PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bambbi Fuentes defends Gelli de Belen amid online bashing

Bambbi Fuentes: “Hindi naman mahilig yan makisawsaw, e. Hindi siya ganun."
by PEP Troika
Published 4 hours ago
gelli de belen bambbi fientes mantsa
Makeup artist and film producer Bambbi Fuentes (right) has come to the defense of Gelli de Belen (left) after the actress faced intense online bashing over her comments on the Patrick Garcia-Jennylyn Mercado issue during her appearance on GTV’s Chika Cart.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

GORGY RULA

Nag-react ang makeup artist at movie producer na si Bambbi Fuentes matapos ma-bash nang husto si Gelli de Belen dahil sa comment niya sa isyu ng dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Sina Bambbi at Ms. Tine Areola ng Dragon Entertainment Productions ang nag-produce ng pelikulang Mantsa, na pinagbibidahan ni Gelli.

Awang-awa si Bambbi kay Gelli dahil nag-promote lang daw ang aktres ng pelikula nila sa bagong showbiz-oriented talk show na Chika Cart sa GTV noong Biyernes, Oktubre 2, 2026, pero pinutakti na ito ng kung anu-anong pamba-bash.

Tinanong ng mga host na sina Jeff Fernando, Baninay Bautista, at Donita Nose si Gelli tungkol sa isyu nina Patrick at Jennylyn.

Sinikap ng aktres na maging safe at balanse ang kanyang sagot. Ang concern lang daw niya ay ang mga anak nina Patrick at Jennylyn.

Pero nag-react ang mister ni Jennylyn na si Dennis Trillo sa sinabi ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng Kapuso Drama King para kay Gelli: “nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan.

"Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”

dennis trillo post

Pati sa hosts ng Chika Cart ay may maanghang na komento rin si Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila iba rin ang pagkakaintindi ni Dennis sa hosts ng Chika Cart na sina Donita Nose, Jeff Fernando at Baninay Bautista.

Ang dating sa Kapuso actor ay may kinakampihan sila.

dennis trillo post
dennis trillo post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dennis Trillo reacts to Gelli de Belen’s comments on Patrick-Jennylyn issue

BAMBBI FUENTES DEFENDS GELLI DE BELEN

Ayon kay Bambbi Fuentes, baka iba lang daw ang pagkakaintindi ni Dennis sa pahayag ni Gelli pero hindi raw ganun ang aktres.

“Si Gelli pa na hindi naman yan nakikisawsaw. Walang masama dun sa sinabi niya,” pakli ng kilalang beauty expert.

Alam daw niyang naapektuhan si Gelli sa matinding pamba-bash ng netizens, dahil wala raw itong kinampihan sa isyu.

Saad ni Bambbi: “Hindi ganun si Gelli. Naaawa ako sa kanya,.

"Ang safe naman ng sagot niya.

"Hindi naman mahilig yan makisawsaw, e. Hindi siya ganun.

"Nag-promote lang naman siya, bakit siya ginanun?

“Wala naman siyang kinakampihan. Ang concern lang nga niya ang mga bata.”

Ikinalungkot din ni Bambbi na pati ang mga nanahimik at isinara nang isyu nina Gelli at Regine Velasquez ay binuhay na naman.

Ang dali raw mambintang ng ibang netizens, gayong hindi naman nila alam ang totoong kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayaw na itong patulan nina Bambbi, lalo na si Gelli.

Nakakadismaya lang daw na pinu-promote lang nila ang pelikulang Mantsa, na magbubukas sa October 7, namantsahan pa ito ng galit at panghuhusga.

Bukas, October 5, ang premiere night ng Mantsa sa Trinoma. Hindi raw nila alam kung dadalo pa si Gelli.

Natatakot na raw itong ma-misinterpret pa ang sasabihin niya sakaling matanong siya tungkol sa mainit na isyung ito.

GMA-7, CHIKA CART STATEMENT

Bilang paglilinaw, naglabas ng statement ang GMA 7 ngayong Linggo, October 4 kaugnay rito.

Ang kabuuan ng statement: “We understand that the recent discussion on Chika Cart has drawn different reactions online.

“The views shared during the conversation were personal opinions expressed as part of an open discussion. Chika Cart does not intend to take sides or disrespect anyone involved.

“Let’s keep the conversation respectful and choose kindness, especially when families are involved.”

chika cart statement

CARLENE AGUILAR ON OLD ISSUE BEING REVIVED

Pero ang dami pang nakalkal dahil sa isyung ito.

Pati ang nakaraan nina Dennis at Carlene Aguilar ay naungkat din.

Hiningan ng PEP Troika ng reaksiyon si Carlene kaugnay rito, pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Wala naman daw siyang kinalaman sa isyu.

Ang text lang ni Carlene sa akin: “Naku Tito, ayoko mag-comment kasi labas ako sa issue nila. Di ko nga alam na meron pala and matagal na panahon na yan, may kanya-kanya ng buhay…. and merong mga batang nadadamay.

"So to keep the peace… quiet na lang po.

“Mas pagtuunan natin ng pansin yung issue ng flood control… yan ang wag natin kalimutan.”

Sina Dennis at Carlene ay may isang anak na lalaki, si Calix.

Read: Dennis Trillo's old interview about Carlene pregnancy resurfaces

JERRY OLEA

Ang isa pang idinadamay ay si Anne Curtis.

Ag dating ay kumampi umano si Anne sa pamilya Kramer nina Cheska Garcia at Doug Kramer.

Pati si Anne ay nag-trending sa X ngayong Linggo, dahil lang sa pag-comment nito sa ipinost ni Kendra na nagtanggol sa kanyang magulang.

Sabi ni Anne: “So proud of you Ken. You have such amazing parents.

"And hey, I know it’s hard to drown out the noise but you’re right, these people don’t know who parents truly are, so honestly no need to explain but anyway, I know it’s hard and I probably would do the exact same thing.

“Your parents are so lucky to have you. So proud of the young lady you’ve become. Big big hug! Love you [heart emoji].”

Sabi naman ni Dennis Trillo ay tapusin na ang bashing at galit sa isa’t isa.

Tapos na nga kaya?

NOEL FERRER

Sa puntong ito, mas mainam na ang katahimikan.

Nasabi na ang mga nasabi.

Ang mahalaga ngayon ay bigyan ng kapayapaan ang mga bata at espasyo ang bawat pamilya para makapaghilom nang pribado.

Bilang manager ni Patrick, wala na akong madadagdag at ayaw ko na ring makadagdag pa sa diskurso.

Maraming salamat na lang sa pang-unawa.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makeup artist and film producer Bambbi Fuentes (right) has come to the defense of Gelli de Belen (left) after the actress faced intense online bashing over her comments on the Patrick Garcia-Jennylyn Mercado issue during her appearance on GTV’s Chika Cart.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results