JERRY OLEA
Ngayong Oktubre 4, 2026, Linggo, ang flight ni Nour Hooshmand pa-South Korea para sa 31st Busan International Film Festival (BIFF).
Sa apat na pelikulang Pilipino na nasa official selection ng BIFF 2026, tampok si Nour sa dalawa — Ria at Filipiñana.
Si Nour ang bida sa Ria, na first full-length feature directed by Arvin Belarmino.

Suporta si Nour sa kaibigang si Jorrybell Agoto sa Filipiñana, directed by Rafael Manuel.

Ang dalawa pang pelikulang Pinoy na magbu-Busan ay ang 58th ni Carl Joseph Papa, at ang Let Us Through, Dear Ancestors (Makikiraan Po) ni Lav Diaz.
Kapapanalo lang ni Nour bilang best supporting actress sa 3rd Puregold CinePanalo Film Festival noong Setyembre 30, Miyerkules, para sa short film na Starfish.

NOUR HOOSHMAND MOVIES IN INTERNATIONAL FILM FESTIVALS
Nakatsikahan namin sandali si Nour bago mag-umpisa ang CinePanalo awards ceremony last Wednesday sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Dahil magbu-Busan si Nour, hindi siya makaka-attend sa 49th Gawad Urian kung saan isa siya sa walong nominadong best actress, para sa pelikulang Cinemartyrs ni Sari Dalena.
Itong Cinemartyrs ang unang full-length film na bida si Nour. Kalahok ito sa Cinemalaya 2025 filmfest.

“Ang iconic ng mga kasama ko sa Cinemartyrs ni Ma’am Sari Dalena! Dami kong natutunan!” bulalas ni Nour.
“Si Tatay Kidlat [Tahimik]. Si Direk Lav [Diaz], nandoon. Si Miss Angel Aquino. So, sobrang humbling noon.”
Rumampa si Nour sa Cannes filmfest last year para sa short film na Agapito nina Arvin Belarmino at Kyla Danelle Romero.
View this post on Instagram
This time, sa Busan filmfest naman siya rarampa para sa Ria at 58th.
Kumusta ang pakiramdam?
Napangiti si Nour: “Excited. Meron na akong hinanda. At cinurate kasi namin yung mga susuutin.”
Rarampa siya sa grand opening ng Busan filmfest sa Oktubre 6, Martes, pati sa red-carpet awards night.
Siyempre, iba rin ang gown niya para sa premiere ng Ria, at sa mga Q&A ng Filipiñana.
“Si Antonina po, ahh grabe! Isa rin po yon sa tumutulong sa akin ever since na designer,” pagtatapat ni Nour.
“Even ngayon sa Busan, puwede ko nang sabihin na nag-collaborate kami doon sa story nung damit na dadalhin ko sa Busan.
“Kasi gusto ko rin, may message din yung suot ko, e, in relation to the film. So, very exciting yun for me.”
Read: Nour Hooshmand recalls Anne Curtis’ sweet Cannes gesture
RIA OFFICIAL POSTER FOR BUSAN INTERNATIONAL FILMFEST
Siyanga pala, pinost ng 901 Studios PH sa Facebook ang official poster ng Ria para sa Busan International Film Festival.
Ang nagdisenyo ng poster ay si Keith Ian Serfino.
Sabi ng 901 Studios PH: “At first glance, the design takes inspiration from real punk zines and underground gig posters. Its raw, DIY aesthetic reflects the spirit of the punk community at the heart of the film.
“Look closer, and the poster reveals the film's central theme: resistance. It pays tribute to Filipino underground punk communities that continue to hold their ground amid displacement, impunity, and systemic abuses of power.
“In the image, RIA becomes Tarima itself: a home, a community, and a symbol of defiance.
“Though threatened by forces determined to erase it, Tarima refuses to disappear.
“Bruised but unbroken, it continues to resist, endure, and stand its ground.”

Read: Nour Hooshmand opens up about Jorrybell Agoto’s cancer battle
NOEL FERRER
Bata pa lang si Nour Hooshmand ay nakahiligan na niyang umarte.
Pagbabalik-tanaw ni Nour: “Noong bata po ako, mahilig po akong maglaro, e. Mahilig akong mag-imagine ng iba’t ibang mundo.
“Kunyari ganito, ini-imagine ko, ako ang character na ito. Ganoon lang siya nagsimula. Tapos mga kalaro ko, mag-i-imagine kami.
“Hanggang sa yun po, nag-teatro po ako. Kasi naramdaman ko na nandoon yung puso ko, yung passion ko. Masaya doon ang inner child ko.”
2014 pumasok si Nour sa UP Diliman, at nagtapos ng kursong Theater Arts noong 2019.
NOUR HOOSHMAND'S IMPRESSIVE RESUMÈ
Breakout role niya yung sa Cinemalaya 2022 full-length film na Blue Room, for which na-nominate siyang best supporting actress sa FAMAS.
Sa Cinemalaya 2026 last August ay tatlo ang pelikula niya — 2 Valid IDs, Tayo Lang Ang Nakakaalam, at ang short film na Runo! (animated).
Setyembre 13 nang i-announce ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang tatlong pelikulang Pinoy na eligible sa 99th Academy Awards o Oscars.
Ang mga ito ay Filipiñana para sa kategoryang best international feature, Agapito, para sa kategoryang best live-action short film, at 58th para sa best documentary.
Kasama si Nour sa Filipiñana at Agapito.
Yung Agapito at Runo! ay kabilang sa sampung nominado sa kategoryang best short film ng 49th Gawad Urian, kung saan ang Cinemartyrs ay isa naman sa limang nominadong best film.
Ang ganda ng resumé ni Nour bilang aktres, huh?!
Ano ba ang kanyang ultimate goal?
Napabuntong-hininga si Nour bago sumagot: “Ahhh gusto ko lang po talagang to keep doing this, hanggang kaya ko.
“yung umarte, Yung tumulong din sa mga ibang filmmakers, aspiring artists, na mabigyang-buhay iyung mga nai-imagine nilang kuwento.
“And eventually sana, makapagsulat at direk ng sariling pelikula.”
Hindi pa masabi ni Nour kung kailan siya magdidirek ng pelikula.
Kabilang si Nour sa Batch 30 ng libreng scriptwriting workshop this year ni National Artist Ricky Lee.
Read: PH Oscars entry Agapito to screen at 25th Manila Spanish Film Festival
GORGY RULA
Pumanaw ang ama ni Nour Hooshmand noong Enero habang sinu-shooting niya ang Ria.
“Isa yun sa mga challenges while shooting the film… hindi naman po siya nangyari during shooting day,” sambit ni Nour.
“Pero nagsu-shoot pa rin kami during that time na nagkasakit po siya and he passed away.”
Sayang at hindi na naabutan ng kanyang ama ang pagkapanalo niya bilang best supporting actress sa 3rd Puregold CinePanalo filmfest, ang pagkakaroon ng dalawang pelikula sa Busan filmfest, at dalawa ring pelikula na eligible sa 99th Oscars…
“Hindi niya po nakita. Pero isa po siya sa talagang firm believer at number one fan ko,” saad ni Nour.
“Na lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Wala akong doubt na mararating mo iyung gusto mong marating. Wala akong doubt. And kung maraming mo yun, just speak about love.’ “Iyun ang lagi niyang sinasabi.”
NOUR HOOSHMAND'S FIRST ACTING AWARD
Recent Facebook post ni Nour: “salamat sa cinepanalo para sa unang acting award ni indaaay!!
“ang Starfish ay kuwento tungkol sa pagtitiis at resilience.
“hanggang kailan natin ice-celebrate itong resilience?
“at kailan natin ququestionin kung bakit nga ba kailangan natin maging resilient, kahit unti-unti na tayong inuubos ng sistema?
“salamat sa team Starfish lalo na kay Adel Abrigonda na sumulat ng pelikula at nag imbita sakin sa film na ‘to.
“sa 901 studios na mga mahal sa akin. sa castmates ko, lalo na kay VR Relosa na binigay ang puso niya sa film na ‘to.
“sa pamilya ko -- mama belinda, kuya ali, ate sudi, tita ces, papajan -- kayo ang lakas ko.
“salamat sa lahat ng naniwala at sumuporta sakin since day one!!!
“indeed, there are no small roles. “it takes a village to create a film -- so this is dedicated to everyone i’ve worked with on and off screen -- from the theatre, to events, to film. wala ako dito kung hindi dahil sa inyo. salamat po!!!
“higit sa lahat, para ito sa lahat ng katulad kong nangangarap magkwento!
“laborare est orare -- to work is to pray.
“thank you for the connections that have helped me access my humanity,
“for the stories that continue to fuel my being,
“for the divine artist, ang dakilang manlilikha, who is always present in the work.
“cheers!!!!!!
“mabuhay ang student filmmakers - ang pag-asa ng bayan!
“mabuhay ang mga gumagawa ng espasyo para sa mga kuwentong matapang na nagbibigay boses at katotohanan!
“lagi’t laging para sa sining at pagmamahal. “mabuhay ang pelikulang pilipino!!!”
