GORGY RULA
Sinusubaybayan ko ang Honor Thy Mother sa Amazon Prime Video.
Nakaapat na episodes na ito, at mukhang mahu-hook na ako nito.
Sa isang episode, ang dami nang nangyayari.
Ang bilis ng pag-usad ng kuwento, at maayos ang pagkakalahad ng story arc ng bawat karakter, lalo na sa mag-inang sina Diana Aragon o si Ms. D na ginagampanan ni Sharon Cuneta, at ni Patricia na ginagampanan naman ni Barbie Forteza.
Sa first two episodes, lutang na lutang si Barbie at halos sa kanya umiikot ang kuwento.
Pero sa third at fourth episodes ay naka-focus na sa kanilang mag-ina ang kuwento.
Ang galing pareho nina Sharon at Barbie, lalo na sa huling bahagi ng fourth episode.
Ayun! Lagaslas na naman ang luha ko!
Magagaling din ang ibang cast lalo na sina Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, John Estrada, at Khalil Ramos.

KHALIL RAMOS ON SHARON CUNETA
Napag-usapan namin ito ni Khalil sa nakaraang media conference ng Puregold CinePanalo na ginanap sa Gateway Mall 2 noong Huwebes, September 17, 2026.
Nae-enjoy raw ni Khalil ang taping nila sa Honor Thy Mother dahil ka-close na niya lahat ng cast.
Puring-puri niya si Sharon dahil napakabait daw sa kanilang lahat, at busog na busog daw sila tuwing taping
“Breakfast, lunch, and dinner, lagi niya kaming nililibre. Ahh... sobrang love language niya yung food. Lagi kaming busog,” bulalas ni Khalil.
Hindi lang daw sa pagkain napaka-generous ng Megastar kundi pati sa kanilang trabaho.
“Super, super, super generous. Hindi lang sa pagkain, kundi pati na rin sa mga eksena.
"Sobrang grabe siya. Ibang klase talaga si Ms. S,” dagdag ni Khalil.
Ibang challenge daw sa kanya bilang aktor tuwing nakakaeksena niya si Sharon.
Lahad ni Khalil: “Siyempre sa lahat naman ng mga nakakatrabaho mo, there’s always a challenge.
“Ahh, particularly kay Ms. Sharon. Siyempre she’s one of our industry’s best. So. I really had to prepare… prepare for the unexpected.
“Pero nung unang salang ko with her, sobrang nabiyak lahat ng takot ko. Kasi sobrang bait talaga. Super!
"One of the kindest… not only kindest actors, kindest people I’ve ever met.”
Read: Christopher de Leon breaks silence on Lotlot-Ian feud
"PA-SHARON" NI SHARON
Natawa kami sa sinabi niyang bukod sa lagi silang nalilibre ni Sharon sa pagkain, meron pang pa-take home.
Dahil meron pang pa-"Sharon" si Sharon Cuneta.
“Ahh, she’s so generous in her craft. Grabe siya mag-impart ng knowledge niya. Grabe rin siya magpakain.
“Nakakapag-‘Sharon’ kami ng pagkain every single taping day dahil buhos talaga. Oo, literal, ang daming food!
“Araw-araw talaga, every meal. Coffee, pagkain, lahat lagi. Grabe!” masayang kuwento ni Khalil sa nakaraang mediacon ng Puregold CinePanalo Film Festival.
JERRY OLEA
Si Khalil Ramos ang isa sa mga bida sa CinePanalo 2026 entry na Patay Gutom na idinirek nina Carl Papa at Ian Pangilinan, na co-star rin niya sa pelikula.
Puno ang schedule ni Khalil kaya ginawa pa niyang bio sa kanyang Instagram account ang schedule ng projects, kagaya ng ginawa ng Hollywood actress na si Anne Hathaway.
KHALIL RAMOS' VIRAL INSTAGRAM BIO
Nakasaad sa bio ng singer/actor ang “Saving Cherry- Sept 2 (cinemas), Honor Thy Mother Sept. 11 (streaming on Prime), at Patay Gutom- Sept 23-Oct 4 (Puregold CinePanalo Film Festival).”
Pero may pahabol siyang comment na “O, sorry @annehathaway”

Sabi ni Khalil: “Grabe yun! Joke lang naman yung pag-post ko na yun. Tapos sobrang pinik-up ng lahat ng tao.
“Nahihiya na nga ako. Kasi malamang sa malamang, nakita ni Anne Hathaway yun, di ba?
“Sobrang nag-flag yung notifications niya!” natatawa niyang pahayag.
Pero nagpapasalamat si Khalil dahil sunud-sunod ang mga ginagawa niya at gusto niya itong mga projects na napunta sa kanya.
“Pero yeah! Super blessed,” sambit ni Khalil.
“I mean, sa lahat ng nakakatrabaho ko ngayong productions, thankful ako na may tiwala pa rin sila sa talento ko.
“In our current state of the industry, sobrang suwerte ka na magkaroon ng isang project.
"Pero ngayon, sa buwan na to, I currently have three. Which is super, super grateful to be part of these projects,” saad ni Khalil.
Read: Shanaia Gomez shares old DMs from male celeb; Carlos Agassi and wife respond
NOEL FERRER
Ano ang reaksiyon ni Khalil Ramos sa sinabi ni Barbie Forteza na siya raw ang "ideal leading man"?
Ani Khalil: “I’m super flattered. I’m just ahhh… Ako naman, for me, ha, in my opinion, I’m just doing the best I can as her on screen partner.
“The bare minimum, and if that’s what she feels, I’m super thankful na iyon yung naramdaman niya.
“But in a screen partnership, it takes two for it to work. So, I pass on the praise to her.
“I wouldn’t be able to, you know, excel if it weren’t for her generosity as an actor as well.”
Pero nag-react siyempre ang fans ng BarDa tandem nina Barbie at David Licauco.
“That is not my ano. I’m no one na to comment about that.
“I’m ano… I’m just doing my job as an actor,” maingat na sagot ni Khalil.
SECOND BL MOVIE
Dito sa pelikulang Patay Gutom ng CinePanalo ay walang leading lady si Khalil dahil BL movie ito.
Bale pangalawa na niya ito.
Ang unang BL movie na ginawa niya ay ang 2 Cool 2 Be 4gotten sampung taon na ang nakaraan.
“BL siya, pero hindi siya one-dimensional BL,” paglilinaw ni Khalil.
“Coz, as its core, it’s a story about family, it’s a story about love. It’s also a story about grief, acceptance, death.
“So, yeah! Ano siya, it’s very different compared to ano…” dagdag ni Khalil.

Bilang isang aktor, wala raw siyang limitasyon pagdating sa mga ganitong klaseng pelikula.
“Ako naman, I don’t limit myself. But as long as the story calls for it, as long as… alam mo naman yung iba na just for the sake of, di ba?
“Ahhh depende talaga. Case to case,” sabi ni Khalil.
Read: Atasha Muhlach on being hurt by criticisms: “Tao pa rin naman ako.”
