PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chaps Manansala reveals depression battle; BJ Forbes joins Sina Dasal

Writer-director Chaps Manansala turns depression battle into stage play.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
chaps manansala bj forbes sina dasal
Writer-director Chaps Manansala (left) opens up about his battle with depression and suicidal thoughts, while former child actor BJ “Tolits” Forbes (right) joins his faith-based stage play Sina Dasal.
PHOTO/S: Chaps Manansala / Gorgy Rula

Trigger Warning: This article tackles suicide, depression, mental health

GORGY RULA

Nakakabahala ang nababalitaan nating pumanaw ang ilang kakilala natin dahil sa pagpapatiwakal.

Hindi ka makapaniwalang nagagawa nila ito gayong mukhang okay naman ang kalagayan nila sa buhay.

Ang madalas na dahilan: depression.

May isang pag-aaral na kapag malapit daw ang Christmas season ay tumataas ang bilang ng insidente ng suicide.

Kahit sinasabing panahon ng pagsasaya ang Pasko, mas malungkot daw ito sa mga taong may pinagdadaanan.

Pero hindi pa napapatunayan kung totoo ang study na dumadami raw ang suicide cases kapag papalapit na ang Christmas season.

CHAPS MANANSALA ON OVERCOMING DEPRESSION, SUICIDAL THOUGHTS

Nakapanayam ng PEP Troika ang writer/director at vlogger na si Chaps Manansala.

Inamin niyang dumaan siya noon sa depression at naisip din niyang magpatiwakal, pero hindi niya itinuloy.

Sa halip na magpakalunod sa depression ay ibinaling daw niya ang sarili sa pagsusulat at paggawa ng stageplays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Direk Chaps, nabuo niya ang Hiraya Theater Productions dalawampung taon na ang nakaraan.

Nagtatanghal sila ng dula sa mga eskuwelahan mula sa mga kuwentong isinulat niya.

Noong Martes, September 29, 2026, ay nag-perform ang grupo ng Hiraya Theater Productions sa Lucrecia Kasilag Performing Arts Hall sa Project 7, Quezon City.

Ang pamagat ng dulang isinulat at idinirek ni Chaps ay Sina Dasal.

sina dasal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Chaps, nabuo niya ang Sina Dasal nung panahong sobrang depressed siya at muntik na niyang wakasan ang sariling buhay.

“I had depression… I almost killed myself noong 2017,” pagtatapat ni Direk Chaps nang nakapanayam namin sa intermission ng pagtatanghal.

“After that, yun, nagsulat ako para ma-release ko lang yung ano… ito yun.

“Dun ko idinaan kasi muntik na… dapat patay na ako ngayon, e. I had depression and anxiety.

“Hindi ko siya maintindihan. Lulundag na ako sa 32nd floor. And then I was saved by a call.

“And yun, after nung okay okay na ako, nakikita ko nanay ko, nagda-dialysis siya, alam ko na… it’s a call from someone who would help me financially, e.

“I’ve been having a lot of trouble financially, emotionally, a lot of things. Hindi ako makaharap sa tao, nahihiya ako, ganyan.”

Nagpapasalamat si Chaps sa Panginoon na nabuo niya ang dulang Sina Dasal, at nagsimula na silang mag-perform.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong buwan ng October ay iikot daw sila sa iba’t ibang eskuwelahan sa Bulacan, Pampanga, at Olongapo.

Read: Patrick Garcia speaks about split with Jennylyn Mercado 18 years later

chaps manansala sina dasal
Chaps Manansala
Photo/s: Gorgy Rula

NOEL FERRER

Sinimulan nila ang religious stageplay na Sina Dasal sa Lucrecia Kasilag Performing Arts Hall kasama ang mga mag-aaral ng naturang paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi rin sa dulang ito ang dating child actor na si BJ "Tolits" Forbes.

Iba’t ibang kuwento ang ginagawa ng Hiraya Theater Productions.

Sa pagsisimula ng 21st season nito, kailangan daw mapanood ng mga kabataan ang ganitong klaseng kuwento na tumatalakay sa buong pananalig sa Diyos.

“Kasi yun ang kailangan ng generation ngayon, e,” pakli ni Direk Chaps.

“Yung audience namin, mga bata. So, parang feeling ko, sa entablado ko… yun yung kailangan nila.

“It’s a mission actually. I am just being an instrument of our Creator. Kasi hindi naman pupunta sa harapan natin yung Diyos, di ba?

“Gagamit siya ng instrumento para mangusap Siya sa atin, and sa ilang… 100,000 to one million audience na meron kami every season, ito yung way natin.”

BJ FORBES ON BEING PART OF SINA DASAL

Matagal na raw bahagi ng Hiraya si BJ Forbes, at kakaibang fulfillment daw sa dating child actor na nakasama siya sa Sina Dasal.

“In a way, para po siyang naging way para maging tulay kami to deliver message of faith and belief,” sey ni BJ.

“Sobrang honored po na magamit yung talento into touching lives of other through a play.”

Ang pagtatanghal ng Sina Dasal noong Martes ay sinuportahan ng co-hosts ni Direk Chaps sa vlog nilang OOTD na sina Arnel Ignacio at Morly Alinio.

Dumalo rin doon para sumuporta si Joshua Zamora na nakapag-perform din sa Hiraya.

chaps manansala arnell joshua
Chaps Manansala with Arnell Ignacio (left) and Joshua Zamora (right)
Photo/s: Courtesy of Chaps Manansala

Read: Dennis Trillo reacts to Patrick Garcia’s resurfaced interview

JERRY OLEA

Mga stage play ang pinagkakaabalahan ni BJ Forbes, kaya lalong nahahasa ang pag-arte niya.

Lahad ng dating child actor: “Nag-start po ako sa Hiraya, year 2018.

"Masaya naman po ako sa working environment ng Hiraya at natutuwa din po akong makipag-collaborate sa iba’t ibang klase ng actors through the years.

“Like dito sa Sina Dasal ay nag-iba-iba na din yung chemistry naming mga actors, depende sa gumaganap.”

bj forbes sina dasal
BJ Forbes in Sina Dasal
Photo/s: Gorgy Rula

BJ WANTS TO APPEAR IN TV AND MOVIE PROJECTS

Pero gusto rin daw ni BJ makaarte sa pelikula o sa telebisyon.

Ang huling ginawa niyang TV series ay ang Lolong ng GMA-7, at may nagawa na rin daw siyang pelikula.

“Latest movie ko po ay Behind The Smile by Direk Lawrence Roxas. Indie film po siya na mina-market din ngayon sa schools.

“Last ko naman pong serye ay last year sa Lolong, guesting lang.

“Siyempre po, gusto ko sana ng mas maraming projects sa TV and film, kung mas mapagbibigyan ng pagkakataon para mas maipakita ko pa po yung mga kaya kong gawin.

“Kaya sana po, mas madami pang mag-offer ng projects,” saad ni BJ.

Nag-post si BJ sa Facebook ng set card at nanawagan na baka merong projects na puwedeng ibigay sa kanya.

Sabi niya sa kanyang Facebook post: “Patuloy akong bukas sa mga bagong oportunidad at proyekto sa acting, hosting, content creation, music, at iba pang creative work.

“Kung may upcoming project kayo na sa tingin ninyo ay bagay sa akin, I’d be more than happy to be considered.

“Looking forward to working with you. For bookings and inquiries, kindly message me.”

Read: Stray Kids skip 2027 Grammys submissions amid new Asian Pop category

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Writer-director Chaps Manansala (left) opens up about his battle with depression and suicidal thoughts, while former child actor BJ “Tolits” Forbes (right) joins his faith-based stage play Sina Dasal.
PHOTO/S: Chaps Manansala / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results