PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat wins best actress at CinePanalo 2026

Xyriel Manabat beats Sassa Gurl to win CinePanalo best actress.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
xyriel manabat cinepanalo best actress
Xyriel Manabat wins Best Actress at the 2026 CinePanalo Film Festival for her role in Stuck on You, where she plays manicurist Sheryl Bunga mistaken for a hired killer.
PHOTO/S: Courtesy of Puregold CinePanalo

JERRY OLEA

Best actress si Xyriel Manabat sa awards night ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival noong Setyembre 30, 2026, Miyerkules, sa Cinema 5 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Panalo siya para sa pagganap niya bilang manikuristang si Sheryl Bunga na napagkamalang hired killer sa pelikulang Stuck On You.

xyriel manabat cinepanalo best actress
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng acceptance speech ni Xyriel: “Siyempre gusto ko lang pong i-take din yung chance na ito para pasalamatan po lahat ng bumubuo po ng CinePanalo Film Festival.

“At kasama po sa mga bumubuo na iyon, lahat po ng nanood. Of course, hindi lang po yung mga nandito.

“Hindi lang po yung mga nakaupo sa harapan. Hindi lang po yung mga nasa likod po ng film festival na ito.

"Pero yun pong mga naglaan po ng oras, ng kanilang budget para panoorin po ang mga entry sa film festival, from shorts o full-length man.

“Maraming-maraming salamat po, parte po kayo ng panalo namin.”

Nagpalakpakan ang audience.

XYRIEL MANABAT ON WINNING BEST ACTRESS

Dagdag ni Xyriel: “Salamat po sa lahat po ng bumubuo po ng Puregold and ng CinePanalo film festival. Hindi lang po kayo panalo sa larangan ng sinehan.

“Panalung-panalo din po kayo sa larangan ng pagbibigay po ng plataporma, at inclusivity po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat kasi binibigyan niyo po ng tiwala at pagkakataon yung mga tunay na nagmamahal sa sining.

“Hindi lang po kami yung nagbibigay-buhay at nagbibigay pag-asa sa pelikulang Pilipino.

“Kayo po yung, kumbaga, gaas namin para po patuloy na gumawa po ng mga ginagawa namin sa industriyang ito.

“Again, maraming-maraming-maraming salamat po. And of course, congratulations, Sassa my love!”

Sumigaw si Sassa Gurl: “I love you!”

Pagpapatuloy ni Xyriel: “Thank you po sa pagbigay po ng opportunity para po maging nominated po kaming lahat, salamat po.

“Salamat po at congratulations po ng nominated or hindi, basta po lahat po ng bumubuo po ng mga entries po, from shorts, from students, hanggang sa full-length.

“Congratulations po sa inyong lahat!”

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

GORGY RULA

Sina Xyriel Manabat at Sassa Gurl (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo) lamang ang nominadong best actress sa CinePanalo 2026 filmfest.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang sabihin ng hosts na sina Joy Barcoma at Kurt Soberano na ang kategoryang best actress na ang ia-announce, hawak-kamay na nagtungo sa entablado sina Sassa at Xyriel.

Para silang beauty queens habang hinihintay ang announcement kung sino ba ang kokoronahan.

Kuwento ni Xyriel nang mainterbyu namin after the awards ceremony: “Naglolokohan po kami. Kasi plano na po talaga namin na mag-holding hands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Holding hands lang. Ayaw mo ba mag-kiss sa stage?’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi sobrang grabe po iyung support system na nakukuha talaga namin with each other. At grabe kami ka-vocal sa pagmamahal namin sa isa’t isa ni Sassa.”

XYRIEL MANABAT ON AWARDS PREDICTIONS

Karamihan ng hula ay si Xyriel ang mananalo.

“Of course, hindi po natin gusto na i-invalidate or ipagsawalang-bahala yung efforts ng iba pong mga nominated, especially Sassa,” hinay-hinay na tugon ni Xyriel.

“So, hindi po tayo puwedeng mag-assume. Hindi rin natin puwedeng i-claim.

“Kasi alam po natin na lahat po talaga, binigay yung best nila when it comes to doing each other’s work o yung job po na ipinagkaloob po sa atin.

“So, alam ko po na malakas po talaga yung laban ni Sassa. Kahit gaano man po karami ang nagsabi o nag-assume na sa atin na po yung… kahit hindi pa po sinasabi, huwag po natin i-claim.

“Kasi, of course… meron naman po talagang laban yung iba pa pong mga nominado.”

Read: CinePanalo Film Festival 2026 nominees

NOEL FERRER

Absent sa awards night ng CinePanalo 2026 ang best actor na juan karlos (Mono No Aware); maging ang best supporting actor na si Zanjoe Marudo (Apol of My Ai) at besy supporting actress na si Momoko Kobayashi (Mono No Aware).

Ang iba pang nominadong best actor ay sina Khalil Ramos at Ian Pangilinan ng Patay Gutom, Perry Dizon ng Mono No Aware, John Arcilla ng Beast, Joross Gamboa ng Wantawsan, at Joao Constancia ng Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo.

Ang lead actor ng Apol of My Ai na si Zion Cruz ay inilagay sa kategoryang best child performer, kung saan panalo ito.

cinepanalo 2026 winners

XYRIEL ON RIVER NOT BEING NOMINATED FOR BEST ACTOR

Sa mga lead actor ng pitong full length films ng CinePanalo 2026, tanging ang leading man ni Xyriel Manabat na si River Joseph ang hindi nominado.

Na-feel bad ba si Xyriel?

“Hindi po feel bad. Hopeful. Of course, we’re hopeful na he can get it next time and I’m sure na meron pa pong next time,” sey ni Xyriel.

“There’s so much more River can offer. I don’t want to feel any pity or sadness. Kasi alam ko na iba yung level of trust ko kay River.

“And alam ko, and sobrang hopeful ko. And I really trust na next year, or next award-giving bodies, mas maa-appreciate at mas makikita nila yung hard work ni River.”

Hanggang Oktubre 4, Linggo, pa ang showing ng mga pelikula ng 3rd Puregold CinePanalo filmfest sa sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, and Market! Market!.

Read: Jennylyn Mercado stays silent, Dennis Trillo reacts to Patrick Garcia revelations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat wins Best Actress at the 2026 CinePanalo Film Festival for her role in Stuck on You, where she plays manicurist Sheryl Bunga mistaken for a hired killer.
PHOTO/S: Courtesy of Puregold CinePanalo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results