PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3 major CinePanalo 2026 acting winners absent at awards night

Mono No Aware dominates CinePanalo 2026 with 9 wins.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
cinepanalo 2026 winners
Noticeably absent from the 3rd Puregold CinePanalo Film Festival awards night were acting winners (from left) juan karlos, Zanjoe Marudo, and Momoko Kobayashi. Juan karlos won Best Actor for Mono No Aware, while Zanjoe won Best Supporting Actor for Apol of My Ai and Momoko won Best Supporting Actress for Mono No Aware.

patayJERRY OLEA

Conspicuous ang absence nina juan karlos, Zanjoe Marudo, at Momoko Kobayashi sa green-carpet awards night ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival noong Setyembre 30, 2026, Miyerkules, sa Cinema 5 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Si juan karlos ang best actor para sa Mono No Aware.

juan karlos best actor
juan karlos
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Zanjoe ang best supporting actor para sa Apol of My Ai.

zanjoe marudo cinepanalo
Zanjoe Marudo

At si Momoko ang best supporting actress para pa rin sa Mono No Aware.

momoko kobayashi cinepanalo
Momo Kobayashi
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang best actress ay si Xyriel Manabat para sa Stuck On You.

xyriel manabat cinepanalo best actress
Xyriel Manabat

Noong inia-announce na ang kategoryang best actress ay hawak-kamay na nagtungo sa entablado si Xyriel at ang nag-iisang katunggali niya na si Sassa Gurl ng Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ihayag ng hosts na si Xyriel ang panalo, bumaba na sa stage si Sassa Gurl.

Habang nag-a-acceptance speech si Xyriel ay sumigaw si Sassa Gurl, “I love you!”

Ang best child performer ay si Zion Cruz ng Apol of My Ai.

Ang ganda sana kung magkasama sila ni Zanjoe sa awards rite. Mag-ama ang papel nila sa naturang pelikula.

zion cruz cinepanalo
Zion Cruz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Xyriel Manabat wins best actress at CinePanalo 2026

MONO NO AWARE: BIG WINNER

Big winner ang Mono No Aware. DASURV!!!

Aside sa best actor at best supporting actress trophies, wagi ito bilang pinakapanalong pelikula (best picture), panalo sa international jury, best director (BC Amparado), best ensemble, best cinematography (TM Malones), best editing (Edmund Telmo), at best sound design (Willie Apa Jr.).

Siyam ang mga tropeyo ng Mono No Aware.

May kaakibat na PHP250,000 cash prize ang pagiging pinakapanalong pelikula nito.

Best ensemble talaga ang Mono No Aware.

Pawang nominado sa acting categories ang apat na pangunahing artista rito.

Maliban sa best actor na si juan karlos at best supporting actress na si Momoko, nominadong best actor si Perry Dizon, at nominadong best supporting actor si Paolo O’Hara.

mono no aware cinepanalo

OTHER WINNERS

Apat ang trophies ng Apol of My Ai — panalong karangalan mula sa mga hurado, best child performer (Zion Cruz), best supporting actor (Zanjoe Marudo), at best musical scoring (Emerzon Texon).

Ang topgrosser na Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo ay nakaapat ding parangal — Puregold Always Panalo Film (katabla ang Patay Gutom), panalo sa mga manonood, best production design, at panalo sa brand intrusion (na may kaakibat na cash prize na P25,000).

multwoh cinepanalo

Ibinalita ni Direk Rodina Singh na ikinakasa na ang next movie project niya after Multwoh… The Last Suffer (Ang Huling Paghihirap).

Aba! Apat din ang awards ng Patay Gutom — Puregold Always Panalo Film (katabla ang Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo), panalong kwento (Carl Joseph E. Papa, Yvonne Garcia), best visual effects (92-member animation team), at panalong poster.

patay gutom cinepanalo

Masaya si Direk Joseph Carl Papa na ang nag-abot sa kanya ng tropeyo sa kategoryang panalong kwento ay si National Artist Ricky Lee.

Nakadalawa ang Stuck On You — best actress (Xyriel Manabat) at panalong awitin (“Reyna ng Quezon City” by Juana).

Parehong ngangey ang Beast at Wantawsan.

Read: Jennylyn Mercado stays silent, Dennis Trillo reacts to Patrick Garcia revelations

GORGY RULA

Eksaktong 8:00 P.M. nag-umpisa ang awards ceremony ng 3rd Puregold CinePanalo filmfest.

11:25 P.M. idineklara ng hosts na sina Joy Barcoma at Kurt Soberano na tapos na ang programa.

Dire-diretso ang pagbibigay ng parangal.

Walang intermission number.

Wala nang presenters — ang hosts na mismo ang nag-a-announce ng winners.

Pero inabot pa rin ng tatlong oras at 25 minuto ang awards ceremony na idinirek ni Calvin Neria.

Pinatayan na nga ng aircon ang venue noong tinatawag ng hosts ang lahat ng winners para sa group photo.

Marami pang ibang winners na absent sa awards ceremony.

Nakakalokah yung ibang proxy na hinahabaan pa ang hanash, e, hindi naman sila ang panalo.

Minsan, dalawa pang proxy ang kumukuda gayong sapat na ang isa.

Meron ding umaakyat ng stage para samahan ang winner, at umeeksena rin.

Hindi nila alintana na ang haba-haba na ng programa.

Merong mga taga-media na hindi na tinapos ang programang “Portugal” at “Tagalog Ilang-Ilang Productions.”

Kapuri-puri si Joy Barcoma bilang host.

Pinapakinggan at iniintindi niya ang mga acceptance speech, kaya ang mga hirit niya afterwards ay panalo.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

BEST CHILD PERFORMER

Humingi ng pasensya si Zion Cruz nang magwaging best child performer para sa Apol of My Ai dahil marami siyang gustong pasalamatan sa kanyang acceptance speech.

“Bago po tayo magsimula, first of all po, gusto ko pong mag-thank you po kay Lord po, kasi po, ahh sa talent po and knowledge po and ahhmm wisdom po na binigay Niya po sa akin,” pasakalye ni Zion.

Binasa ni Zion sa cellphone ang kanyang mga gustong pasalamatan, kabilang ang Puregold CinePanalo, Star Worx family, Mr. M, Jeff Remigio, Direk Rahyan Carlos, road managers, acting coach na si Kat Galang, pamilya, mga kaibigan, mga tumulong sa promo, at marami pang iba.

“Exactly two years ago po today, nang makita po ako sa TV5 po bilang Niño in Ang Himala ni Niño,” lahad ni Zion.

“And ayun din po ang first time po working ko po with Direk Thop Nazareno po.

“And after two years po, thankful din po ako na nabigyan po ulit ako ng chance na makatrabaho po si Direk.”

Pinasalamatan din siyempre ni Zion ang co-stars na sina Zanjoe Marudo, Rochelle Pangilinan, at ang pareng Max na si Jacob Kawagdan.

Dagdag ni Zion: “And lastly, I would like to dedicate this award to everyone who was touched by our story.

“Especially sa lahat ng Apol and mga anak po ng OFWs na naka-relate po sa pangungulila.

“At sa lahat po ng OFWs who sacrifice so much for their families to give their families a better life po…”

zion cruz cinepanalo

Read: Forgotten Island struggles in North America; tops PH box office

NOEL FERRER

Sa student shorts category, tig-apat ng tropeyo ang Limlim at Kun Hain, Bisan Diin sa 3rd Puregold CinePanalo filmfest.

Tabla sila sa kategoryang best director.

Ang awards ng Limlim — best short film, best director (Samantha Palaje), best cinematography (Geia de Vera), at best child performer (Zoey Madison Lim).

limlim cinepanalo

Ang awards ng Kun Hain, Bisan Diin — jury prize, best director (Jomarie Corro-Reyes), panalong kwento (Jomarie Corro-Reyes, William Roberts), at best editing (Brian Spencer Reyes).

kun hain bisan diin cinepanalo

Acting winners sina Jonalyn Mateo (best actress para sa Ang Huling Banlaw ni Susan), Jay Gabriel Cañada (best actor para sa The Sound of K), Nour Hooshmand (best supporting actress para sa ), at Nor Domingo (best supporting actor para sa 12 Shots).

cinepanalo 2026 short film winners

Tabla bilang Puregold Always Panalo Film ang Miss Intrams (nag-iisang entry ng Mindanao) at Pulis Dunggab.

Panalo sa international jury ang Alumahan, na siya ring panalo sa brand intrusion.

Panalo sa mga manonood ang Ang Huling Banlaw ni Susan.

Tabla bilang panalong poster ang Alumahan (Keith Ian Serfino) at Nang Matakasan Ang Tagay (Eidan Maninang).

Pinakapanalong promosyon ang When Heaven Inched Towards Earth.

Panalong awitin ang “Game Na!” mula sa Teks Battle: Shoot Pati Pato!.

Best sound design ang Bumtak Sara ti Nuangen (Hannah Gagalac).

Best visual effects ang Starfish (Junelle Bacho Tecson, Luis Martin Mañalac).

Best production design ang 12 Shots (Jim Flores, Minnesota Flores, Sol Samodio).

Labinsiyam (19) na short films ang nag-compete.

Sa Panorama section ng short films ay wagi ang The Other Side of Reality ni Zig Dulay.

Read: Carlos Yulo, Chloe San Jose announce engagement after keeping it secret for 9 months

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noticeably absent from the 3rd Puregold CinePanalo Film Festival awards night were acting winners (from left) juan karlos, Zanjoe Marudo, and Momoko Kobayashi. Juan karlos won Best Actor for Mono No Aware, while Zanjoe won Best Supporting Actor for Apol of My Ai and Momoko won Best Supporting Actress for Mono No Aware.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results