JERRY OLEA
Exciting ang labanan ng pitong full-length films sa 3rd edition ng Puregold CinePanalo filmfest na mag-uumpisa bukas, Setyembre 23, 2026, Miyerkules.
Mapapanood ang mga ito sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, and Market! Market!.
Ang regular price ng tiket ay PHP250, samantalang ang discounted price ay PHP200 para sa PWD, senior citizens, students, national athletes, at Aling Puring cardholders.
Magpapakilig sina River Joseph at Xyriel Manabat sa Stuck On You, ganoon din sina Khalil Ramos at Ian Pangilinan sa Patay Gutom, pati sina Sassa Gurl at Joao Constancia sa Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo.
“Magpapatayan” kaya sa takilya ang BL movie na Patay Gutom at ang QL (as in “queer love”) movie na Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo?
Gaano kaya kabigat ang drama ng Beast, Mono No Aware, Wantawsan, at Apol of My Ai?
Dalawa ang pelikula ni Zion Cruz — Apol of My Ai at Wantawsan. Alin kaya ang mas mapupusuan ng moviegoers?
CONTENDERS FOR ACTING CATEGORIES
Sa Setyembre 30 ang awards night ng CinePanalo 2026.
Magkalaban bilang best actress ang magkaibigang Xyriel Manabat (Stuck On You) at Sassa Gurl (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo).
Sa kategoryang best actor, llamado si John Arcilla (Beast) pero matatanggap natin kung makasilat sino man kina Joross Gamboa (Wantawsan), juan karlos (Mono No Aware), Perry Dizon (Mono No Aware), Khalil Ramos (Patay Gutom), Ian Pangilinan (Patay Gutom), at River Joseph (Stuck On You).

Si Khalil ay nagwaging best actor last year sa Puregold CinePanalo para sa Olsen’s Day, katabla si JP Larroder ng Tigkiliwi.
Dark horse si Joao Constancia (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo) bilang best actor. Baka sa best supporting actor siya ikinunsidera ng mga hurado?
Sandamukal ang magkakatunggali bilang best supporting actor, kabilang sina Zanjoe Marudo (Apol of My Ai), Cris Villanueva (Patay Gutom), Paolo O’Hara (Mono No Aware), Alwyn Uytingco (Wantawsan), at John “Sweet” Lapus (Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo).
Sa mga supporting actress, malamang na kabilang sa nominees sina Agot Isidro (Patay Gutom), Rochelle Pangilinan (Apple of My Ai), Rita Daniela (Wantawsan), at Candy Pangilinan (Beast).
Pasok din kaya riyan ang mga kabaro ni Sassa Gurl sa Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo na sina Iyah Mina, Inah Evans, Pipay, at Phi Palmos?
Read: Vilma Santos breaks silence on being left off National Artist list
NOEL FERRER
Meron kayang tabla sa acting nominees ng Puregold CinePanalo filmfest 2026?
Sa Cinemalaya 22: Reel Reflections last month, tabla ang best actress (Ruby Ruiz, Marietta Subong) at best supporting actor (Lucas Andalio, KD Omalin).
Sa CinePanalo last year, tabla ang best actor (Khalil Ramos, JP Larroder).
Kanya-kanyang panlasa yan.
Sa 49th Gawad Urian sa Oktubre, kabilang si Julian Paul “JP” Larroder sa walong nominadong best actor.
Si Khalil, hindi pumasa sa panlasa ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Ang mga katunggali ni JP sa pagka-best actor sa 49th Gawad Urian ay sina Jericho Rosales ng Quezon, Earl Amaba ng I’mPerfect, Jomari Angeles at Miguel Odron ng Some Nights I Feel Like Walking, Carlo Aquino ng Bar Boys: After School, Elijah Canlas ng Raging/Rumaragasa, at Jojit Lorenzo ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Hindi lang dahil sa talent ko, sana talaga masuportahan at mapansin si Joross Gamboa rito sa entry niyang Wantawsan!
Read: Quezon leads 49th Gawad Urian nominations with 10 nods
GORGY RULA
Hindi naman siguro magta-tie bilang best actress ng Puregold CinePanalo 2026 sina Sassa Gurl (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo) at Xyriel Manabat (Stuck on You).
Sa pagkakaalam natin ay silang dalawa lang ang nominadong best actress sa CinePanalo this year.
Ang sabi ni Sassa Gurl sa mediacon noong Setyembre 17, Huwebes, sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City: “Si Xyriel Manabat, naniniwala po ako, isa sa mga pinakamagaling na aktres ng ating generation.
“Marami na siyang napatunayan at ako, isa na lang ang masasabi ko, happy ako na ma-nominate with her.
“Kasi, yung kahit ma-nominate lang, okay na sa akin po yon. At kino-congratulate ko na si Xyriel!”
Wala pa tayong napapanood sa entries ng Puregold CinePanalo 2026 pero pakiwari natin ay hindi tabla sa labanan ng best actress.
Sa best actor, ang hirap tantiyahin — John Arcilla, Joross Gamboa, Perry Dizon, juan karlos, Khalil Ramos, Ian Pangilinan.
Meron pang River Joseph at Joao Constancia.
Your guess is as good as mine, ika nga.
Read: Xyriel Manabat, Sassa Gurl face off for CinePanalo Best Actress
