GORGY RULA
Ilang beses na akong nagko-cover ng Vibe+ ng TV5 tuwing Sabado.
Nakakasabay ko pa roon ang chairman ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) na palagi ring nanonood.
Bago nagsisimula ang live telecast, may misa muna na dinadaluhan ni MVP, kasama ang hosts at crew ng show.
Pagkatapos ay nakaupo na si MVP sa harapan para panoorin ang Kapatid stars pati ang special guests.
Nung nakaraang Sabado, September 12, ay nakita ko kung gaano siya nag-enjoy nang husto sa show, lalo na ang finale number ng special guest nilang si Gary Valenciano.
Kasama niyang nanood ang OIC ng TV5 Entertainment na si Ms. Chaye Cabal-Revilla.
Punung-puno ang MVP Studio dahil bukod sa fans ni Gary V, todo-support din ang fans ng ibang special guests na sina Moira at ang cast ng Dating Alys Perez na sina Angela Muji, Rabin Angeles, at Zeke Polina.
Nakita naming ilang beses pumapalakpak si MVP habang nagpe-perform si Gary V.
Pagkatapos ng Vibe+, umakyat sa stage si Mr. Johnny Manahan para personal na magpasalamat kay Gary V.
Read: Filipiñana chosen as Philippines’ official entry to Oscars 2027

GARY V STILL GOT THE GROOVE AT 62
Nag-promote si Gary V ng 10-night Back At The Museum concert niya na gagawin sa Music Museum simula sa October 1.
Sabi ni Gary V, parang test daw niya ito para sa nalalapit niyang concert.
Nakikita naman daw niyang sobrang na-enjoy ng mga manonood ang mga kanta niya, lalo na ang kanyang pagsayaw.
Proud si Gary V na sa edad na 62 ay nagagawa pa niya ang kanyang gustong gawin sa pagpe-perform, at napapasaya niya ang fans na sumisigaw pa ng “Isa pa! Isa pa!”

Ani Gary V: “Kasi sa edad kong ito, yung mga hinihingi niyong 'isa pa, isa pa,' akala niyo ganun kadali yun?
“But because I am inspired…. hulaan niyo how old is Gary V today?
“You know, it’s a miracle that I can still come up on stage and put a smile on your faces, even if I had just turned 62.”
Nakipag-joke pa si Gary V sa audience tungkol sa kanyang edad.
Ngayong nagbabalik si Mr. Pure Energy sa Music Museum, aminado itong may kaba siya sa 10-night concert na ito.
Sabi niya: “Sa totoo lang, medyo kinakabahan talaga ako. Kasi hindi lang ito isang show o isang weekend.
“But it’s 10 shows at the Music Museum, which is called Back At The Museum, October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 and 31 at 8:00 P.M., Music Museum.”

Isinabay na rin ni Gary V ang pag-promote ng kanyang podcast tuwing Lunes, ang Unshaken With Gary V.
Sobrang na-enjoy raw niya ang pagho-host ng podcast na medyo lumalaki na raw ang kanilang community online.
Read: Joey Reyes on Vilma Santos not making National Artist list: "Hindi pa lang niya oras."
JERRY OLEA
Sa Vibe+ pa rin, ang dami ring fans na sumuporta kay Moira. Sinasabayan pa nila ito sa pagkanta.
Nagpo-promote din si Moira ng concert niyang Where It All Started na gaganapin sa SM MOA Arena sa October 4.

Nandoon din si Jayda Avanzado para naman i-promote ang concert ng magulang niyang sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na ginanap sa New Frontier noong Linggo, September 13.

NOEL FERRER
Ang lakas din ng tilian ng fans ng magka-loveteam na Angela Muji at Rabin Angeles.
Kasama si Zeke, pinromote nila ang nalalapit na pagtatapos ng Dating Alys Perez.
ANGELA MUJI TO FOCUS ON HER SINGING CAREER
Pinromote din ni Angela Muji ang single niyang "Is It Over."

Pagkatapos ng Dating Alys Perez ay gusto raw muna ni Angela na mag-focus sa kanyang music career.
“I think for now po magpo-focus ako nang konti sa music. I’m, gonna explore my musicality. Pero maga-act pa rin po ako,” sey ni Angela.
Nagpapasalamat siya kay Rabin dahil nandiyan pa rin daw ito para suportahan siya.
“Supportive naman po si Rabs sa music career ko po,” sambit ni Angela.
Sabi naman ni Rabin: “Nakaka-proud nga po na number one siya dito sa Vibe.
“Hindi ko po siya masasabayan sa pagkanta, e. Ang galing niya kumanta, e.
"Pero lagi po ako sa tabi niya.”
Nandiyan pa rin daw ang loveteam nila, at meron pa silang project na pagsasamahan.
“I guess may upcoming project pa rin naman po kami. Tuluy-tuloy pa rin naman po,” pakli ni Angela sa tanong kung tuloy pa rin ang RabGel loveteam.
Read: Cristine Reyes wants a simple wedding with Gio Tingson
