GORGY RULA
Mukhang napagdiskitahan itong si Premyadong Aktor ng ilang kababayan natin sa Amerika.
Isang kaibigan ng PEP Troika na nakabase doon ang nag-forward sa amin ng post ng isang Pinoy na kakilala niya na nanawagan sa U.S. authorities na imbestigahan ang event ng isang produkto na iniendorso umano ni Premyadong Aktor.
Idi-distribute daw ang produkto ni Premyadong Aktor sa Amerika kaya inaalam kung nagkaroon na ba ito ng FDA (Food and Drug Administration) clearance.
Bukod pa riyan, inaalam kung may working visa daw ba ang premyadong aktor.
May event kasi doon para sa mga Pinoy kung saan ay inilunsad ang produktong iniendorso ni Premyadong Aktor.
Parang may fan meet daw ang premyadong aktor doon.
Sa ganitong event ay dapat working visa ang gamit ng isang celebrity na bahagi nito.
Lumalabas na nagtatrabaho na ang celebrity sa Amerika, kaya working visa ang dapat gamitin sa pagpasok ng naturang bansa.
PREMYADONG AKTOR, TOURIST VISA LANG ANG HAWAK?
Pinag-uusapan kasi ng mga kababayan natin doon na hindi raw ikinuha ng working visa si Premyadong Aktor, kundi tourist visa lang ang gamit nito.
Mahigpit talaga doon pagdating sa mga ganyang raket ng kilalang celebrities.
Maingat ang mga artista sa ganyan.
Kahit paakyatin lang ng stage para sumali sa kantahan o anumang gagawin sa stage ay hindi ginagawa ng ibang artista kapag tourist visa silang pumasok ng Amerika.
Kung totoo mang tourist visa lang meron si Premyadong Aktor, may pananagutan siya sa U.S. authorities.
Posibleng rason ito para ipa-deport siya at tanggalan ng U.S. visa o i-ban na pumasok sa naturang bansa.
Nangyari na yan sa ilang celebrities na rumaraket doon na walang working visa.
Kaya tingnan natin pagbalik ng premyadong aktor sa ating bansa kung ano talaga ang totoong nangyari.
Hindi kaya siya magkaproblema sa immigration sakaling bumalik na siya ng bansa?
Read: Lakam Chiu reportedly short of PHP700K for PHP5.838M bail
NOEL FERRER
Ang nakakalungkot lang, mismong mga kababayan natin ang nagpaparating nito sa mga awtoridad.
Hindi na bago ang ganitong gawain.
Mismong ang Pinoy ang nagpapahamak sa kapwa Pinoy.
Mali naman kasi talaga kapag hindi idineklara nang tama ang pagpasok mo sa United States of America.
Pero itong ginagawang pagsusumbong ng ilang kababayan natin doon ay dahil ba sa pagsunod sa batas o dala lang talaga ng inggit?
JERRY OLEA
Ang latest na naulinigan namin, nagtatago na raw sa USA itong si Premyadong Aktor para hindi siya ipa-deport sa Pilipinas.
Pero kailangan niyang bumalik ng bansa dahil may career siyang babalikan dito.
Malulusutan kaya niya ang usaping ito?
Read: Kira Balinger denies hotel-room invite claim tied to JMFyang blind item
