PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes wants a simple wedding with Gio Tingson

Cristine on Gio: "Ito yung taong sa palagay ko hinihintay ko."
by PEP Troika
Published 7 hours ago
Cristine Reyes wants a simple wedding with Gio Tingson
PHOTO/S: Jerry Olea / @cristinereyes Instagram

GORGY RULA:

Hindi gaanong detalyado ang mga sagot ni Cristine Reyes nang tinanong ko siya tungkol sa wedding plans nila ng fiancé niyang si Atty. Gio Tingson.

In-announe nila noong nakaraang Mayo na engaged na sila. Pero hindi pa sila nagkukuwento tungkol sa preparation ng kasal.

Si Ara Mina lang ang nai-interview namin, na excited para sa kanyang kapatid.

“Baka mas excited pa siya, iyun kasi ano siya, gusto niya talaga big wedding.

“Mas nagpa-follow up po siya sa akin, more than me planning it,” napangiting pakli ni Cristine.

Nakatsikahan namin sandali ang aktres sa book launch ng National Artist Ricky Lee na Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t ibang Daan na ginanap sa Manila International Book Fair 2026 sa SMX Convention Center noong Biyernes, September 11.

CRISTINE REYES ON DIVISION OF TASKS FOR WEDDING PREP

Isa si Cristine sa nagbasa ng excerpts ng pelikulang isinulat ni Sir Ricky. Sumingit lang kami nang panayam sa kanya bago nagsimula ang launching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumusta ko ang preparation nila sa wedding na ang sabi ng aktres, hati-hati raw sila ni Atty. Gio sa paghahanda.

“Actually, nagpapasahan po kami ni Gio kung sinong mag-aayos, to be honest.

“Pero ang sa akin lang, oo, ako na lang bahala sa kunyari yung wedding gown, mga ganun. Kung yung mga babaeng stuff.

“Pero siguro yung mga simbahan, ano pa ba… yung mga iba, sa kanya na.

“Kasi parang feeling ko, we’re mature enough naman na alam na namin kung ano yung gusto namin,” saad ni Cristine.

Read: Ara Mina shares update on sister Cristine's wedding preparations

NOEL FERRER:

Hindi pa ganun kadetalyado kung anong klaseng wedding ang gusto nila. Hindi pa raw nila napagdesisyunan kung kailan nila ito gagawin.

O baka ayaw pa lang muna niyang i-share sa atin?

“Kung hindi po kakayanin this year, baka next year na. Wala pa po kaming eksaktong date talaga,” sambit ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero baka, hopefully, this end of the year or maybe early next year.”

Ito na kaya ang masasabi niyang dream wedding? “I guess so. Siguro po, opo,” napangiti niyang sagot.

Ang gusto raw nila ay simple lang at hindi kailangang bonggang-bongga ito.

“It doesn’t really have to be extravagant, dahil we know what we want already. And I think it’s just for formality and you know… yun lang po,” say ni Cristine.

CRISTINE REYES ON FINDING THE ONE

Para kay Cristine, si Atty. Gio na ang tamang lalaking matagal na niyang hinihintay.

“Yung nga po… parang feeling ko ito yung taong sa palagay ko hinihintay ko. Mas magandang ganun na lang po,” sabi ni Cristine.

Basta, mahal ko itong dalawang ito, sina Gio at AA (o Cristine) ay parang pamilya na rin!

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school

JERRY OLEA:

Magaan ang aura ni Cristine Reyes sa book launch ng Quiapo Ilalim last Friday sa SMX Convention Centre Manila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabigyan niya ng ibang timpla iyong monologue ni Josie sa pelikulang Anak (2000) na idinirek ni Rory Quintos.

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang gumanap na Josie, kaya malaking hamon kay Cristine na i-interpret iyon.

Curious ako kung ano naman kaya ang version ni Cristine sakaling sa kanya natoka ang hanash ni Madam Loca (Cherry Pie Picache) sa Twilight Dancers, o iyung talak ni Terry (Maricel Soriano) sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Sa nasabing book launch, ang nag-Madam Loca ay ay si Agot Isidro, samantalang ang nag-Terry ay si Dimples Romana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / @cristinereyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results