narrative now.
“Maraming maraming salamat sa lahat ng nagmahal sa amin. Mahal ko kayo.”
Sa kanyang live, nakiusap si Kylie na sa kanyang pag-alis ay hindi raw sana makaapekto ito sa Code Black.
Aniya: “Don’t go after them. Protect them too, please.
"After this, I’m not gonna get on for a while because I also need to recover.
“But they will be on tomorrow. And ayokong gumising sila na negative yung chat nila.
“Gusto ko masaya yung chat nila, and their family is as strong as ever, okay? You promise me that.
“Mag-comment kayo, promise. Protect my boys, my Code Black boys.”
Ngayong Huwebes, September 10, ay hindi nag-live si Kylie.
Naobserbahan naman ng ilang followers na napagtanungan ko na parang wala raw kagana-gana na nag-live ang Code Black.
Sumilip daw si Kylie sa live ni Seung at nagbigay siya ng gift.
Read: Kylie Padilla’s TikTok "loveteam" with Ethan gets fans kilig
NOEL FERRER
Naging totoo si Kylie Padilla sa kanyang pahayag na gusto na niyang umiwas na maging malalim pa ang ugnayan nila ni Ethan.
Inamin niyang nahuhulog na ang loob niya sa South Korean Tiktokerist.
“Me and Ethan… ang hirap naman nito,” napabuntung-hininga niyang pahayag.
Matagal siyang nag-isip at maluha-luha na itong nagpatuloy sa pagsasalita.
Ani Kylie: “Nagkaroon ako ng attachment, guys. It’s me. It’s not Ethan.
"But it’s unfair. It’s me. I got attached. I got affected.
"I caught myself adjusting. Because, super sensitive ako sa kanya when I watched him on his live.”
Napapatigil siya sandali.
Sa gitna ng paghikbi, itinuloy niya ang pagpapahayag ng nararamdaman niya kay Ethan.
Pag-amin ni Kylie: “I care too much, and I’m working on that.
"It’s me. It’s me talaga. Na-attach ako, guys.
“I don’t wanna get hurt. Kapag pinatagal ko kasi ang content na ito, baka ako yung masaktan.
“Baka mas maging malalim pa ito or, you know...
"I don’t wanna do that. I didn’t come on this app to do that.
“Ayoko rin ma-pressure yung tao dahil sa akin. So, ako na yung bumitaw.
“I had to protect myself and also... hindi na normal yung tulog ko, guys.
“I need to focus on my real life again, guys. Kasi ang dami ko talagang binigay na energy, sa Code Black, sa KyThan.”
Read: Frankie Pangilinan finally opens up about relationship with boyfriend Dan Laurel
JERRY OLEA
Sa huling live ni Kylie Padilla, sinabi niyang binabalak nila ng kanyang Taskforce Firewall co-star na si Cheska Fausto na pumunta ng South Korea.
Sa October 21 kasi ang birthday ni Ethan.
Kaya ang duda ng followers nila ay baka i-surprise niya si Ethan sa kaarawan nito. Binanggit din kasi ito ni Kylie sa kanyang huling live.
“Nagdelulu din ako, guys! Nagdelulu din ako!” natatawa niyang pahayag.
“Dyuskupo! Pupunta ba naman ng Korea para sorpresahin?” bulalas ni Kylie habang umiiling-iling.
“Guys! Nagdelulu din ako! Sino ba naman ang hindi mai-in love? Ay, dyuskupo! O makakaramdam ng kahit na anong feelings, di ba?
“Hindi ko kayang i-fake ang feeling, guys. Kinikilig talaga ako. I was, like... I was, like... Hayy!” sabi ni Kylie habang ini-snap niya kanyang daliri.
Natatawa pa niyang dagdag: “Wake up! I have to wake myself, guys!
"And parang ano… it’s hard for me though… like… I’ve been a single mom. I’ve been supporting myself, six years now.
“Six years ko nang binubuhay ang sarili ko and my kids. Natakot na ako!
“It‘s gonna take a lot more for me to… given… muntikan na. I’m sure… but you know pag natuloy ako ng Korea, baka… but you know, It’s gonna be fine.”
Hindi naitago ni Kylie ang sobrang kilig habang ibinabahagi sa kanyang followers ang nararamdaman niya.
“Actually, I’m proud kasi inaano ko yung sarili ko. I’m proud of myself. I’ve been handling to do that.
“I used to be smarter. Especially after my last relationship, guys. Sa mga nakakilala sa akin, you know na, you know na!” saad niya.
Si Kylie ay may dalawang anak na lalaki sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co in Italy: Honeymoon or just a private getaway?
