JERRY OLEA:
Sold out ang 40th anniversary concert ni Richard Reynoso na RR40: Timeless Memories, na gaganapin sa Setyembre 26, Sabado ng gabi, sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.
“It’s nice, it’s humbling,” sambit ni Richard nang mainterbyu namin noong Setyembre 15, 2026, Martes, sa Mesa restaurant, Morato Ave., Quezon City.
“Pero you have to remember, my last show was 21 years ago. Iyun yung huling solo concert ko sa Music Museum.
“Hindi na ako nakakapag-solo show noon ever since, except with my group, The OPM Hitmen.
“Pero still that’s a different repertoire, it’s a different style. It’s a different show.”
Kasama ni Richard sa The OPM Hitmen sina Rannie Raymundo, Chad Borja, at Renz Verano. Nabuo sila noong 2012.
Pagpapatuloy ni Richard: “Iyung ako lang, ngayon pa lang ulit. Kaya exciting. It’s like putting 40 years of acting, singing and what have you into one show.
“Ipinagsuksuk-suksok naming lahat iyun sa iisang show. Kaya exciting. Iyun lang ang masasabi ko dahil masaya iyung show. Masaya siya.”
Kabilang sa hit songs ni Richard ang "Paminsan-minsan," "Hindi Ko Kaya," "Maalala Mo Pa Rin," at ang cover niya ng "Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?)" ni Bodjie Dasig.
Naiba na ba ang pagbibigay niya ng lalim o kahulugan sa mga kanta? Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay…
“Of course, of course,” mabilis na tugon ni Richard.
“Ahh, nakakagulat nga, e. Nagbago na iyung mga… of course, iyung pagkanta mo would probably still be the same, pero it’s a different meaning now.
“Dahil sa edad na rin. At sa tagal ng pagkanta. Nagbabago naman lahat, e.
“Sabi nga, kahit si Freddie Aguilar, sabi niya noon, ‘Huwag niyong pagbabasehan iyung recording sa live performance. Dahil hindi natin maka-capture iyung nangyari nung panahon na iyun, nung time na iyun.’
“So it would still be evolving. Kaya I’m just excited. Kasi iba siya talaga sa ibang mga concert na kilala mong kantahan lang.
“But it’s a feel-good show. That’s one thing na puwede kong sabihin doon.
“It’s a feel-good show that would very much describe kung ano iyong 40 years ko — it feels good! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Special guests sa concert sina Chad Borja, Rannie Raymundo, Jay R Dizon, Andrea Gutierrez, Aquila Packing, at VR Caballero. Produced ito ng EchoJham Entertainment at Kolin Tanlin.
Read: Richard Reynoso clarifies he was not the original singer of “Ale”
RICHARD REYNOSO ON PAST HEALTH ISSUES
NOEL FERRER:
Nagka-thyroid cancer si Richard Reynoso at sumailalim sa thyroidectomy noong 2019.
Read: Richard Reynoso, successful ang thyroidectomy
Noong 2021 ay nagka-COVID-19 siya at walong araw na nasa ICU.
Kumusta na ang boses niya? “I hope it holds up after ng COVID scare ko at saka ng thyroid [cancer], I hope it holds up,” matamang saad ni Richard.
“By God’s grace, I hope. Pero I’m with people na I completely trust. Iyung banda ko, iyung arranger ko. People who I’ll be working with.
“Pinagkakatiwalaan ko sila. And I’m sure they will make me look and sound good. And by God’s grace, I’m sure OK ako.”
May time ba na medyo nawala ang boses niya? Nag-struggle siya sa pagkanta?
“Oh, yeah. Yeah, yeah. Siyempre, after ng COVID scare ko at saka ng cancer scare ko, hindi madaling bumalik, e,” pag-amin ni Richard.
“Noong COVID ko, I was given… mahina na raw ang dalawang taon for me to recover. This was in 2021. Delta.
“Sabi ng doktor ko, critical ako noon. So it would take a while bago ako makakakanta ulit.
“But by God’s grace, I was able to sing in less than… three months, kumakanta na ako ulit. Kumakanta na ako ulit.
“Ewan ko kung papaano nangyari. E, nagawa, e.”
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
ON RECOVERING FROM THYROID CANCER
GORGY RULA:
Pagkatapos ng kanyang thyroidectomy, ano ang nangyari?
“Iyung thyroid, it took a while also. Siyempre dahil kailangang mag-recover nung operasyon ko,” sabi ni Richard.
“Pero awa ng Diyos, nakakakanta naman. Pero may mga naapektuhan pa rin sa lalamunan.
“Like iyung falsetto ko, nawala na. Meron sigurong konting-konti pero hindi na kasinlakas ng dati.
“Sa texture, merong naapektuhan. Pero awa ng Diyos, generally, it’s still there. Nandoon pa rin iyung nagustuhan nila.
“Nandoon pa rin iyung hagod, o iyung nakilala tayo na ginagawa natin.” Meron ba siyang lessons na tine-take?
“I’m taking lessons online. With the help of my wife’s cousin who sent me breathing exercises and vocal exercises,” pagsisiwalat ni Richard.
“And I’m talking about iyung si Moy Ortiz ng The Company. Pinsan iyun ng asawa ko, e.
“So when I had my COVID, nung nagre-recover ako, he sent me vocal exercises na siyang ginagamit ko ngayon.
“So awa ng Diyos, malaking bagay.”
