PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Reynoso clarifies he was not the original singer of “Ale”

Richard Reynoso discusses classic hits, AI, and music’s longevity.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
richard reynoso ale
Richard Reynoso reacts to the renewed popularity of “Ale” after his collaboration with The Bloomfields went viral, saying the classic song is “nagkabuhay ulit.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pinasikat ni Richard Reynoso ang kantang "Ale" na nakapaloob sa first album niyang Puwede Ba? (1990) sa Alpha Records.

Kilala rin ang song sa title na "Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?)."

Ni-record ito ng The Bloomfields noong 2016.

Ang OG singer pala ng "Ale" ay ang composer nito na si Bodjie Dasig (1963-2012) na nag-compose din ng "Sana, Dalawa Ang Puso Ko."

“When Bodjie released it, naka-45 [rpm] lang siya. Single lang siya. E, hindi naman binebenta ang single nun, di ba?” pagsisiwalat ni Richard nang mainterbyu ng PEP Troika noong Setyembre 15, 2026, Martes, sa Mesa restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

“So, sa radyo lang pinatutugtog yon. So, yung 'Ale' originally was a radio hit. And then I met Bodjie through Alpha bosses.

“I met him and he was the one who arranged, siya nga yung gumawa ng back-up nung version ko ng 'Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?).'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, ayun, nailabas sa long playing [LP] album. Binebenta talaga. So people had this idea that it was originally my song.

“Pero cover ko yon. It’s just that... radio hit lang kasi iyung original. Sumikat siya dun, e, sa kantang yun. Paborito ko kasi yun dati.”

Nag-viral yung collab ni Richard with The Bloomfields sa Vibe+ kung saan pinerform nila yung "Ale."

“Nagkabuhay ulit, e!” masayang bulalas ni Richard.

“Nagulat ako. Sabi nga ni Nestor Cuartero, without me lifting a finger, biglang nag-hit yung kanta, e. Ha! Ha! Ha! Ha!

“People were so excited to listen to my version of 'Ale.' Siyempre exciting, natuwa ako dun. Masyado akong nag-enjoy.

“I met the band. They’re very, very nice.”

Kabilang pa sa hit songs ni Richard ang "Paminsan-minsan," "Hindi Ko Kaya," at "Maalala Mo Pa Rin."

SOLD-OUT CONCERT

Siyangapala, sold-out na ang forthcoming concert ni Richard na RR40: Timeless Memories.

Gaganapin ito sa Setyembre 26, Sabado ng 7:00 P.M. sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Special guests dito sina Chad Borja, Rannie Raymundo, Jay R Dizon, Andrea Gutierrez, Aquila Packing, at VR Caballero.

Produced ito ng EchoJham Entertainment at Kolin Tanlin.

richard reynoso concert

Read: 2026 Emmys: Widow’s Bay breaks record with 14 wins, The Pitt wins Best Drama

NOEL FERRER

Dahil sa digital platforms ay umariba muli ang mga lumang kanta ni Richard Reynoso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang ganda kasi! Sa social media, malaking bagay itong nangyayari na hanggang ngayon, buhay pa rin yung mga career namin,” lahad ni Richard.

“Nare-recognize pa rin ng mga bagong henerasyon, ng Gen-Z, is now learning or re-learning yung mga music namin.

“Kasi dati, narinig na nila. Pinatutugtog lang ng mga magulang nila yun, e. Ngayon, naririnig nila ulit. Minsan may kumakantang ibang mga artist.

“Nire-revive siya. But still, the point is naaalala pa rin nila yung mga kanta. And that’s what keeps singers alive.

“Doon kami nabubuhay, e. Katulad ng kung papaano rin kami nabuhay ng videoke. Nagawa ng videoke, hindi namatay ang mga kanta namin. Hindi nakalimutan, e, gawa ng videoke.

“Nabuhay pa. Yung longevity ng mga kanta namin, lalo pang humaba noon. So, malaking bagay.”

Maraming kabataan ang natuwa nang malaman na siya pala ang singer ng "Ale," "Paminsan-minsan," at iba pa.

“May mga bata ngayon, nakakatuwa na, ‘Ikaw pala ang kumanta nito,’ ‘Ikaw pala yung ano niyan.’ Siyempre it’s overwhelming,” pagmamatwid ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But at the same time, gratifying to know na yung bagong technology is still supporting us.

“Na nandiyan pa rin, at nakakatulong pa rin sa amin na matagal nang wala sa industry, or matagal nang nasa industry na may iba, nakalimutan na yung mga kanta. “And now, nakikilala pa ulit.”

Read: Jerom Canlas on brother Elijah’s EDJOP performance: "Masterclass"

GORGY RULA

Ginagawan ng AI (artificial intelligence) version ang mga kanta.

“Maganda rin yan!” sambit ni Richard.

“Ako, wine-welcome ko iyong AI versions niyan. Kasi siyempre, ako, I wonder kung ano ang magiging ng 'Paminsan-minsan' na reggae.

“Ano ang tunog niya kapag jazz? Ano ang tunog niya kapag soul RnB? And AI made it possible.

“Doon nga lang, pagka kinanta na ng AI na mali-mali yung pagkakabigkas, minsan matatawa ka, e.

“Nakakatawa talaga. Pero interesting pa rin, ha?! Kasi it’s within the notes, yung nasa linya pa rin nung musicality ng kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although maaaring hindi iyon ang nakagisnan natin, pero the mere fact na nakagawa sila ng mga nuances doon sa mga lumang kanta, interesting pa rin for us singers na, ‘Uy! Puwede pala iyan!’ Di ba?

“May ibang way pala para kantahin iyan. Interesting. Maraming nagagawa ang AI ngayon na nakakagulat pero nakakatakot.

“Mixed emotions, e. He! He! He! He! Pero siyempre, sino ang haharap sa audience?

“Sino ang haharap sa tao pagka lumabas na sa TV iyung kanta, pag hinanap na kung sino ang original singer?

“Walang magpe-perform. Walang ano. AI kasi.”

MISSING HUMAN FACTOR

At minsan ay kulang o mali ang emosyon sa AI song…

Pag-ayon ni Richard: “Yung human factor doon sa kanta on how to compose it, siyempre hindi mo pa rin matatapatan ng AI iyan.

“Hindi pa. Hindi ko puwedeng sabihin na hindi talaga — pero hindi pa.

“I’m sure in the long run, somebody would humanize more yung capability ng AI pero not at the moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, hindi pa rin nila kayang tapatan iyong puso ng Pinoy. Iyong puso ng pagsusulat ng Pinoy.

“Yung tunay na kino-convey ng bawa’t kanta, lalo na kapag iyung matitinding mga makata na iyung nagsulat niyan…

“Iba! Hindi basta magagaya ng AI iyan.”

Nagwo-worry ba siya na darating ang araw na makakaapekto ang AI sa trabaho niya?

“It might, it might happen. It might. Pero siyempre, hindi pa ako nakakakita ng AI na kayang gumawa ng live performance, e,” pahayag ni Richard.

“Not unless naka-hologram na iyan. May mga nag-hologram na sa concert but still, how would people accept it?

“Iba pa rin yung live. Iba pa rin yung actual. Nakakatuwa lang. Nakakatuwa talaga!

“It’s amazing what the new technology can do. Pero still, yung longevity nung technology na yon, it has to evolve.

“It will evolve eventually pero not at the moment. I guess OK pa kami dun. We’ll probably cross the bridge when we get there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero somehow, OK pa siya. Kaya pang i-manage. May laban pa tayong mga tao!”

Read: Macklemore dropped from Ed Sheeran tour after "Free Palestine" speech

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Reynoso reacts to the renewed popularity of “Ale” after his collaboration with The Bloomfields went viral, saying the classic song is “nagkabuhay ulit.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results