Sinusundan ba ni Jorrybell Agoto ang mga yapak ni Dolly de Leon?
Sumikat si Dolly dahil sa pelikulang Triangle of Sadness (2022) na nag-premiere sa 75th Cannes filmfest, at nagkamit ng Palme d’Or.
Nakatatlong nominasyon ito sa 95th Academy Awards o Oscars — best picture, best director, at best screenplay.
Na-nominate si Dolly na best supporting actress sa 80th Golden Globe Awards, at 76th British Academy Film Awards.
Bida si Jorrybell sa pelikulang Filipiñana, na napiling ipadala ng Film Academy of the Philippines (FAP) para sa kategoryang best international feature ng 99th Academy Awards.
Si Jorrybell na ba ang “next Dolly de Leon”?
“Ay! Grabe! Grabe! Grabe!” bulalas ni Jorrybell noong Setyembre 13, 2026, Linggo, sa Meeting Room 12 ng SMX Convention Centre Manila, Mall of Asia Complex, Pasay City.
“Parang hindi ko kaya! Parang hindi ko kaya yung hot scenes sa barko. Ha! Ha! Ha! Hindi! Joke lang.
“Hindi. Parang for me, grabe. Dolly de Leon po yun! Hindi. Parang hindi.”
Bilib na bilib sa kanya si FDCP Chairman and CEO Jose Javier Reyes, lalo’t saksi ito kung paano niya napabilib ang foreign audience na nakapanood ng Filipiñana.
Napabuntong-hininga si Jorrybell bago mabining nagwika: “Ahhmm ako, I mean, kung iko-compare like sa skills and talent — Dolly de Leon siya.
“As in… grabe. Crineate talaga siya nang ilang taon na hindi ko talaga mapapantayan yon.
“Pero ini-aim ko na sana, magkaroon ako ng ganoon ding visibility like her sa international scene din.
“So yeah, that’s the goal. Ha! Ha! Ha! Ha! That’s the goal. Oh my God! Putting out there, manifesting… Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Filipiñana chosen as Philippines’ official entry to Oscars 2027
FILMOGRAPHY
Da hu si Jorrybell Agoto?
Ano ba ang background niya? Kailan siya nag-umpisang mag-artista sa pelikula?
“Nag-start ako around 2019. And yung short film na Filipiñana is my second short film,” lahad ni Jorrybell.
“Parang yung first ko po is The Slums na sumali din sa Busan. And then yeah, yun. Puro ako short films up until noong 2023.”
Kabilang sa mga pelikula niya, maikli man o full-length, ang Filipiñana, Sisa, Silenced Nights, Tether, When This Is All Over, Bar Boys: After School, P77, Haplos sa Hangin, The Remotes, Cross My Heart and Hope to Die, Primetime Mother, The Slums, Congratulations DX!, at Due Date na ni Judith.
Nasa cast din siya ng Ours Was A Timeless Night Burning, Ang Pagmamahal ni Layla de Jesus, Bughaw Dilaw Magugunaw, Until The Moon Turns Blue, The Flipside, Kahit Aswang Nahihirapan, Ikaw at Aking Daigdig, Waltz of Qualm, Tadhana, Ang Dragon sa Capanganuran, Multo, Dog in Search of a Leash, The Dream, Ang Pangungumpisal, Naraniag a bulan, at Filipiñana.
Sa walong pelikulang pinagpilian ng selection committee ng FAP para ipadala sa Oscars this year, tatlo ay kasama siya — Filipiñana, Sisa, at Silenced Nights.
Sa Cinemalaya 2023, dalawa ang pelikula niya — Tether with Mikoy Morales na nagwaging best actor, at When This Is All Over with Juan Karlos.
Ang tinanghal na best actress doon ay si Pat Tingjuy para sa Rookie, at ang best supporting actress ay si Dolly de Leon para sa Iti Mapukpukaw.

Read: First Light, starring Ruby Ruiz and Maricel Soriano, is Australia’s Oscars 2027 entry
COLLABORATIVE
Kumusta ang experience niya so far sa movie industry? Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga taga-pelikula?
“Ahhmm ako po, ano, sobrang saya ko lagi at sobrang suwerte ko sa mga nakaka-work ko din, lalo na mga directors,” hinay-hinay na saad ni Jorrybell.
“Kasi nagse-set talaga sila ng collaborative, like environment for me to, like, tell them kung ano iyong tingin ko sa character, and at the same time sila din.
“Parang may ganoong kind of openness sa collaboration, which I really love sa filmmaking.”
Ibang-iba sa proseso niya sa theater?
“Yes, kasi parang feeling ko po sa theater usually, it’s you as an actor na magke-create nung character, e,” sambit ni Jorrybell.
“And then like the director will just, you know, scratch out kung ayaw niya lang.
“But here sa film, idea nila yun. They’ve written it, yung film. So basically, sila yung nagluwal nun.
“So, ang importante din talaga yung usap kasi, para ma-create yung character.”
BEAUTY AND POVERTY
Paano ba siya napiling magbida sa Filipiñana na isinulat, idinirek, at in-edit ni Rafael Manuel?
“Yung Filipiñana po is ako din sa short film. So, doon ako nag-undergo ng audition,” pagsisiwalat ni Jorrybell.
“Tapos iba yung process niya of audition, ni Direk, e. Parang may timeslot kami, parang an hour or more than an hour ang in-allot sa akin.
“Tapos nagkukuwentuhan lang kami. So, hindi siya yung nakagawian kong audition dito sa Philippines.
“So kuwentuhan, tapos may kamera na pala na nakatutok sa akin. So ayun, ganoon iyung process. Tapos may final casting.
“And then ibinalita na I got the role.”

Kapag sinabing Filipiñana, ano dapat ang maiisip ng mga tao? Ng mga nakapanood, o ng mga Pilipino?
Natawa si Jorrybell bago nagturan: “In one word?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ahh to be honest, ang gusto ko po talaga lalo na nung nabasa ko iyung script ng Filipiñana is ahhh…
“Sa Philippines, I have this idea na kapag ang content ng isang film, about poverty is like visually, poverty, nakikita.
“But in contrast, yung ginagawa ng Filipiñana na it’s talking about poverty pero sa isang sobrang gandang lugar or alam mo yon.
“Sobrang ang ganda lang ng contrast na yon. Napaglaruan. Yung disparity ng visuals and content nung film.”
Nasa cast din ng Filipiñana sina Carmen Castellanos, Teroy Guzman, Carlitos Siguion-Reyna, Isabel Sicat, at Nour Houshmand.
Read: Joey Reyes on Vilma Santos not making National Artist list: "Hindi pa lang niya oras."
HEATED ARGUMENT
May nagsabi na Filipiñana is moving on Filipino time.
Natawa muli si Jorrybell: “Ha! Ha! Ha! Oh my God, natawa ako doon. Parang gusto kong mag-react ng laugh react. Ay!
“Pero parang… parang medyo heated yung argument. Baka maano ako, ma-screenshot.
“Pero nakakatawa naman kasi talaga. And yun, katulad ng sinabi ni Miss Bianca [Balbuena] na parang feeling ko, maganda na pinapag-usapan siya, di ba?”
OK lang sa kanya ang criticisms?
“Yeah. For me, once na na-create na talaga ang sining, nasa audience na yun, e,” pananalig ni Jorrybell.
“So, parang ang ganda lang talaga na ongoing iyung conversation kahit ilang buwan nang na-release yung film.”
Hindi raw sukat-akalain ni Jorrybell na magiging panlaban ng Pilipinas sa Oscars ang Filipiñana.
“Kasi parang we’re doing the Filipiñana naman for the sake of it, not like, 'Hindi, eto, gagawin natin ito for the Oscars or for the awards,'” pagmamatwid ni Jorrybell.
“So parang… yun lang naman ang nasa utak namin while creating the film. Kaya parang magandang balita talaga siya for us.
“I’m very happy and lucky na surrounded din ako ng mga magagaling na mga producers.”
Read: Who is Martin Tan, tech CEO and boyfriend of Bela Padilla?

17 AT HEART
Pinapalakpakan nang lubos sa ibang bansa ang performance niya sa Filipiñana. Pero sa Pilipinas, hindi pa ganoon kainit ang pagtanggap o pagkilala sa kanya ng karamihan.
“Ako, OK lang. Parang I mean, to be honest, yung pinaka-worry ko lang po talaga while doing the Filipiñana is my age,” pagtatapat ni Jorrybell.
“Yung 17. E, alam mo naman kung gaano ka-cruel, like, yung socmed in terms of, like, alam mo yun, ‘Hindi naman siya mukhang 17.’
“Pero never pa naman akong nakakarinig ng ganoon. So parang it’s a win for me! Kahit hindi ako palakpakan."
May U.S. visa na si Jorrybell para sa Oscars campaign ng Filipiñana. Paano niya paghahandaan ang kampanya?
Napakunot-noo ang aktres: “Intense?! Ako, parang producers na po ang bahala doon! Parang maggo-go na lang ako sa flow kung ano man ang mangyari.
“Parang… ako naman kasi, importante for sure, I mean, importante yung awards.
"Kasi parang for me, doon nakikita yung relevance, lalo na sa aming mga indie actor.
“Na parang magkaroon pa rin ng trabaho after. Pero ang goal naman talaga kasi is like mapasama sa mga ganitong klaseng pelikula.
“It doesn’t matter kung marami siyang award, or like kung saan-saan napunta. Parang pangarap ko po talagang like maganda yung filmography ko.
“So, that’s the goal, yeah.”
Read: Rosita Noble, FPJ's first leading lady, dies at 92
THE GIRL FROM SARRAT
Sa dinami-dami ng ginampanan niyang karakter sa pelikula at teatro, aling role ang pinakamalapit sa kanya? Alin yung nag-resonate sa kanya sa totoong buhay?
“Parang for me, Filipiñana,” mabining tugon ni Jorrybell.
Dahil 17 years old?
“Ah! 17 at heart! Ha! Ha! Ha! Hindi. Kasi parang na-create yung character ni Isabel sa mga usap namin ni Direk,” sabi ni Jorrybell.
“So I think, parang naging Ilocano siya, kasi Ilocano ako. From Sarrat, Ilocos Norte.
“Pero dito na po ako nag-aral ng college. Sa PUP ako nag-aral ng Theater Arts nung college, kaya medyo mulat din. Somehow.
“Hmmnn for me, malaking parte ng buhay ay yung buhay ko sa Ilocos kung paano yung proseso ko bilang aktor ngayon.
“Kasi, danas ko! Alam mo yon, parang… kita ko yung mga… like pagkakaiba ng Manila sa provinces.
“Dahil din doon, lumawak din yung pang-unawa ko lalo na pag nabibigyan ng mga roles about, liketaga-, probinsya. Or taga-Manila.”
Inaasam ba niyang maging leading lady?
“Parang meron nga, sabi nung friend ko na parang, ‘Bakit parang ang lulungkot nung mga roles mo?’ Ganyan.
“So, parang sabi ko, ‘Oo nga, parang gusto ko namang mag-chill ngayon.’ Parang… pahingi po ng romcom! Mga ganun lang.
“Gusto ko pong i-try ang mga ganung genre.”
If ever, sino ang bet niyang leading man sa romcom? Yung makaka-kissing scene niya?
“Oh my God! Wait lang… oh my God! Hindi ko maisip! Sino ba? Oh my God… John Lloyd?!
“Ibigay na natin kay… WOW!!! Ako pa ang magbibigay?! Ibigay na natin?! Wow! Ako pa talaga?! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: 10 new National Artists named in 2026: Full list and their contributions
