GORGY RULA
Inaasahan na naming magte-trending ang pilot episode ng Gandang Gabi Vice, na nagsimula sa GMA-7 nitong Linggo, September 13, 2026.
Si Alden Richards ang first guest ni Vice Ganda.
Pinag-usapan ito nang husto sa social media, lalo na ang paghagulgol ng Asia’s Multimedia Star.
Tila kampante si Alden kay Vice Ganda kaya nailabas ng aktor ang matagal na niyang kinikimkim.
Pinag-usapan ang lovelife ng Kapuso actor, at inamin niyang meron siyang limang babaeng nagustuhan sa showbiz, pero lahat ito ay naudlot.
Aminado siyang nape-pressure na siya sa madalas na sinasabing dapat na siyang may karelasyon at puwede na siyang bumuo ng pamilya sa edad na 34.
Sa huli ay bumigay si Alden at hindi niya napigilang mapahagulgol sa napagtanto niya.
Bahagi ng pahayag ni Alden: “For the longest time na naghahanap ako ng pagmamahal from another person. Na ang na-realize ko, pagmamahal pala sa sarili yung kulang.”
Matagal siyang napatigil, nagyakapan sila ni Vice Ganda.

VICE GANDA ON ALDEN RICHARD'S BREAKDOWN
Marami rin ang nanood sa uncut at unfiltered na episode ng Gandang Gabi Vice sa iWant TV, at ikinuwento ito ni Vice Ganda sa kanyang X account.
Post ni Vice Ganda: “That breakdown took almost 10 minutes. And parang ayaw ko nang ituloy yung interview kasi awang-awa ako sa kanya.
“Grabe yung iyak nya. But he insisted to still continue. Haaayyy!!! Love you Alden!”
Trending pa rin sa X ang hashtag GGVonGMA at mataas ang rating nito.
Sa ganung oras ay mataas ang naitalang rating nito na 4.3%, bukod pa sa mataas din ang viewership nito sa YouTube at iba pang platforms.
Read: Alden Richards breaks down as he opens up about pressure to find love at 34
NOEL FERRER
Noong Linggo, September 13, nagsimula rin angThe Voice Kids.
Okay rin ang rating ng pilot episode nito na naka-8.2%.
Ang katapat nitong Deal or No Deal ay 3.4%.
SEPTEMBER 13, 2026 RATINGS
Narito pa ang ratings ng ibang programa noong Linggo:
Ang All-Out Sundays ay 2.5%, at ang Sunday Noon Blockbuster ay 0.9%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.5%, at ang Kuan on One ay 0.4%.
Sumunod ang Resibo na 2.8%; ang Julius Babao Unplugged ay 0.5%, at ang May Puhunan ay 0.3%.
Ang FPJ sa GMA ay 2.9%; ang Rated Korina ay 0.7%, at ang Presinto 5 ay 0.5%.
Ang 24 Oras Weekend ay 4.4%; ang TV Patrol Weekend ay 1.1%, at ang Frontline Weekend ay 0.9%.
Sumunod ang Bubble Gang na 5.4%; ang ASAP XP ay 1.8%, at ang Tulfo in Action ay 1%.
Ang Kapuso, Mo Jessica Soho ay 11.7%; ang Everybody Sing ay 2.9%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 0.9%.
Read: Bela Padilla, Martin Tan confirm eight-month relationship
JERRY OLEA
SEPTEMBER 12, 2026 RATINGS
Narito naman ang ratings ng mga programa noong Sabado, September 12.
Itong araw na ito nag-pilot ang Barangay Love Stories ni Papa Dudut.
Tampok sa pilot month nito sina Shuvee Etrata, Anthony Constantino, Ashley Sarmiento, Rave Victoria, Iñigo Jose, at Sofia Pablo.
Ang It’s Showtime ay 5%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.
Ang Born To Shine ay 5.3%; ang Miss Behave ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.2 percent.
Sumunod ang Tadhana na 4.3%, at ang sumusunod na Barangay Love Stories ay 3.9%; at ang Tao Po ay 0.1%.
Ang Farm To Table ay 2.8%, at ang SOCO ay 0.6%.
Sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 5.3%.
Ang Frontline Weekend ay 1%, ang TV Patrol Weekend ay 1.5%; at ang Vibe+ kung saan guest si Gary Valenciano ay 0.7%.
Ang People Have Spoken ay 5.8%, at ang Ibang Level To ay 1.9%.
Sumunod ang Pepito Manaloto na 6.8%, at ang Deal or No Deal ay 3.1%.
Ang Magpakailanman ay 5.9%, at ang Everybody Sing ay 2.8%.
Ang Daig Kayo Ng Lola Ko ay 3.9%. At ang Maalaala Mo Kaya ay 1.4%.
Read: 10 new National Artists named in 2026: Full list and their contributions
