GORGY RULA:
Dahil sa mga naranasan noong pandemic, nakabuo ng negosyo ang magkaibigang TV personalities na sina MJ Marfori at Marga Arenas-Vargas.
Si MJ ay entertainment news anchor and reporter sa TV5, habang si Marga ay dating news anchor sa parehong network.
Napapag-usapan daw nila ito noong panahong kailangang munang magpa-swab test bago pumasok. Hanggang sa naisip nilang pasukin ang health and wellness industry.
Dito nila nabuo ang bagong functional beverage brand na tinawag nilang Gutta Glow. Tatlong flavors ang nakapaloob dito, ang Honey Lemon Tea, French Vanilla Coffee, at Spanish Latte.
Inilunsad nila ito noong Miyerkules, September 16, 2026 sa The Rockwell Club, Makati City. Kasama nina MJ at Marga ang mga kapatid nilang si JR Marfori o si Marf, at si Mikee Arenas na gamay na gamay ang pagnenegosyo.
Sina MJ at Marga ang in charge sa promotion ng produkto bilang nasa media sila.
Ikinuwento ng dalawang Kapatid artists kung paano nila ito nabuo. Ani MJ: “Yung idea was like 2021, 2022, Nag-Idol in Action kami ni Tiyang Marga Vargas with Idol Raffy Tulfo.
“So nung panahon na yun ng lockdown, naka-face mask kami, nag-RT PCR kami.
“Yung feeling namin… alam mo yung parang katapusan na hindi mo alam kung kailan yung katapusan?
“Pero ang arte namin. We’re always talking about beauty. We’re always talking about health.
“So, si Idol [Sen. Raffy Tulfo], binigyan kami ng idea na ba’t hindi namin gawing negosyo.
“Tapos, si Tiyang Marga, of course, after nung Idol In Action era, focused on motherhood.”
Naisip na rin nilang isama na ang kani-kanilang kapatid — si Mikee Arenas, isang real-estate broker na nakakabatang kapatid ni Marga, at si JR Marfori o Marf na kapatid ni MJ.
Napapangiting sabi sa amin ni MJ: “Gutta Glow yung pangalan niya, pero MMMM beauty. Kasi Marga, Mikee, MJ saka si Marf. Or Matandang Mayamang Mahirap Mamatay.”

Read: Anne Curtis responds to netizen who called her "retokada"
ON PUTTING UP A BUSINESS WITH SIBLINGS
NOEL FERRER:
Ipinaliwang na rin ni Marga Vargas kung bakit nila isinama ang kanilang kapatid na sina Mikee at Marf.
Ani Marga: “Actually, MJ and I, matagal na kami naghahanap ng health and beauty and wellness business.
“Nasa Idol in Action pa kami. Pero naisip naming what if we put a business na kasama na ang mga kapatid namin?
“Kasi siyempre, hindi lang sine-share mo yung longevity saka yung good health. E, business-wise, mas pagkakatiwalaan mo yung mga kamag-anak mo siyempre.
“And yun yung expertise nila. Kasi more of these are numbers, e. So, he’s really the business guy.
“Si Mikee, more of marketing. And kami ni MJ, since yun nga sa Idol In Action kami, mas malawak ang makasubok ng produkto namin.”
Sabi naman ng brother ni MJ na si Marf: “And dito to add to that, siyempre kung gagawa ka na rin lang ng business, magandang kasama yung partner mo is parang mga kapareho mo ng values na tao.
“Kasi yung skills natuturo naman yun. Pero yung values na meron kami for MMMM na gusto naming gawin yan, pamilya.
“Parang important na, at least for me, na ang kasama naming pamilya rin.”
Available na raw ngayon ang Gutta Glow sa Shopee, Facebook at TikTok. Sinubukan na rin nilang mag-live selling sa TikTok at sobrang na-enjoy daw nila. Inaabot daw sila ng pitong oras na nagtitinda nito online.
Ani MJ: “Ang saya nung live selling! Naintindihan ko ang mga friends nating artista kung bakit gusto nila yung nagla-live selling. Rewarding talaga siya.
“Pero siyempre dahil nagpapakilala pa lang yung brand namin, araw-araw talaga yung ginagawa yung official TikTok media.
“Kumbaga, information period pa yung brand namin. Kung makikita niyo sa mga events may affiliates din kami.”
Read: Kira Balinger denies involvement in JMFyang blind item
ON PARENTING TIPS
JERRY OLEA:
Parehong nanay sina MJ at Marga. Malalaki na pala ang mga anak ni Marga, isa sa hosts sa Frontline sa Umaga sa TV5.
Tatlo ang mga anak niyang pawang babae, edad 23, 18, at 16. Kay MJ naman ay bata pa ang nag-iisang anak nila ni Oscar Oida.
Pareho silang abala sa kanilang trabaho, pero bilang nanay, tinitiyak daw nina MJ at Marga na meron silang panahon sa kanilang anak.
Isa si MJ sa hosts ng programang Inay Ko Po sa TV5 kaya kailangan nagagampanan pa rin niya ang pagiging nanay, kahit abala sa pagiging journalist at sa bago nilang negosyo.
“Actually, dapat open communication bata pa lang. Iyun talaga yung importante dun,” pakli ni MJ nang natanong tungkol sa pagiging ina.
“Alam mo kasi, tayong mga Pilipino, hindi tayo sanay na maging confrontational.
“Imagine mo, kahit sa mga pamilya natin, and it starts conflicts.
“And honestly, bata pa lang, ikaw, yung anak mo, dapat bukas na yung communication niyong dalawa.
“Hindi nagkakahiyaan, kung may issue man kayo sa isa’t isa, ina-address nyo agad. Dun magsisimula yun.
“And you also know kung nasaan yung ano mo, headspace ng anak mo. Sobrang importante na ganun.
“So ang ma-impart ko lang, yun nga. Lagi kayong mag-usap.
“Huwag niyong kakalimutan, how much busy it gets. And at the end of the day, lines remain open.
“And make sure, you have full activities together as a family,” dagdag ni MJ.
May suggestion si Marga para sa mga magulang kaugnay sa pagpapalaki sa mga anak.
Ani Marga: “Ako talaga, medyo i-regulate yung social media use for the younger ones. For the minors, kasi I think it bears a lot of impact pagdating sa social media.
“Minsan, pag hindi natin nagagabayan nang tama yung mga anak natin, they feel that what they see on social media is what it is.
“So, kailangan i-regulate natin. Let’s just be there for our children.
“Alamin kung sino yung mga kaibigan, anong content yung pinapanood, ano sila eskuwela. “So, kailangan ng right tutok no matter what, how busy we are.”
