JERRY OLEA:
PHP100 lang ang halaga ng tiket sa mga pelikulang palabas sa REGULAR cinemas ng bansa ngayong Setyembre 12, 2026, Sabado.
Bahagi ito ng 1st National Cinema Day, na nakapaloob sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month (PFIM).
“We celebrate 107 years of Philippine Cinema and National Cinema Day!” Facebook post ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
“From stories that made us laugh and cry to moments that made us fall in love and brought us closer, the magic of the big screen continues to bring Filipinos together.
“On September 12, movie tickets nationwide are just P100.
“Bring the family, call your friends, or invite your date. See you at the movies!
“107 years of stories. 1 day to celebrate. P100 to make memories.”

Paglilinaw ng SM Cinema, ngayong Sabado ay PHP300 ang ticket price sa Director’s Club, samantalang sa IMAX at ScreenX ay PHP500.
Discounted ang ticket prices ng IMAX, ScreenX, at Director’s Club — exempted sa PHP100 pauga ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Kabilang sa mga pelikulang mapapanood sa halagang PHP100 sa REGULAR cinemas ng SM ang mga sumusunod: Detective Conan The Movie: Fallen Angels of the Highway, Fall 2, Life After You, It Ends, PAW Patrol The Dino Movie, Practical Magic 2, Insidious: Out of the Further;
Cinema Nostalgia (Himala, Tanging Yaman, Anak, One More Chance, Four Sisters and A Wedding), Don’t Look Back in Anger, Spider-Man: Brand New Day, Hope, Poon; Cahim, Saving Cherry, The Conjuring: Last Rites, Project Hail Mary, Final Destination: Bloodlines, Backrooms, at Obsession.

Ang saya-saya!!! Sabi ng Ayala Malls Cinemas, “It just keeps getting better! Make your National Cinema Day even better with a classic Snackbar combo - Pint Popcorn + Bottled Water for only PHP100!”
Sa 4DX, A-Giant at A-Luxe ng Ayala Malls Cinemas ay PHP250 ang tiket.

Pabatid ng CreaZion Studios, “WATCH YOUR BACK. Become the best version of yourself this first-ever National Cinema Day. The Substance returns with no cuts for ONE DAY ONLY.
“Tickets start at PHP100. The Substance. Gateway Cineplex 18. September 12 ONLY.”
Palabas din sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City this Saturday ang The Sheep Detectives, Masters of the Universe, Flow, Love, Ngo, The End of Oak Street, The Drama, Colony, Senior Moments, Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa, The Guardian, at Onslaught — all for PHP100 each.
Hindi kasama sa promo iyong Wolfgang’s Premiere Lounge (PHP1,200 ang tiket para sa The Odyssey, Practical Magic 2, at Spider-Man: Brand New Day) at World Kitchens (P990 ang tiket para sa The Odyssey at Practical Magic 2).
Sa Cine-Luxe at Screening Room 1 ng GH Mall sa San Juan City, PHP300 ang tiket para sa Practical Magic 2, Insidious: Out of the Further, at Spider-Man: Brand New Day. Pero sa Cinema 1, PHP100 lang ang tiket para sa Life After You at Fall 2.
Sa Sta. Lucia Cinema, PHP100 ang tiket today sa Regular Cinema, PHP200 sa Cinema 7, at PHP300 sa VIP Cinema.
Mapapanood muli ang Mag-iina (R-16) ngayong Sabado sa Cinema 4 ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City sa halagang PHP100.
Wagi ang Mag-iina sa Cinemalaya 22: Reel Reflections bilang best film, best direction, best screenplay, best original music score, best production design, at best supporting actor para kay Lucas Andalio (katabla si KD Omalin ng Hand of God).
Tampok din sa Mag-iina sina Janine Gutierrez, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, at Jackie Lou Blanco.
Read: The Bachelorette's Ronn Perez seeks NBI help over mother’s death
NOEL FERRER:
107 years ago today, September 12, 1919, ipinalabas ang DALAGANG BUKID nina National Artist for Theater Atang de la Rama at Marceliano Ilagan — ang unang full-length film na prinodyus at idinirek ng Pilipino na si Jose Nepomuceno.
Kaya napaka-meaningful na ngayong araw din natin sine-celebrate ang National Cinema Day.
Full support ako dito sa PHP100 movie day sa REGULAR cinemas nationwide.
Matagal na itong ginagawa sa ibang bansa at panahon na talaga para ibalik natin ang excitement ng panonood sa sinehan mismo — iyung shared experience na hindi kayang palitan ng streaming.
Magandang move ito ng CEAP with full cooperation ng FAP at FDCP.
As FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes said, “Sana, dumugin! Sana, panoorin!” Tama siya.
At kung maging matagumpay ito, uulitin, at uulitin pa. Kaya sana talaga, maging super matagumpay ang National Cinema Day na ito.
Para maulit at maulit pa. Hindi lang para sa foreign films, kundi para mas dumami pa ang manood ng pelikulang Pilipino.
Tara, sine tayo! Ngayong Philippine Film Industry Month, suportahan natin ang sinehan!!!
Read: Shuvee Etrata reveals biggest purchases: house and lot, car
GORGY RULA:
Noong Agosto 15, 2026 nag-tease ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) sa Facebook, “Every cinema. One big day. Save the date. 09.12.”
Agosto 25 nang i-announce ng CEAP sa FB na ipagdiriwang ang National Cinema Day sa Setyembre 12 sa local cinemas nationwide.
Ni-repost iyon ng SM Cinema, Ayala Malls Cinemas, at Robinsons Movieworld, maging ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Film Academy of the Philippines (FAP).
Napag-alaman nating PHP100 ang ticket price ng mga pelikula sa REGULAR cinemas sa Setyembre 12.
Noong Huwebes, Setyembre 10 iyon ini-announce ng CEAP.
“Pinalipas muna ng CEAP ang opening day ng mga bagong batch ng movies noong Wednesday, September 9,” sabi ng isang showbiz insider.
“Baka kasi wala nang manood ng movies kung ia-announce agad-agad na PHP100 iyong ticket price sa participating cinemas.”
Ano ang saloobin ni National Artist for Film and Brodcast Arts Ricky Lee kaugnay sa historic National Cinema Day?
“Di ba, nice?” napangiting sambit ni Sir Ricky bago ang programa sa book launch ng Quiapo Ilalim sa Manila International Book Fair noong Setyembre 11 sa SMX Convention Center Manila.
“Actually, iyung isang magandang ginagawa ng FDCP and even ng FAP, e, na andami nating government agencies ngayon na hindi mapakali.
“Galaw nang galaw nang galaw para may gawin para sa industriya. Dati medyo mabagal ang galaw. Ngayon, pagtingin mo sa Facebook, may ginagawa na naman muli.
“May event na naman muli. May ganap na naman muli. And I think that’s important, e.
“Para hindi mawala sa isip ng manonood iyung concern na, ‘Oo, pelikulang Pilipino! Oo, merong restored film ngayon. Oo, merong celebration ngayon ng Second Golden Age.’
“Oo nga, may na-retrieve na lumang pelikula. Laging may nangyayari na konektado sa mga pelikula natin.
“So, maski iyung mga hindi pumapansin sa pelikulang Pilipino, napipilitan silang tumingin, e.
“And then eventually makikita nila na, ‘It’s worth it pala na tumingin tayo. Ang laki pala ng na-miss natin dahil hindi tayo tumingin sa mga pelikulang Pilipino!’
“Lalo na iyong mga considered na luma na. Na ang tingin ng iba, ‘Huwag na, luma na iyan.’
“Andami pala nilang na-miss. Nakikita nila iyun. And itong mga ginagawa ng FAP, ng FDCP, at iba pang government agencies — nare-remind sila. Paulit-ulit, e.”
Siyanga pala, ibinalita ni FAP Director General Paolo Villaluna na ngayong Sabado ang last day ng deliberation ng Selection Committee kung anong pelikula ang isa-submit ng bansa para sa kategoryang best international feature ng 99th Academy Awards o Oscars.
Hopefully, bukas ay mai-announce na kung ano ang napili!
