JERRY OLEA
Next year pa mag-uumpisa ang shooting ng pelikulang na ididirek ni Jerrold Tarog mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee.
“We have to wait for next year,” pagsisiwalat ni Sir Ricky nang makausap ng PEP Troika sa Manila International Book Fair (MIBF) 2026 noong Setyembre 11, Biyernes, sa SMX Convention Centre Manila, Mall of Asia Complex, Pasay City.
“Kasi next year ang availability ni Jerrold. So, hihintayin namin siya next year. Kaya naka-park muna siya while I’m doing some more revisions.
“So, samantalahin ko na yung extra time na nandiyan na naman muli. So, magre-revise pa akong konti, mapaganda pa siya.”
READING EXCERPTS FROM BERNAL SCREENPLAY
Ini-launch ang libro ni Sir Ricky na Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan sa MIBF 2026.
Pinaka-highlight ng launch ang pagbabasa ng excerpts sa screenplay ng Bernal.
Nagbasa ng mga linya ng National Artist Ishmael Bernal character si FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes, at kabatuhan niya ng linya si JC Santos bilang Ricky Lee character.

Paano napili sina JC at Direk Joey bilang readers ng excerpts sa Bernal?
“Sa GC namin, napag-usapan, ‘Si Joey, bagay dito!’ Sabi namin, ‘Naku, papayag ba si Joey?! Nakakahiya, baka maraming commitments! Bising-busy siya!’” kuwento ni Sir Ricky.
“FDCP, andaming ganap ng FDCP, lalo na Philippine Film Industry Month ngayon, e. So sabi, ‘Naku, baka hindi pumayag!’ So naghihintay kami lahat.
“Pero the next day, sinabi, ‘Go!’ So yun, na-excite na kami. Natuwa kami.
“Si JC naman, mabilis naming na-decide si JC.”
Anong feeling na mapapanood si JC bilang Ricky Lee?
Napangiti si Sir Ricky, “Parang hindi ako sanay na may ibang gaganap bilang ako.”
Si JC na ba ang gaganap na Ricky Lee sa pelikulang Bernal?
“Hindi ko alam. Kasi, depende, e. Sina Jerrold ang bahala.”
Bakit kinuha pa si JC na reader ng Sir Ricky character sa book launch? Bakit hindi siya mismo ang nagbasa ng lines niya? Bakit inayawan niya?
“Noon pa ako inaalok nina Marilou [Diaz-Abaya] na mag-cameo,” tugon ni Sir Ricky.
“‘Maski uupo ka lang, o iinom ka lang.’ Ang napilitan lang ako, dahil kay Joji [Alonso]. Sa Babae sa Septic Tank series.
“Binibigyan ako ng script, sabi ko, ‘Hindi ko kayang magmemorya.’ Kasi pag nag-memorize ako ng lines, parang umaarte, mahihirapan lang ako.
“So, pina-adlib lang ako.”
Read: Quiapo Ilalim: The star-studded book launch of Ricky Lee
NOEL FERRER
Nakatatlong sessions na ang Batch 31 ng libreng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.
Walang session nitong Setyembre 13 dahil sa Manila International Book Fair 2026, kung saan may booth si Sir Ricky.
Ten more sessions pa ng palihan ang nakalatag. Kumusta so far yung tatlong sessions ng Batch 31?
“Masaya! In a way, dahil nagawa ko na yung Batch 30, yung mga ginawa ko sa Batch 30, nagklik pala. So, ginawa ko agad, Day 2 pa lang,” lahad ni Sir Ricky.
“Nag-exercise agad kami na tawanan. Naka-bonding. So, masayang-maingay.”
Sinu-sino ang masisipag sa Batch 31?
“Masisipag agad sila. Sina Rica [Peralejo], may kani-kanya silang baon na kuwento, e,” saad ni Sir Ricky.
“Si Rica actually, tatlo yata yung concepts niya. Kasi, pina-submit ko na sila, ‘Kung ano yung mga plano niyong isulat dito sa workshop.’
“Iyung iba, tatlo, apat. Para makapamili daw later on kung saan tututok. Si Rica, I think tatlo or apat ang sinubmit niya na material to develop.
“So usually masisipag naman lahat, e. And I think, pag taga-industriya, like kung artista ka, mas gusto niyang ipakita na masipag siya.
“Gusto niyang ipakita na desidido siya, e. Kasi madalas yung iba, magsasabi, ‘Artista lang yan, e.’ Na mali namang sabihin na artista lang.
“May karapatan naman. Yung iba, mahuhusay nang magsulat din, e. Even mag-direct. Pero may konting ganun na tingin yung iba.”
A PLEASANT MIX AMONG BATCH 31 WORKSHOPPERS
Maganda ba yung mixture ng workshoppers sa Batch 31?
“Yes! Yes, oo, may ngayon lang magsusulat ng script. Merong nakapagsulat na, like sina Tim Rone [Villanueva], di ba, or yung director ng Status: Rejected,” sabi ni Sir Ricky.
“So, merong nakapagdirek na, at merong first time mag-iiskrip. Ni hindi pa alam kung paano magsulat ng script. Merong estudyante, 19 or 20 years old.
“Merong mas may edad na. Mas may karanasan na sa buhay pero hindi pa nakapagsulat. So again, iba-ibang pinanggalingan nila. So may kanya-kanya silang baon.
“So again, maganda yung mix. Kasi naghihilahan sila, e. Pakaliwa, pakanan, pataas, paabante. Iba-ibang direksiyon rather than iisang direksiyon na pare-parehong mag-isip. So yun, nice.”
Ano ang natutunan niya sa recent workshoppers niya?
“Mas malilikot iyung utak nila, yung imagination nila. Mas daring silang pumunta ng kung saan-saan!” bulalas ni Sir Ricky.
“Kulang na lang, halos nag-eeksperimento na yung kuwento. Mas daring sila, malakas ang loob nila na ang bida nila ay hindi kinakailangang laging sympathetic.
“Mas malakas ang loob nila na, ‘Ang bida ko ay hindi ganoon ka-likable. Hindi siya ganoon ka-sympathetic.’
“Marami silang ganoon ka-daringness sa loob nila, which is good. Dahil kung ganoon ka kalikot na kung saan-saan ka pupunta ay kailangan malakas ang loob mo na mapuntahan ito at i-explore pa.
“Medyo mainipin lang sila. Gusto nilang may nangyari na agad. Or makatapos na agas ng script. Or maka-breakthrough na kaagad.
“O ma-direct na agad yung script. May konting pagmamadali lang. May pressure kasi sa labas, e. Nagmamadali.
“So meron din silang pagmamadali. Which I think, in the long run, hindi naman totally wrong.”
Read: Inside Ricky Lee’s scriptwriting workshop: Why many want a slot
GORGY RULA
Naobserbahan ba niyang iba na ang gusto ngayon ng mga manonood? Sa TV man o pelikula, naghahanap ang mga manonood ng ibang kuwento?
“Yes, and even sa vertical drama,” pagtango ni National Artist Ricky Lee.
“Maiksi ang attention nila, and then hindi sila mapakali. Gusto nilang pumupunta sa iba-ibang direksiyon yung iniisip nila.
“Minsan may mga material sila na multiple universe. O kaya, past-present, atras-abante, and non-linear. Madalas na sa kanila ngayon yun, e.
“Multi-character. May astral projection. Kumbaga, mas lumawak at lumuwag. Dahil hindi mapakali, kung saan-saan gusto pumunta. Mas malikot.”
NATIONAL ARTIST RICKY LEE ON VERTICAL DRAMAS
Nasisilip ba niya ang mga vertical drama? Mga micro-drama na nakaka-trigger, at nakakahumaling.
Pag-amin ni Sir Ricky: “Sumisilip ako. Actually, curious naman ako, e. Nanonood ako… may hook agad, e. In a minute or two, mahu-hook ka na agad sa nangyayari.
“Although karamihan, medyo trife ang situation. Na alam mo na, e. Pero ang mga pinipili nila na trife na situation, yung mahu-hook ka pa rin.
“Yung mahirap na inaapi. Hindi ninyo alam, milyonaryo yan, CEO yan. Inaapi-api ninyo.
“I think to some extent, yung nanonood, naghahanap sila ng umuulit-ulit, na nire-reassure sila na ganyan ang mangyayari.
“So they feel safe. Hindi sila nalilito na, ‘Naku! Baka kung ano mangyari!’ They feel safe na alam na nila iyung mangyayari.”
Sabi-sabi, nakakaimpluwensya na sa mga manonood ang mga vertical drama. Willing ba siyang magsulat ng ganoong materyal?
Natigilan sandali si Ricky bago sumagot: “Hindi ko siya tatalikuran kung may oportunidad.
"But what I will do is I’ll try to tweak it, or turn it around. Babanggain ko nang konti yung kahon ng vertical drama.
“Ayaw ko namang pumasok doon kung totally lang, susunod ako. And I think eventually matatanggap yung may konti kang bangga, may konti kang transgression here and there.”
Sakaling makaimpluwensya nga sa mga tao ang mga vertical drama, dapat bang ipagbawal na ang mga ito?
Ang iba raw, napapaniwala sa mga kadramahan? Kaya dapat umaksyon ang gobyerno kung sakali?
“I think dapat maingat, pero dapat hindi bawal. Kasi unang-una, magtiwala tayo sa ating mga manonood,” pagmamatwid ni Sir Ricky.
“Hindi naman sila tanga, e. Hindi naman sila bobo, e. Kung minsan, gusto lang talaga nila ng isang bagay na alam na nila kung paano mag-e-end.
“Alam na nila na magkakatuluyan yung dalawa. Alam na nila na makakapaghiganti yung inaapi.
“Gusto lang nilang ma-reassure. Gusto nilang parang… parang dasal. Alam na naman nila. Parang bedtime story, children’s story.
“Alam na naman nila ang ending, inuulit-ulit lang nga nilang pinapanood, e. Gusto nila ng ganoong reassurance na OK lang ito, magkakatuluyan pa rin yan.
“Pero hindi naman sila bobo to think na sa real life, laging ganyan ang mangyayari. I think hindi naman.
“I think naihihiwalay naman nila yun. Gusto nilang maramdaman yung comfort nito ngayon, pero alam nilang paglabas sa tunay na buhay, hindi naman lahat iyan, totoo.
“I think matalino enough na yung audience to distinguish.”
