PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lakam Chiu reportedly short of PHP700K for PHP5.838M bail

Kim Chiu, sister Lakam: From family love to legal battle.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
kim chiu lakam chiu
From Kim Chiu’s emotional stories about her sister Lakam to the latter’s arrest over 124 counts of qualified theft, here’s a look at the developments in their family conflict.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nang nagpahayag ang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na hindi niya iimbitahin ang magulang niya sakaling magpakasal na sila ni Chloe San Jose, naging paksa ito sa mga usap-usapan.

Pinag-usapan din ito sa ilang talk shows.

Sa "Miss Q&A" ng It’s Showtime ay hiningan ng opinyon ang mga kandidata tungkol dito.

Read: Carlos Yulo prefers not to invite parents on wedding to Chloe

LAKAM CHIU RECOMMENDED BAIL

Ngayon naman, ang bagong pinag-uusapan sa social media ay ang pagpapakulong ni Kim Chiu sa ate niyang si Lakambini "Lakam" Chiu.

Nakasaad na mahigit limang milyong piso ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lakam.

Ang nakarating sa PEP Troika, binubuo raw ni Lakam ang pampiyansa.

Kulang pa raw siya ng mahigit PHP700,000 para mabuo niya ang PHP5,838,000 na recommended bail.

Kung totoo ito, malamuyot kaya ang puso ni Kim at pahihiramin niya ang Ate Kam para makapagpiyansa?

Dahil sa isyung ito, ito na kaya susunod na pag-uusapan: Matitiis mo kayang ipakulong ang sarili mong kadugo o kapamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lakam Chiu, Kim Chiu's sister, arrested over 124 counts of qualified theft

JERRY OLEA

Noong nakaraang buwan lang ay ipinalabas sa HBO Max ang reality show ng ABS-CBN na Come Dine With Me.

Kasali si Kim Chiu sa isang episode; gayundin sina Joel Cruz, KaladKaren, at Francis Libiran.

Ngayon lang ito na-stream.

Pero ayon sa ilang celebrities na kasali sa Come Dine With Me, mga three years ago pa raw nila ito na-shoot.

Sa episode, kung saan si Kim ang naghanda ng dinner kina Joel, Kaladkaren, at Francis, pinag-usapan nila ang pagkakasakit ng Ate Lakam ng Kapamilya actress.

Mangiyak-ngiyak pa si Kim nang ibahagi niyang araw-araw siyang nagdarasal para malagpasan ito ng kanyang Ate Lakam.

Devotee raw si Kim ni Padre Pio kaya isa sa ipinagdarasal niya na pagalingin ang Ate Kam niya.

Read: Kim Chiu recounts when sister Lakam fell into a coma: “Pinapapirma na ako…”

Kim Chiu in Come Dine With Me
Kim Chiu in Come Dine With Me
Photo/s: HBO Max
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento pa ni Kim nung panahong yun na nagre-recover na raw ang ate niya at tumulong pa raw sa pag-set up nung bahay niya sa Tagaytay na pinagdausan ng naturang dinner.

“Ngayon, masaya na siya [Lakam). Siya pa ang tumulong sa pag-set up nito. Paano na lang kung wala siya,” sabi pa ni Kim.

Nag-comment si Joel na nakaka-touch daw si Kim na nakita niya kung gaano nito kamahal ang pamilya.

“Basta family, ano weakness ko talaga. Hindi ko kaya pag wala sila. Para silang tikoy, nakadikit sila sa akin,” nakangiti pang sabi ni Kim habang nagde-dessert sila ng tikoy na ginawa niya.

Pero ngayon ay ipinakulong na ni Kim ang kanyang nakakatandang kapatid.

KIM CHIU CLARIFIES STATEMENT ABOUT SISTER LAKAM

Noong Hulyo 30, 2026 ay naglabas ng official statement si Kim, sa pamamagitan ng Star Magic, upang linawin ang naging pahayag ng aktres sa Come Dine With Me.

Bahagi ng nakasaad sa statement: "In 2023, an interview of Kim regarding her sister was recorded and is currently being viewed by the public.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"While the statements made by Kim at the time were true and reflected the circumstances then, they no longer represent the present situation.

"Since then, Kim has discovered material information that came to light in 2025, which prompted her to take legal action.

"As a result, a criminal complaint filed by Kim against Ms. Lakambini Chiu is currently pending before the proper authorities."

Dagdag ng Star Magic: "Kim remains firm in her decision to pursue the case through the proper legal process in order to establish the truth, hold the responsible parties accountable, and seek justice.

"This statement is issued solely to clarify the timeline of events and to avoid any misunderstanding arising from previously recorded statements."

Read: Kim Chiu stands firm on pursuing legal case vs. sister Lakam

NOEL FERRER

Nakakalungkot, nakakabigla.

From Carlos Yulo to Kim Chiu, parehong usapang pamilya ang laman ng timeline natin.

Pero eto yung masakit sa dibdib...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung pinanood ko yung Come Dine With Me episode na yun, kita mo talaga sa mata ni Kim kung gaano niya ka-love ang pamilya niya.

Umiyak pa siya for Ate Lakam.

Sabi pa niya, “parang tikoy, dikit-dikit.”

And now, tikoy na dumikit sa rehas? Ang sakit.

IS BLOOD REALLY THICKER THAN WATER?

Hindi natin alam ang buong kuwento.

Hindi natin hawak ang bigat ng pinagdaanan nilang magkapatid.

Baka may sugat na malalim na hindi na kayang tapalan ng sorry lang.

Baka kailangan talagang dumaan sa proseso para matauhan, para matuto, para maging patas.

Pero at the end of the day, pamilya pa rin.

Walang pamilyang perpekto. Lahat ay may lamat, may tampuhan, may panahong gusto mo nang bumitaw.

Pero ang pamilya, hindi mo mapapalitan.

Asawa, jowa, kaibigan, napapalitan.

Pero dugo, dugo pa rin.

Ang dasal ko lang, sana hindi dito magtapos.

Sana, yung piyansa na kulang na PHP700K, mapunan man ng pera o ng kapatawaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, yung dating dasal ni Kim kay Padre Pio na gumaling ang ate niya, ngayon ay dasal naman na maghilom ang puso nilang dalawa.

Kasi, ang tunay na lakas, hindi yung kaya mong ipakulong.

Ang tunay na lakas, yung kaya mo pa ring magpatawad.

Peace is still possible. Harmony is still possible.

Sana, tikoy pa rin sa dulo — dumikit ulit.

Pero mas matamis at mas matibay na.

Hindi pinipilit yan. Kusang darating, sa tamang panahon.

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From Kim Chiu’s emotional stories about her sister Lakam to the latter’s arrest over 124 counts of qualified theft, here’s a look at the developments in their family conflict.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results