GORGY RULA
In-announce ni Dingdong Dantes sa Family Feud nitong Miyerkules, September 16, 2026, na pansamantala siyang mawawala sa Kapuso game show dahil magpo-focus muna siya sa The Master Cutter.
Ang pansamantalang magho-host ng Family Feud ay si Michael V.
Kahit wala pang kinukumpirma ang taga-GMA 7 kung mae-extend ang The Master Cutter, pinag-uusapan nang magtutuluy-tuloy pa ang kuwent nito.
Hintayin na lang daw ang official statement mula sa GMA-7.
So far ay 95 episodes na ng The Master Cutter ang nasa Netflix.
Sa Setyembre 22, Martes, nakatakda ang streaming ng Episode 100 nito.
Abangan na lang natin kung madaragdagan ng episodes ang The Master Cutter sa Netflix.
Ang usap-usapan kasi ay hanggang Enero 2027 daw ito.
CONSISTENT TOPRATER
Sa totoo lang, wala pang napapabalita kung ano ang puwedeng ipalit sa The Master Cutter.
Kaya mukhang tuluy-tuloy pa rin talaga ang kuwento ni Atoy (Dingdong Dantes), ang magaling na tracker at master cutter.
Consistent kasing toprater ang The Master Cutter.
Kahit pumasok ang Sigabo ni Coco Martin, hindi ito natinag at patuloy pa ring mataas ang TV ratings nito.
Hanggang ngayon ay nakikita pa ring hindi iniwan ang The Master Cutter ng na-capture na audience nito.
Noong Biyernes, September 11, ay lamang pa rin ang serye ni Dingdong.
Narito ang ratings ng primetime nung araw na yun....
Ang 24 Oras ay 10.6%, ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol 2.9%.
Ang The Master Cutter ay 8.8%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.4%.
Ang Taskforce Firewall ay 8.3%, at ang Someone, Someday 3.7%.
Sumunod ang First Yaya na 3.9%, at ang A Secret In Prague ay 1.9%.
Read: Chloe San Jose takes swipe at Carlos Yulo’s mother over wedding issue
NOEL FERRER
Noong Lunes, September 14, ay medyo tumaas pa ang The Master Cutter.
Simulan natin sa 24 Oras na 10.1%, ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.7%.
Ang The Master Cutter ay 9.3%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.3%.
Sumunod ang Taskforce Firewall na 7.1%, at ang Someone, Someday ay 3.3%.
Ang First Yaya 3.5%, at ang A Secret In Prague ay 1.7%.
SEPTEMBER 15, 2026 PRIMETIME RATINGS
Noong Martes, September 15, ay naka-10.8% ang 24 Oras.
Ang TV Patrol ay 2.6%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.8%.
Ang The Master Cutter ay 10%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.4%.
Ang Taskforce: Firewall ay 8.1%, at ang Someone, Someday ay 3.5%.
Ang First Yaya ay 3.6%, at ang A Secret in Prague 1.6%.

ON TOP OF ALL THESE, we know na tinatapos pa ni Dingdong Dantes ang Remember na movie nila ni Marian Rivera for Star Cinema.
Talagang ratsada si Dong sa kanyang activities.
Kahit nga Linggo ay covered pa rin ng work kaya hindi siya naka-attend sa aming book launch sa Manila International Book Fair 2026 last Sunday, September 13.
Pero ang maganda riyan, supportive si Dong sa bagong tatag nating LENTE, Philippine Entertainment Journalists Guild.
Looking forward tayo na makipag-collab sa efforts din ng kanilang grupong AKTOR.
Read: PEP Troika joins new entertainment journalists guild LENTE
JERRY OLEA
Nalalapit na ang pagtatapos ng First Yaya.
Umpisa Setyembre 28, Lunes, ay ookupa sa timeslot nito ang Love, Siargao nina Alden Richards at Nadine Lustre.
Hanggang Oktubre 2, Biyernes, na lang ang A Secret in Prague sa TV5.
Wala pa tayong balita kung ano ang ipapalit ng Kapatid Network sa primetime teleserye nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.
Abang-abang tayo sa pilot ng Kapatid teleseryeng Mommy Guard nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Magne-Netflix din kaya ito?
NEW THEME SONG OF SIGABO
Siyangapala, si Gary Valenciano ang kumanta ng bagong theme song ng Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo, ang bersiyon ng makabagbag-damdaming "Kung Kailangan Mo Ako."
Sinisimbolo ng kanta ang bagong pananaw sa buhay ni Gabo (Coco Martin) dahil sa labis na pag-aalala at pag-aalaga para sa kanya ni Sam (Julia Montes).
Hindi iyon kinasanayan ni Gabo dahil noon pa ay sanay siyang humarap sa mga laban at pagsubok nang mag-isa.
Sa patuloy na pagpapanggap nina Gabo at Sam bilang mag-asawa, tuluyan na bang mauuwi sa tunay na pag-iibigan ang mga pusong nagkukunwari?

Huwag palampasin ang aksyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Read: Rochelle Pangilinan breaks silence on rumored rift with Jopay Paquia
