PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joross Gamboa finds purpose in faith: “To evangelize sa showbiz.”

Joross Gamboa on CinePanalo best actor nomination: “Bonus lang.”
by PEP Troika
Published 6 hours ago
joross gamboa wantawsan
Joross Gamboa is among the seven nominees for Best Actor at the CinePanalo Film Festival 2026 for his performance in Wantawsan. Despite the recognition, Joross says the nomination is just a “bonus” and that his main focus has always been the film and its story.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naalala ko ang pelikulang 2 Valid IDs habang pinapanood ko ang pelikulang Wantawsan.

Sa 2 Valid IDs, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ng magsasakang si Sylvia (Marietta Subong aka Pokwang) upang makakuha ng dalawang valid ID.

Topgrosser ang 2 Valid IDs sa Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 6-18, 2026, at itinanghal na best actress si Marietta katabla si Ruby Ruiz ng Status: Rejected.

Sa Wantawsan, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ng dating OFW na si Chito (Joross Gamboa) upang magkaroon ng budget na PHP1,000 para sa 8th birthday party ng anak niyang si Chester (Zion Cruz).

Ang Wantawsan ay isa sa pitong full-length films ng 3rd Puregold CinePanalo filmfest, na nag-umpisa noong Setyembre 23, Miyerkules, at magtatapos sa Oktubre 4, Linggo.

Bukas, Setyembre 30, Miyerkules, ang awards ceremony ng CinePanalo 2026, kung saan isa si Joross sa pitong nominadong best actor.

Katunggali ni Joross sa pagka-best actor sina John Arcilla ng Beast, juan karlos at Perry Dizon ng Mono No Aware, Khalil Ramos at Ian Pangilinan ng Patay Gutom, at Joao Constancia ng Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May chance si Joross na magwagi. Puwedeng katabla si John o si juan karlos.

joross gamboa wantawsan
Joross Gamboa in a scene from Wantawsan

JOROSS GAMBOA'S ACTING NOMINATION

Ikailang nominasyon na ba ito ni Joross bilang best actor?

“Sa akin naman, yung nomination, bonus lang naman yun. Ang bida lagi sa akin, e, yung pelikula,” tugon ni Joross sa gala premiere ng Wantawsan noong Setyembre 27, Linggo, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kausap ko lagi naman yung mga nagiging direktor ko. Kumbaga kahit support, lead, or kahit cameo ako, binibigay ko naman lahat.

“Yung istorya naman ang bida. Never naging bida sa akin, sa pananaw ko, yung mga karakter talaga.”

Kung siya ang papipiliin, mas gusto ba niya na major support lang siya kesa mismong bida?

Mabilis na sagot ni Joross: “To be honest, kahit ano. Kahit nga kapag nagka-cameo ako, kina-career ko yung cameo.

“Pero ayun, halimbawa sa akin sa pelikula, ang importante ko lang, ma-please yung direktor ko.

“Dahil yung lahat ng tiwala ko lagi, nasa mga direktor ko. Kapag aprub sa kanila, aprub sa akin yun.”

Pressure ba sa kanya na siya ang nagdadala ng pelikulang Wantawsan?

“Sa akin, hindi ko inaano yung pressure. Ang ibig kong sabihin, hindi ko masyadong dinadamdam,” saad ni Joross.

“Kahit sabihin na natin, yes, kung sinasabi nyo nga, nasa akin yung pressure. Pero sa akin kasi, nagawa na namin lahat, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala na kaming magagawa ngayon. Pinromote natin nang maayos. Nag-all out tayo sa lahat.

“So i-lift up na lang natin kay Lord whatever happens. So yun lang naman.”

Read: CinePanalo Film Festival 2026 nominees

NOEL FERRER

Kung magpapa-birthday party siya para sa kanyang anak, magkano ang budget niya?

Natigilan sandali si Joross Gamboa bago sumagot: “Alam mo, sa akin sa anak ko, hindi naman siya maano ngayon, e.

“Ang mga kabataan ngayon, kung mapapansin ninyo, hindi na sila ma-laruan. Sa akin, ha?

“Yung mga anak ko, yung pagbili ko sa kanila ng bike, ako na yung bumibili. Hindi nila nire-request. Para mag-bike lang kami together.

“Kumbaga, exercise din sa kanila. Tapos ayun, buti na lang, hindi sila lumaki sa material na bagay.

“Saka lagi kong pinapa-appreciate sa kanila kung anong meron sila kumpara dun sa ibang mga bata.”

ANO ANG MABIBILI MO SA php1,000?

Anong bagay ang gusto niyang bilhin na sana, PHP1,000 lang ang presyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, PHP1,000? Full tank!” bulalas ni Joross.

“O kahit half. Sa akin, ano, yung halaga kasi ng PHP1,000 ngayon, e, ang hirap na. Kumbaga, sine nga ngayon, PHP1,000 na yung ano…

“Sa akin, gasolina. Kahit maka-one fourth lang yung P1,000, yung gasolina. Kasi yun ang ano ko, e.”

Diesel ang gasolina ng sasakyan ni Joross.

Read: Forgotten Island struggles in North America; tops PH box office

GORGY RULA

Matipid o masinop sa buhay si Joross Gamboa. Hindi siya pinalaki ng kanyang mga magulang sa luho.

“Nagsimula rin naman kami sa wala. So, hindi ko tine-take for granted kung anong meron ako,” pahayag ni Joross.

“So in terms of matipid, marunong lang akong gumamit ng pagkakagastusan ko.

“Alam ko kung kailan, halimbawa more on iti-treat ko na lang yung family ko — travel. Kasi yung experience nandun na yun, e. Sa amin na yun. Pamilya.

“So, mas doon ako naglalaan, kesa yung sa mga gamit. Sa mga gamit, pare-parehas lang kami. Plain nga lang yung binibili namin para pwedeng ulit-ulitin, e.

“So ganun, wala naman sa aming problema.” Hindi nagpapa-pressure si Joross sa mga bagay-bagay.

Pagmamatuwid ng aktor: “Alam mo yung pananaw ko na sa buhay ngayon, na anytime puwede akong mawala, OK na ako.

“Hindi sa negative kind of way. Alam nyo yung parang nagkaroon ka ng life-threatening na sakit, na may taning ka, pero in a good way.

“Kapag ganun kasi, alam mo yung priorities in life mo na. So mas napi-filter ko na.

"So sa akin, kaya na lang ako nagtatrabaho, I’m doing everything for the Lord. Yun na yun sa akin.

“Passé man ito sa iba, lagi nyong naririnig nang paulit-ulit, pero yun yung totoo. Yun talaga ang nasa heart ko.

“Kumbaga, to die for me is to gain. To live is for the Lord. Iyon yung sa akin.

“Dati, ayaw ng asawa kong marinig yun sa akin. ‘Bakit lagi mong sinasabi, parang ready kang mawala na ano?’

“To be honest, siyempre mas gusto ko pang mag-stay rito kasama kayo. Lalo na yung mga anak ko — ten, nine years old — sinong magpo-provide sa kanila?

“Pero kung iisipin ko, sinong magmamahal sa mga anak ko’t asawa kong higit sa akin? Si Lord!

“So, I trust Him dahil lahat naman, Siya ang nagdedesisyon, e, kung kailan ka kukunin.”

JOROSS GAMBOA'S SPIRITUAL JOURNEY

Ano ang nag-trigger para magbalik-loob siya sa Diyos?

“Simula nung nagbasa ako ng Bible. Kasi dati, Kristiyano ako. Pero alam mo yung cultural na Christian?” sabi ni Joross.

“Yes, nagsisimba ako. Parang ginagawa ko, charging station lang yung simbahan, kung may makuha ako sa pastor or wala.

“Tapos hindi ako nagsasarili, pero kapag nagbabasa ka ng Bible, dun mo Siya mas nakikilala. Mas nakikilala mo yung creator mo.

“Kasi yung purpose in life, is to know your creator. Kasi Siya ang nagbigay sa atin ng purpose.”

Araw-araw nang hinahanap ni Joross ang Panginoon.

“So, yun na ang sa akin ngayon, Siya na ang pinakaimportante sa lahat!” bulalas ni Joross.

“Wala akong planong mag-pastor, lilinawin ko lang. Kasi iba ang criteria ng pastor.

“Saka sa akin kasi, malinaw ang purpose ko — to evangelize sa showbiz.

“So, sine-share ko lang yung good news sa showbiz, sa mga kaibigan ko, sa mga staff, sa mga crew.”

Read: Kris Lawrence, Katrina Halili officially back together after 12 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa is among the seven nominees for Best Actor at the CinePanalo Film Festival 2026 for his performance in Wantawsan. Despite the recognition, Joross says the nomination is just a “bonus” and that his main focus has always been the film and its story.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results