PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Reynoso backs MTRCB’s plan for streaming platforms

Richard Reynoso defends MTRCB amid mounting criticism.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
richard reynoso concert
Singer and MTRCB board member Richard Reynoso explains why he joined the agency, its efforts to amend its decades-old charter, and why the board may eventually cover streaming platforms and social media.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Tinalikdan minsan ni Richard Reynoso ang music industry.

“Before the pandemic, when my father passed away, I let go of everything,” pagbabalik-tanaw ni Richard noong Setyembre 15, 2026 sa Mesa restaurant sa Morato Avenue, Quezon City.

“Back in ‘95. And then I concentrated sa corporate world. I worked for PANA, Truth in Advertising. I was special events manager then.

“Tapos I worked as a consultant, at one point, image consultant for Landmark. Tapos nag-head ako ng marketing.

“Nag-marketing manager ako for Praise Records. I became head of sales and marketing ng UNTV.”

Bakit niya ginawa yon?

Natawang pag-amin ni Richard: “To survive. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Mga five, six years din yon.

“It was actually a personal choice. I thought it was [retirement] but then again, talagang pinababalik ako ng Diyos sa pagkanta, e.

“Hinahanap ng katawan ko, e. Hinahanap talaga sa akin yung mag-perform.

“Pero naghahanap ako ng tamang inspiration. It was back in 2000 when I married my wife. And we had children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Doon bumalik ulit. Then I released my very first Christian album, gospel album under Praise, yung 'Ako’y Narito.' Adaptation siya ng 'I Will Be Here.'

“Tapos I did one also for Galaxy, na cover naman ng lahat ng gospel songs ni Don Moen.

“And then, naisip ko, so OK, meron na akong mainstream, meron na akong spiritual. I need something for culture. Cultural.

“So when I was with UNTV, I did Walang Kapantay: The OPM Classics. Online lang siya lumabas.

“Mga lumang kanta na rearranged, na mga bago, na big band. 'Maalaala Mo Kaya,' 'Walang Kapantay,' 'Buhat,' 'Ikaw,' 'Dahil Sa Iyo.' Mga ganyan.

“Nilabas ko iyon, and naisip ko naman, career-wise, I need to give back to the industry that helped me, kumbaga nakatulong sa akin and gave food to the table.

“Which helped me raise a family, and a career na tumagal nang ganito katagal.

“So in 2022, I applied and got accepted and was appointed sa MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board] as one of the board members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was my way of giving back to the industry na nakatulong sa akin.”

40TH ANNIVERSARY CONCERT

Ipagdiriwang ni Richard ang 40th anniversary niya sa music industry sa pamamagitan ng concert na RR40: Timeless Memories sa Setyembre 26, Sabado sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.

Inaasahang kakantahin niya rito ang "Hindi Ko Kaya," "Maalala Mo Pa Rin," "Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?)," at "Paminsan-minsan."

Sold out ang concert na ito, na produced ng EchoJham Entertainment at Kolin Tanlin.

Panauhin sa concert sina Chad Borja, Rannie Raymundo, Jay R Dizon, Andrea Gutierrez, Aquila Packing, at VR Caballero.

richard reynoso concert
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Richard Reynoso recalls overcoming thyroid cancer, COVID

GORGY RULA

Naisip ni Richard Reynoso na kung magtatrabaho siya sa gobyerno, dapat ay alam at naiintindihan niya ang kanyang ginagawa.

“Ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko alam,” pahayag ni Richard.

“Doon ako pumasok sa MTRCB para makatulong. Andoon kami, kasama yung other board members that I respect so much. Na all the dignified people in the business, well-respected.

“People in the media. People in the press. People na kasama sa production. Producers, directors, artists.

“Even video editors and teachers, educators. We also have a psychiatrist na kasama sa board… Nakabantay kami.

“Ika nga, nagbabantay kami ng responsible viewership ng mga Filipino families, particularly yung pagbabantay sa pinapanood ng mga kabataan.”

Sumasama si Richard sa pa-seminar ng MTRCB sa iba’t ibang panig ng bansa. At kumakanta-kanta siya sa mga event na yon.

“Nagtuturo rin kami ng responsible viewership. Responsableng Panonood campaign. We’re going around the country,” lahad ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Recently nanggaling kami ng Bicol. Nagpunta rin kami sa Iloilo, at saka Cebu, at saka Bacolod. Lumiligid talaga kami.

“Yun ang campaign ng chairman namin, si Chair Lala Sotto.”

RICHARD REYNOSO ON RELEVANCE OF MTRCB IN DIGITAL AGE

Dahil sa socmed at internet, sabi ng iba’y parang nawawalan ng saysay ang MTRCB.

“Yeah, maaari niyong sabihin yon. Kasi, technically, wala talagang saysay. Dahil ang hawak pa lang namin ay TV at saka movies,” pag-amin ni Richard.

“Hindi pa sakop ng mandate namin ang internet na siya ring nakakaapekto ng malaki sa mga kabataan.

“Pero we’re now working on it. Meron kaming naka-submit na… para ma-amend yung charter namin, P.D. 1986, which was done in 1985 pa. Hindi pa laganap ang internet noon.”

Ang internet ay nag-umpisa bilang military at research project sa USA noong 1969.

Naimbento ang world wide web noong 1989-1990 sa CERN.

Lumabas ang unang graphical web browser na Mosaic noong 1993.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marso 1994 kumonekta ang Pilipinas sa internet.

MosCom ang unang commercial ISP (Internet Service Provider).

Dial-up pa noon para makakonekta sa internet.

Ang computer ay kailangang nakakonekta sa landline na telepono.

Hindi pa rin uso ang mobile phone noong 1990s sa bansa.

Umaarangkada noon ay beepers, partikular ang Pocketbell at EasyCall.

Pagpapatuloy ni Richard: “Pag naamyendahan ang charter ng MTRCB, pag naaprubahan na ng Congress, naaprubahan na ng Senate, then we will have a new charter na pwede naming pagbasehan.

“Then, pag naaprubahan yon, baka hawak na rin po ng MTRCB ang streaming at social media.”

Read: Richard Reynoso clarifies he was not the original singer of “Ale”

NOEL FERRER

Mahabang proseso ang pag-amend sa charter ng MTRCB. Matatagalan pa ito?

“Well, matagal na rin naman naming inia-apply,” sambit ni Richard Reynoso.

Noong 2017 na umupo si Rachel Arenas bilang chairperson ng MTRCB ay napag-uusapan na ang tungkol sa streaming platforms, partikular ang Netflix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May agam-agam noon na baka umalis ang Netflix sa Pilipinas.

“Baka magawan ng paraan. We’re working on it now para maamyendahan,” dagdag ni Richard.

“Ang Netflix ngayon, we have a working dialogue with them. And at the same time, meron tayong MOA. Memorandum of Agreement.

“Na they would respect and put into consideration the way we review and classify the movies. “So in a way, malaki pa ring tulong.”

May mga palabas ang HBO Max na wala sa Pilipinas.

“Totoo, totoo. Alam nilang hindi kakagatin dito. Magwawala ang mga Pilipino,” pagtango ni Richard.

“Marami ring mga pelikula na hindi rin natin pinayagan dito. Kasi, maraming magagalit. Maraming magagalit na mga grupo na ayaw nating ma-offend.”

Maraming nae-X ang MTRCB?

“May mga… pero hindi naman karamihan. May mga iba’t ibang reasons,” sagot ni Richard.

“Merong sub judice, may kaso siya [hindi puwedeng rebyuhin ng MTRCB]. Yung mga iba naman, sobrang religiously offending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi meron yan, e. If it constitutes attack against race or religion, damay yan. If it’s libelous, X-able din yan.

“May mga ganoon, na hindi naman kami yon, kundi kung ano yung nakalagay sa batas, sinusunod lang natin. Ini-implement lang natin.

“If it’s written there, we have to implement it. Dahil batas iyon, e.”

Read: Richard Reynoso, ipinaliwanag ang X-rating ng MTRCB sa Dear Satan

THE IMPORTANCE OF MTRCB

Mas nakakatulong ang MTRCB, mas kailangan…?

“Malaki ang naitutulong ng MTRCB. Even if I’m not there, I would be happy to have them here, helping us,” sabi ni Richard.

“Kasi at least, yung mga magulang na hindi ma-educate yung kanilang mga anak, hirap na mabantayan yung mga anak nila kung ano ang pinapanood nila, I would love to have MTRCB there na nagsasabi sa akin kung ano yung puwedeng panoorin ng mga bata dahil napanood na nila, at sinasabi nila kung anong edad ang pupuwedeng panoorin ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although yung anak ko kasi, 18 years old na. Pasok na siya doon sa adult R-18.

“Pero yung mga kabataan, siyempre, I would probably say, na mas gugustuhin kong andiyan ang MTRCB kaysa wala.”

Naaapektuhan ba siya sa mga namba-bash sa MTRCB sa socmed?

Mabilis na tugon ni Richard: “Wala tayong magagawa, e. Everybody’s entitled to his opinion, e. Opinyon nila yun, hindi natin puwedeng kontrahin.

“Kahit ano naman ang gawin nating explanation, kung hindi sila willing makinig, hindi naman nila iintindihin — wala tayong magagawa.

“Pero still, it does not mean na dahil nagbigay ka ng opinyon, tama na yon. Ahh siyempre may mga bagay na maaaring hindi rin nila alam.

“Hindi naman nila alam kung ano yung tinatrabaho namin, kung papaano namin dyina-judge.

“Although yung mga classifications namin, makikita naman. Nabubuksan naman yan online.

“Ang P.D. 1986, nandoon naman, nakikita nila kung ano yung guidelines namin, ano yung guiding principles ng agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa kanila na lang yan kung ayaw nilang tanggapin. Wala tayong magagawa.”

Read: Film screenings, censorship issues put MTRCB in spotlight

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer and MTRCB board member Richard Reynoso explains why he joined the agency, its efforts to amend its decades-old charter, and why the board may eventually cover streaming platforms and social media.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results