PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Morenang aktres, break na sa boyfriend mula sa buena de familia

Morenang aktres, napilitiang magbayad matapos di makapagbayag ang byfriend.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
blijd item morenang aktres breakup
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Natauhan si Morenang Aktres at nakipaghiwalay na sa kanyang Poging Boyfriend na non-showbiz.

Nahimasmasan.

Proud pa naman si Morenang Aktres sa kanyang BF dahil DBF (de buena familia) ito.

Yayamanin.

Napansin naming nakikipag-altahan na si Morenang Aktres.

Sosy.

LAVISH PARTY FOR MORENANG AKTRES

Kamakailan ay may milestone si Morenang Aktres, at gusto sana niya ay simpleng selebrasyon lang.

Pero nagmungkahi raw itong si BF na DBF na maghanda siya para maimbitahan ang pamilya, close friends, at mga katrabaho.

Classy ang venue.

Nag-agam-agam si Morenang Aktres na baka lubhang madugo ang gastusin.

Pero siniguro ni Poging Boyfriend na walang dapat ipag-alala si Morenang Aktres.

Si BF na DBF daw ang bahala.

Ang pagkakaalam ng mga kaibigan ay bonggacious at madatung ang nobyo.

Ang suwerte raw ni Morenang Aktres sa makisig na katipan.

Pero nagulantang si Morenang Aktres ilang araw pagkatapos ng piging.

May problema sa ibinayad ni boyfie.

Read: Pretty Actress, tumalbog ang tseke sa bonggang birthday bash?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi malinaw kung hindi nabayaran o tumalbog ang tsekeng ibinayad sa high-end restaurant.

Basta ang nakarating kay Morenang Aktres, kailangan nang i-settle yung bill ng pagdiriwang na ibinigay sa kanya.

Hindi na naipaliwanag ng aming unimpeachable source kung paano ito naayos.

Ang pagkakaalam niya ay si Morenang Aktres na ang nagbayad ng dapat bayaran.

Nabalitaan na lang namin na lumuluha si Morenang Aktres.

At ang latest, break na sila ni Poging Boyfriend.

JERRY OLEA

Nahabag kay Morenang Aktres ang close friends niya.

Masaklap ang naranasan nito sa lovelife.

Na-link dati si Morenang Aktres sa isang Mestisong Aktor.

Ang buong akala namin ay sila na. Pero naudlot pala yun.

Hindi rin naklaro sa amin kung bakit naunsyami ang naturang pag-irog.

Focus na lang muna sa trabaho si Morenang Aktres.

Mas mabuting todo-raket siya habang pinaghihilom ang sugat sa kanyang puso.

Read: PHP3M sofa, kinontra ng yayamaning karelasyon ng magandang aktres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results