JERRY OLEA
Ang Spider-Man: Brand New Day na ang No. 1 sa TOP LIFETIME GROSSES sa North America.
Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $936.77M ang DOMESTIC gross ng Spider-Man: Brand New Day.
Kinabog na nito ang record ng Star Wars: Episode VII - The Force Awakens (2015) na ang domestic gross ay $936.66M.
DOMESTIC TOPGROSSERS
Ang iba pang malalakas sa kasaysayan ng takilya domestically ay:
Avengers: Endgame ($858.37M)
Spider-Man: No Way Home ($814.87M)
Avatar ($785.22M)
Top Gun: Maverick ($721.99M)
Black Panther ($700.43M)
Avatar: The Way of Water ($688.46M)
Avengers: Infinity War ($678.82M)
Titanic ($674.35M)

Iba ang figures na inilabas ng Variety kumpara sa Box Office Mojo, pero pareho ng ranking.

Read: 2026 Emmys: Widow’s Bay breaks record with 14 wins, The Pitt wins Best Drama
NOEL FERRER
Six consecutive weekends na nanguna sa takilya ng North America ang superhero movie na Spider-Man: Brand New Day.
Noong nakaraang weekend, Setyembre 11-13, 2026, bumaba na ito sa second place.
Ayon pa sa Box Office Mojo, nanguna sa U.S. at Canada last weekend ang Practical Magic 2, starring Sandra Bullock and Nicole Kidman, with opening weekend gross na $30M.

Pumangalawa ang Spider-Man: Brand New Day with $8.4M, at pangatlo ang The Odyssey with $7.6M.
Nag-open sa fourth place ang Runner with $6.5M.
GORGY RULA
Noong Hulyo pa nag-open sa local cinemas ang The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day.
Hanggang ngayon ay may mga sinehan pa rin ito.
Kasali pa ang “Odyssey-Man” sa 1st National Cinema Day ng bansa noong Setyembre 12, 2026, Sabado.
Kaugnay iyon sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month (PFIM).
So far, ang Spider-Man: Brand New Day at The Odyssey ang Top 2 na pinakamalakas WORLDWIDE at sa DOMESTIC.
Dalawa pang tentpole ang inaasahang magpapayanig sa takilya.
Parehong sa Disyembre 16 ang showing sa Pilipinas ng Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.
Tinawag iyong "Dunesday."
Read: Filipiñana chosen as Philippines’ official entry to Oscars 2027
