GORGY RULA
Tuwang-tuwa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa performance ng kanilang panganay na anak na si Talitha Sotto sa concert ng eskuwelahan nitong Paref Woodrose School.
Ginanap ang concert sa Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati City, noong Miyerkules, September 23, 2026.
Ang concert ay pinamagatang Limitless: A Celebration of Dreamers and Believers.
Bahagi ito ng selebrasyon ng 50th anniversary ng Paref Woodrose School.
Involved dito ang ilang magulang ng mga estudyante, at isa nga si Vic Sotto sa nag-perform.
Nag-duet ang mag-amang Vic at Tali ng kantang "Wind Beneath My Wings."
Meron ding number na kasama si Pauleen.
Kasama uli sina Bossing Vic at Pauleen sa isa pang number kung saan nandoon ang lahat ng participating students kasama ang kanilang mga magulang.
MOMMY CHAT ON SON-IN-LAW BOSSING VIC
Nanood din sa concert ang Mommy Chat at Daddy Gene ni Pauleen.
Sobrang proud sila sa kanilang apo.
Una kaming nakibalita kay Mommy Chat na tuwang-tuwa nung araw na yun.
Ang isa sa ikinatuwa ni Mommy Chat ay kung gaano raw kamahal ni Bossing Vic ang mga anak nito.
Sobrang na-enjoy raw niya ang pagdalo sa concert dahil bago yun ay may panahon pa silang mag-bonding.
“Mahal na mahal ni Vic ang mga anak nya. Lahat gagawin niya, e. Natuwa naman kami ni Daddy.
“Three days kami nag-bonding with Vic and whole family… pati kami ni Daddy Gene bago mag-show,” text sa akin ni Mommy Chat.
Mahigpit na ipinagbawal sa concert ang pagkuha ng video at pictures, pero saglit na nakapagkuha si Mommy Chat na hiningi ko sa kanya.
Ipinost niya ito sa kanyang social media account kung saan nagpasalamat siya dahil nasaksihan niya ang ganoong tagpo ng mag-amang Vic at Tali, kasama si Pauleen.
Caption ni Mommy Chat sa kanyang social media post: “So happy, so proud, so grateful.”
Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto battles cancer, needs financial help
NOEL FERRER
Sa totoo lang, excited si Pauleen Luna sa concert dahil nakikita niya ang hilig ni Tali sa pagkanta.
Bago ang concert noong Miyerkules, nag-post si Pauleen sa kanyang social media account kung saan ipinagmalaki niya ang gagawin ni Tali sa Limitless concert.
Bahagi ng caption nito: “So very proud of you, my firstborn! Watching you bloom and grow right before my eyes makes my mama heart o emotional.
“Whatever you choose to do in life, do it well and always do it with your whole heart.
“Know that we will always behind you, cheering you on, and supporting you every step of he way. We love you more than words can say!”
Tali Takes After Vic in Singing, Mochi in Comedy
Noon pa man ay naikukuwento ni Bossing Vic Sotto na nagsisimula pa lang magsalita si Tali ay mahilig na raw itong kumanta.
Sa halip nga raw magsalita ay kinakanta na ng bagets.
Kaya sabi ni Pauleen, alam daw niyang hindi na kinarir ni Tali ang performance sa naturang concert, dahil gustung-gusto talaga nitong kumanta.
Namana raw sa daddy niya.
“Naturally, marunong kasi talaga kumanta. Baby pa lang yan nagse-second voice na siya. Naririnig sa Daddy niya,” text ni Pauleen sa PEP Troika.
Kay Bossing Vic namana ni Tali ang pagkanta.
Ang bunso nilang anak na si Mochi ay namana naman daw pagkakomedyante ng daddy niya.
“Hahaha! True! Napaka kengkoy na bata,” text back agad ni Pauleen.

Hindi na raw makakapagpatuloy sa pagte-training o pag-voice lesson si Tali, dahil ang dami pa raw nitong gustong gawin.
“Nag-gymnastics siya, dance and golf din. In short, pagod na pagod ako hahaha!” text uli ni Pauleen.
Read: Lakam Chiu reportedly short of PHP700K for PHP5.838M bail
JERRY OLEA
Nabanggit din ni Pauleen Luna sa PEP Troika na nag-perform din sa concert ang apo ni Lorna Tolentino na si Tori Fernandez.
Si Tori ay anak ni Rap Fernandez, ang panganay na anak nina Lorna at Rudy Fernandez.
Puring-puri ni Pauleen si Tori, at nagagandahan siya rito.
“Ang husay niya! Ang ganda pa. Kakaiba ang beauty niya,” ani Pauleen.
Nanood din pala doon sa Proscenium si Lorna.
Nagulat daw siya nang sumama sina Vic at Pauleen sa performance ni Tali.
“Ang tiyaga ni Bossing, ha?!” bulalas ni Lorna nang makausap namin sa cellphone.
“Kasama pa si Pauleen. Biniro ko nga si Rap, bakit hindi siya sumama kay Tori, kumanta. ‘Weh!’ sabi niya.”
Bumilib si Lorna kung paano suportahan nina Vic at Pauleen ang kanilang anak.
Read: Lorna dreams of granddaughter Tori becoming the next Lea
