GORGY RULA
Ayaw kumpirmahin ni Dingdong Dantes sa PEP Troika ang nasagap naming balitang ang produksiyon niya ang magpo-produce ng sitcom na pagsasamahan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa GMA-7.
“Pag nagpirmahan na, sasabihan kita agad,” text sa akin ni Dingdong.
Kahit ang ilang taga-GMA-7 na napagtanungan ko, sinasabi ring wala pa raw napa-finalize.
Na-curious kami lalo sa ipinost ni Paolo Contis sa kanyang Instagram account na magkakasama sila nina Dingdong at John Lloyd.
Caption ni Paolo, “An hour and a half later…”
View this post on Instagram
Kinulit ko si Paolo, wala rin siyang malinaw na sagot sa akin.
Tinanong namin kung pinag-usapan ba nila itong project na gagawin nila sa GMA-7.
Abangan na lang daw kapag okay na ang lahat.
DINGDONG'S DOORBELL PRODUCTIONS TO LINE PRODUCE JL PROJECT?
May iba pa kasi kaming source na sinabing ang Doorbell Productions ni Dingdong ang magla-line produce ng sitcom nina John lloyd at Ellen.
Ang pagkakaalam namin, itinayo ni Dingdong ang Doorbell Technologies noong pandemic kasabay ang Dingdong Ph delivery service.
Magpo-produce na rin ba ang Doorbell ng Kapuso Primetime King, at hindi na ang kanyang AgostoDos Pictures?
“For non-film projects, Doorbell ang gagamitin ko, Kuya,” sagot naman ni Dingdong.
Pero hindi pa nila makumpirma sa ngayon kung itong sitcom nina John Lloyd at Ellen ang unang ipo-produce ng Doorbell.
Kahit ang ilang taong malapit kay John Lloyd ay nagsabing ang sitcom daw nila ni Ellen ang pinag-iisipan nitong comeback project.
Kaya abangan na lang natin ang official announcement ng GMA-7.
Read: Jennylyn Mercado's managers call out Patrick Garcia over his interview
JERRY OLEA
Ang isa pang inaabangang comeback project ni John Lloyd Cruz ay ang reunion film nila ni Bea Alonzo.
Napapabalita noong merong pinaghahandaang reunion project ang Star Cinema para sa kanilang dalawa.
Pero may nagsabi ring malabo na raw ito.
Kahit sa ibang napagtanungan namin ay sinabing wala ito sa pinag-iisipang gawin ni John Lloyd.
Pero hindi rin daw masabi at baka magbago ang isip ng aktor.
Meron daw sanang isang magandang project na gustung-gusto ni John Lloyd ang script. Pero hindi maayus-ayos kung sino ang makakatambal nito.
Inalok din daw ito kay Bea, pero hindi malinaw kung nagustuhan ba ito ng aktres.
JOHN LLOYD TO SPEND CHRISTMAS WITH ELIAS ABROAD
Ang isa raw kasi sa kinu-consider ni John Lloyd ay kung sakaling isasali ito sa Metro Manila Film Festival, baka hindi raw siya makatulong sa pagpo-promote.
Matagal na raw naka-schedule na sa ibang bansa sila magpa-Pasko ng anak niya kay Ellen Adarna na si Elias.
Ipinangako na raw niya sa bata ang bakasyong ito.
Kaya wala pa raw linaw kung anong magiging comeback movie ni Lloydie. Sa ngayon ay itong sitcom muna ang inaayos nila.
Read: Jennylyn Mercado stays silent, Dennis Trillo reacts to Patrick Garcia revelations
NOEL FERRER
Kahit si Dingdong Dantes ay pina-prioritize din ang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.
May ipo-promote pa silang pelikula ni Marian Rivera, ang Remember, at meron pa raw gagawing pelikula si Dingdong.
Kaya kahit nag-leave muna ang Kapuso actor sa Family Feud, hirap pa ring makakuha ng schedule sa kanya.
Kaya nga 14 episodes lang ang in-announce ng GMA-7 na madadagdag sa The Master Cutter dahil yun pa lang ang kakayanin sa napaka-hectic na schedule ng aktor.

May endorsements pa siya at hosting sa The Voice Kids.
Pero sa kabila ng napaka-tight na schedule, kailangang may panahon siyang makasama ang kanyang asawa’t mga anak sa isang mahaba-habang bakasyon.
Kagaya ni John Lloyd Cruz, pina-prioritize pa rin daw ni Dingdong ang oras niya sa kanyang pamilya.
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later
