GORGY RULA
"Kisscandal" pa bang maituturing ang halikan ng Controversial Actress at Popular Actor recently sa birthday party ng kanilang mutual friend?
Dating magkarelasyon ang Controversial Actress at Popular Actor.
Nagkaroon sila afterwards ng kani-kanyang karelasyon.
Na-link si Popular Actor sa isang non-showbiz girl, samantalang naging dyowa ni Controversial Actress ang isang Morenong Aktor.
Ayon sa aming unimpeachable source na panauhin din sa piging, ang sarap ng kuwentuhan nina Controversial Actress at Popular Actor.
Very intimate. Comfortable sila sa isa’t isa.
Napanatili nila ang kanilang friendship kahit nag-split na sila.
THE "KISSING" SCENE
Nagkainuman ang dalawa hanggang sa nalasing.
Ewan kung nag-init ang kanilang damdamin, ayun at naghugpong ang kanilang mga labi kahit maraming tao sa paligid nila.
Wala silang paki sa hindi nila pami.
Keber kung makarating kanino man ang kanilang lips-to-lips.
Ewan kung may nag-picture o nag-video para may resibo.
Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later
JERRY OLEA
Ewan din kung nakarating ba ito sa non-showbiz girlfriend ni Popular Actor.
Nabalitaan ito ng Morenong Aktor, na hiwalay na sa Controversial Actress. Hindi siya nagulat.
Matagal nang tamang duda si Morenong Aktor na may “something” sa mag-ex na Controversial Actress at Popular Actor.
Kilala at nakakausap once in a while ni Morenong Aktor si Popular Actor.
Batid ni Morenong Aktor na may kakaibang ugali ang ex niyang Controversial Actress.
KUNG KAYA MO, KAYA KO RIN?
Ang twist… may nakatago ring hiwaga si Morenong Aktor, na mukhang alam ni Controversial Actress.
Quits?!
Naalala ko tuloy ang 1978 film na Kung Kaya Mo… Kaya Ko Rin, kung saan bida sina Marlene Dauden, Christopher de Leon, at Eddie Garcia, sa direksiyon ni George Rowe.
Kasama sa cast nito sina Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Mark Gil, at Cherie Gil.
Prinodyus ito ng Agrix Films Production, Inc.

NOEL FERRER
Matatanda na sina Popular Actor at Controversial Actress.
Alam na nila ang ginagawa nila.
Pero ang pagiging consenting adult, hindi lisensya para makalimot sa commitment sa iba.
Sino tayo para makialam sa mga desisyon nila sa buhay?
Baka may mga unawaan silang hindi natin nasasakyan.
Sana na lang, makagawa sila ng magandang proyekto para may magandang panoorin ulit, lalo na sa aktor na talagang paborito ko!
Read: Jennylyn Mercado's managers call out Patrick Garcia over his interview
