GORGY RULA
Magpo-focus na muna sa acting si Vienne Luna pagkatapos siyang hiranging female grand winner ng Century Tuna Superbods noong September 11, 2026.
Si Vienne ay isa sa talents ng Star Worx ng TV5.
Habang nasa competition ng Superbods ay nagawa pa rin ni Vienne na hatiin ang kanyang activities sa competition at schedule ng taping sa isang teleserye na ginagawa niya.
Ayon kay Vienne, hindi pa siya allowed i-disclose kung ano ang ginagawa niyang teleserye, pero ilang araw na rin daw siyang nagte-taping.
“Actually, ang taping namin ay three times a week. Pero ginawa ko siya habang Superbods din.
“Pero kahit ang daming nangyayari nung Superbods, natanggap ko siya as blessings talaga.
“Kasi minsan lang na sunud-sunod lahat. Kaya grasp every opportunity talaga.
"Saka hindi siya nakakapagod kasi fulfilling siya,” nakangiting pahayag ni Vienne nang nakatsikahan siya ng PEP Troika sa TV5 building noong nakaraang linggo.
“Aabangan natin yung teleserye, next year pa yung release, yung airing. I’m playing a character na sobrang lapit sa puso ko.
“I feel like it reflects a lot of my personality. So, sobra kong ma-share yan sa inyong lahat,” dagdag ni Vienne.

VIENNE LUNA'S ADVOCACY
Pero kahit nag-aartista na siya bilang isang Kapatid artist ng Star Worx, gusto pa ring ipagpatuloy ni Vienne ang kanyang advocacy na nilunsad niya sa Superbods.
Ito ay ang Project HER, na ang ibig sabihin ay Health, Empowerment, and Resilience.
Tamang-tama dahil ngayong taon sa Superbods ay pinagtuunan din ang advocacy ng bawat contestant.
Saad ng 25-year-old beauty queen/model/actress: “This edition, it was 50 percent essence, 50 percent presence.
"So, yung essence na yun, iyon yung advocacy namin.
“So, sa loob ng duration ng Superbods, I was able to launch Project HER—Health, Empowerment, Resilience. Yung yung advocacy ko.
“Even before naman po, nagkakaroon na ng mga volunteer work. Pero dahil sa Superbods, nagkaroon kami ng opportunity na i-launch yung sariling advocacy namin.
“Nung August 1 po dun namin na-launch yung Project HER sa New Seneca. Doon yung target audience namin, mga lola. May zumba kami, dance fitness.
“Meron kaming seminar about PMOS [Polyendocrine Metabolic Ovarian Syndrome] Awareness.
"Meron kaming seminar about mental health, tapos meron ding Anti-Violence Against Women and Children, and personality development.
“Tapos, since runway coach ako, tinuruan ko rin sila mag-confidence building through runway.
“Yung mga lola, nakakatuwa. Tapos binigyan ko sila ng makeup pang-giveaway. ganyan. Nag-introduce sila ng sarili nila.
“Tapos, aside from that, nakakatuwa kasi dala rin nila ang mga apo nila. Yung mga anak nila na mothers na, tapos yung husband.
"So, kahit mga lalaki, nakikinabang sa Project HER.
“It’s for everyone supporting HER, it’s not just for her.”
Read: Austin, Vienne on Century Tuna Superbods 2026 victory

NOEL FERRER
Para kay Vienne Luna, malaking bagay ang title niya bilang grand winner ng Superbods, at pagiging model at aktres, para mapalaganap ang kanyang advocacy sa Project HER, lalo na sa kababaihan.
Aniya: “I think malaking parte yung nakatulong yung advocacy ko talaga, kasi it’s very close to my heart na I’ve been doing it for years with different communities.
“So, I think that was totally an edge, but I also would like to thank the other Superbods for making it such a meaningful edition.
"Kahit sila, ang dami nilang advocacy, iba-iba talaga kami ng perspective.”
CONNECTION WITH BRUNO MARS
Isa sa ikinatutuwa ni Vienne ay konektado rin siya sa isang charitable instution na tinutulungan dito ng paborito niyang Fil-Am singer-songwriter na si Bruno Mars.
“Actually, may orphanage si Bruno Mars na konektado siya dito. And I love Bruno Mars so much.
"So, plus yun. Bonus yun sa akin na I was connected with him through the orphanage, Bahay ni Maria.
“He helps this orphanage, connected siya doon. Kaya nakakatuwa na I get to visit children as well.
"Saka nagkaroon din kami ng activities for lolas even before.
“Para sa akin, fulfillment talaga na yung mga nanay saka yung mga bata katulad ng edad ko na nahihikayat sa advocacy like this.
“And feeling ko, naa-achieve ko din beyond the target kapag iniimbitahan din nila yung mga asawa nila, yung friends nila. “
Kasi kapag nagtatanong sila na paano ko ba aalagaan yung asawa ko?
"Yun pa lang na tanong, ibig sabihin na-target nila yung puso nila na, 'Wow, gusto nilang malaman what I can do for her,'” masayang pahayag ni Vienne.
Read: Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together after 12 years
JERRY OLEA
Bilang artista, wish sana ni Vienne Luna na maka-partner si Donny Pangilinan na matagal na raw niyang crush.
Kung mabibigyan ng chance, sana maka-partner daw niya sa isang project ang Kapamilya actor.
Lalo naman daw niyang naging idol si Maine Mendoza nang mag-guest siya sa Eat Bulaga!.
Pero gusto niyang sundan ang career path ni Marian Rivera.
Ayon kay Vienne: “Lagi kong ginagaya na sayaw nung bata dati, yung mga costume ni Marian Rivera.
“Kung mag-Darna, Darna. Kung Marimar, Marimar. Amaya, naka-Amaya din ako.
"Idol ko siya before."
Kaya talagang kinilig daw siya nang makita niya nang malapitan si Marian, at pati si Anne Curtis na nag-judge sa Century Tuna Superbods.
BACKSTAGE MOMENT WITH MARIAN AND ANNE
Ikinuwento ni Vienne sa PEP Troika nung sandali raw niyang nakatsikahan ang dalawang aktres sa backstage.
“Nung swimwear kasi, nag-iisa lang ako sa lineup muna. Nauna na ako doon sa backstage para makapag-internalize na ako.
“And I complimented lang si Ms. Marian saka si Ms. Anne Curtis sa suot nila, kasi ang se-sexy nga naman, di ba?
“So, that was my only interaction with them. Siyempre we can’t interact naman that much din naman sa judges.
“Pero I really appreciated their warm presence. Sinabi ni Anne na ang sexy ko, kinilig ako. Sabi rin ni Ms. Marian, ang pretty ko, ay kinilig din ako.
“Para sa akin helpful yun kasi yung kaba nawala,” kuwento ni Vienne, na patuloy ang acting workshop kay Direk Rahyan Carlos sa tulong ng Star Worx ng TV5.
Read: Marian Rivera says true influence lies in how you use your voice
