JERRY OLEA:
Dalawa lang ang lead actress sa pitong full-length films ng 3rd CinePanalo Film Festival.
Ang dalawang ito ay ang magtropang sina Xyriel Manabat ng Stuck On You at Sassa Gurl ng Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo).
Silang dalawa lang ang magkatunggali sa kategoryang PANALONG AKTRES, na ang awarding ceremony ay sa Setyembre 30, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Atmos Cinema 5 ng Gateway Mall 1 sa Cubao, Quezon City.
Apat ang nominadong PANALONG PANGALAWANG AKTRES — sina Rita Daniela ng Wantawsan, Rochelle Pangilinan ng Apol of My Ai, Agot Isidro ng Patay Gutom, at ang Haponesang si Momoko Kobayashi sa Mono No Aware. Ang kabuuan ng Mono No Aware ay kinunan sa Japan.
Tatlo lang ang mga pumasa sa panlasa ng mga hurado bilang PANALONG PANGALAWANG AKTOR. Ang mga ito ay sina Paolo O’Hara ng Mono No Aware, Roger Naldo ng Stuck on You, at Zanjoe Marudo ng Apol of My Ai. Ligwak si Cris Villanueva ng Patay Gutom.
Mahigpit ang bakbakan sa kategoryang PANALONG AKTOR. Pito ang mga nominado.
Ang mga ito ay sina Joross Gamboa ng Wantawsan, John Arcilla ng Beast, Ian Pangilinan at Khalil Ramos ng Patay Gutom, Perry Dizon at Juan Karlos Labajo ng Mono No Aware, at Joao Constancia ng Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo). Si Khalil ay panalong aktor sa 2nd Puregold CinePanalo filmfest para sa Olsen’s Day, katabla si JP Larroder ng Tigkiliwi.
Masaya ako na sa kategoryang lead actor inilagay si Perry Dizon.
Si BC Amparado ang direktor na Mono No Aware, ganoon din ng Cinemalaya 2024 film na Gulay Lang, Manong na pinagbidahan nina Cedrick Juan at Perry Dizon.
Sa mga bidang artista sa pitong full-length films ng CinePanalo 2026 ay si River Joseph lang ang hindi na-nominate.
CINEPANALO FILM FESTIVAL 2026 CHILD PERFORMER NOMINEES
Sa kategoryang PANALONG CHILD PERFORMER ay tatlo ang nominado — sina Zion Cruz ng Wantawsan, Ruslan Jacob ng Beast, at Zion Cruz Apol of My Ai. Magkaibang tao iyang dalawang Zion Cruz na iyan.
Labinsiyam (19) lahat ang may acting nominees muka sa pitong full-length films.
Apat mula sa Mono No Aware — juan karlos, Perry Dizon, Momoko Kobayashi, at Paolo O’Hara.
Tatlo mula sa Apol of My Ai — Zanjoe Marudo, Richelle Pangilinan, at Zion Cruz.
Tatlo mula sa Patay Gutom — Khalil Ramos, Ian Pangilinan, at Agot Isidro. Tatlo mula sa Wantawsan — Joross Gamboa, Rita Daniela, at Zion Cruz.
Dalawa mula sa Beast — John Arcilla at Ruslan Jacob.
Dalawa mula sa Stuck On You — Xyriel Manabat at Roger Naldo. Dalawa mula sa Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo) — Sassa Gurl at Joao Constancia.
NOEL FERRER:
Noong Setyembre 23, 2026, Miyerkules, nag-umpisa ang 3rd Puregold CinePanalo Film Festival. Palabas ang entries hanggang Oktubre 4, Linggo sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, and Market! Market!
Sa ikaapat na raw ng festival, Setyembre 26, Sabado inihayag ang acting nominees sa full-length films at short films.
Facebook shoutout ng festival director na si Chris Cahilig, sold-out ang apat na pelikula na nasa Saturday 8:30 P.M. screenings sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Ang mga ito ay Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo, Patay Gutom, Apol of My Ai, at Set C ng short films. Sa Cinema 1 ng Gateway Mall 1, may dagdag na screenings on September 27, Sunday, ang Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo (1:00 P.M. at 5:45 P.M.), Patay Gutom (3:30 P.M.), at Stuck On You (8:20 P.M.).
As of this writing ay naka-13 sold out screenings na raw ang Multwoh: Patay na Patay Sa ‘Yo.
Binasbasan ng sangkabadingan ang supernatural QL (queer love) movie nina Sassa Gurl at Joao Constancia na idinirek ni Rodina Singh.
CINEPANALO FILM FESTIVAL 2026 SHORT FILMS
GORGY RULA:
Labinsiyam (19) ang short films ng Puregold CinePanalo 2026, na grinupu-grupo sa apat na set.
Ang mga nominadong panalong performances mula sa kategoryang student shorts ay ang mga sumusunod…
PANALONG PANGALAWANG AKTOR
- Jeremy Mayores ng Alumahan
- Nor Domingo ng 12 Shots
- Elj Seth Tababa ng Pulis
- Dunggab Kaleb Ong ng When Heaven Inched Towards Earth
- Alfredo Montano ng Bumtak Sara ti Nuangen
- Vic Romano ng No Mad Is an Island
PANALONG PANGALAWANG AKTRES
- Nour Hooshmand ng Starfish
- Ma Christina Simon ng Alumahan
- Angela Salga ng Limlim
- Karla Pambid ng 12 Shots
- Mika Hamajo ng Miss Intrams
- Diana Palma ng Miss Intrams
PANALONG CHILD PERFORMER
- Van Jordan Gacayan ng Pulis Dunggab
- Don Rishmond Cerbito ng Alumahan
- Zoey Madison Lim ng Limlim
- Kenneth Mendoza ng Teks Battle: Shoot Pati Pato!
PANALONG AKTOR
- Soliman Cruz ng Nakabinbin
- Arjhay Mangulabnan ng No Mad Is an Island
- Jay Gabriel Cañada ng The Sound of K
- VR Relosa ng Starfish
- André Miguel ng When Heaven Inched Towards Earth
- Chino Alfonso ng Nang Matakasan ang Tagay
PANALONG AKTRES
- Pau Baluyan ng Kun Hain
- Bisan Diin Mariella Cuerpo ng Miss Intrams
- Jonalyn Mateo ng Ang Huling Banlaw ni Susan
- Belle Francisco ng Bumtak Sara ti Nuangen
- Kyrie Samodio ng 12 Shots
