GORGY RULA
Hindi kasing-ingay ng guesting ni Alden Richards ang appearance ng JMFyang loveteam sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong Linggo, September 20, 2026.
Pero masaya rin ang interview ni Vice Ganda kina JM Ibarra at Fyang Smith, at may kilig talaga sa kanilang dalawa.
Ang pilot episode ng GGV, kung saan guest si Alden, noong nakaraang Linggo, September 13, ay naka-4.3%.
Samantala, ang guesting ng JMFyang ay naka-3.2%.
Pero posibleng mas marami ang nanood sa unfiltered episode nito sa iWant.

SEPTEMBER 20 RATINGS
Narito ang ratings ng iba pang programa noong September 20...
Ang All-Out Sundays ay 2.4%; at ang Sunday Noon Blockbuster ay 0.6%, ang Cine Astig ay 0.4%.
Pagkatapos ng AOS ay ang Regal Studio Presents na naka-2.7%; ang Kuan en One ay 0.4%, at ang My Puhunan ay 0.2%.
Ang FPJ sa GMA ay 4.1%; ang Rated Korina ay 0.5%, ang Shocking ay 0.4%, at ang Presinto 5 ay 0.2%.
Sa primetime ay naka-5% ang 24 Oras Weekend; ang TV Patrol Weekend ay 0.9%, at ang Frontline Weekend ay 0.3%.
Sumunod ang Bubble Gang na 5.3%; ang ASAP XP ay 1.6%, at ang Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo ay 0.6%.
Na-maintain ng The Voice Kids na mataas ang rating sa second episode nito, 7.8%.
Ang katapat nitong Deal or No Deal ay 3%.
Sumunod sa The Voice Kids ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-11.1%; ang Everybody Sing ay 1.9%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 0.9%.
Read: Alden Richards gets emotional over pressure to find love at 34
NOEL FERRER
Noong Sabado, September 19, 2026, ay inaasahan naming mataas ang Eat Bulaga! dahil talagang nagbabad sila sa guesting ng SexBomb Girls.
Pinayagan ng GMA-7 na umapir doon si Rochelle Pangilinan. Pero naka-2.8% lang ang rating ng Kapatid noontime show.
Ang katapat nitong It’s Showtime ay naka-5%.

Ang Born To Shine ay 5.1%, ang Miss Behave ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 1.3%.
Sumunod ang Tadhana na 4.2%, at sumunod ang Barangay Love Stories na 3.6%, at ang Tao Po ay 0.3%.
Ang Farm To Table ay 2.5%, ang Phillippines Oddest Jobs ay 0.4%, at ang SOCO ay 0.9%.
SEPTEMBER 19 PRIMETIME RATINGS
Sa primetime, ang 24 Oras ay 5.4%, ang TV Patrol Weekend ay 1.8 percent, ang Frontline Weekend ay 1%, at sinundan ng Vibe+ na 0.7%.
Ang The People Have Spoken ay 6.2%, at ang Ibang Level ay 1.9%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.3%, at ang Deal Or No Deal ay 3.1%.
Ang Magpakailanman ay 5.6%, at ang Everybody Sing ay 2.6%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 3.8%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 1%.
Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD
JERRY OLEA
Noong Huwebes, September 17, nagsimula na si Michael V sa Family Feud.
Siya ang pansamantalang pumalit kay Dingdong Dantes na nag-leave muna para may sapat siyang oras sa taping ng The Master Cutter.
Lalong tumaas ang rating ng Family Feud nung nagsimula si Bitoy. Naka 7.8% ito.

SEPTEMBER 18 RATINGS
Nang sumunod na araw, Biyernes, September 18, ay medyo bumaba ang Family Feud, pero mataas pa rin kung ikumpara sa dating ratings nito. Naka-6.4% iang episode kung saan naglaro sina Jaya at Janice de Belen.
Ang katapat na Minute To Win It ay 1.5%.
Medyo mababa kasi ang viewership nung araw na yun.
Ang It’s Showtime ay 4.3%, at ang Eat Bulaga ay 2.6%.
Ang Born To Shine ay 4.6%, at ang sumunod na Kamao ay 4.6% din.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.2%, at ang replay na Maria Clara at Ibarra ay 2.5%.
Ang Branding at Seungso ay 2.1%.
Pagdating sa primetime ay 11.3% ang 24 Oras; ang Frontline Pilipinas ay 1.8%, at ang TV Patrol ay 2.9%.
Ang The Master Cutter ay 9.6%, at ang Sigabo ay 7.3%.
Sumunod ang Taskforce: Firewall na 7.8%, at ang Someone, Someday ay 3.4%.
Ang First Yaya ay 4%, at ang A Secret In Prague ay 1.5%.
Read: Dingdong Dantes leaves Family Feud temporarily, Michael V to host
