GORGY RULA
Maipapalabas na sa YouTube channel ng Rein Entertainment ang final episode ng crime drama na Drug War: A Conspiracy of Silence.
Sa Oktubre 8, 2026, Huwebes ng gabi, na ang streaming nito.
Pero marami pa rin ang nagtatanong sa amin kung bakit ilang linggo itong nawala at naantala ang streaming ng final episode.
Ang mahalaga, sabi ng ilang napagtanungan namin, ay maipapalabas na ito at naibalik na ang first five episodes ng Drug War sa YouTube.
DRUG WAR WINS NATIONAL AWARDS AT ASIAN ACADEMY CREATIVE AWARDS
Tamang-tama naman, may magandang balita ang taga-Rein.
Nanalo ng tatlong National Awards ang Drug War: A Conspiracy of Silence sa Asian Academy Creative Awards (AACA) 2026.
Ang Drug War: A Conspiracy of Silence, isang six-part mini-series na idinirek ni Shugo Praico, ay national winner sa mga kategoryang Best Screenplay (Shugo Praico and Jonathan Guillermo), Best Cinematography (Moises M.M. Zee), at Best Editing (Lawrence S. Ang).

Dagdag pang magandang balitang dala ng Rein Entertainment ay nagwagi rin ang pelikulang Salvageland, na idinirek ni Lino S. Cayetano, bilang Best Actor in a Supporting Role para kay Mon Confiado.
Bukas, Martes, October 6, ay magkakaroon ng advance screening ang finale episode ng Drug War sa Uptown Mall Ultra Cinema.
Dadaluhan ito ng ilang cast members.
Read: Drug War: A Conspiracy of Silence episodes removed from YouTube

NOEL FERRER
Sa wakas, may closure na ang mga nakaabang sa Drug War: A Conspiracy of Silence.
Matapos ang ilang linggong pagkawala sa YouTube at pagkaantala ng finale, kinumpirma ng Rein Entertainment na ngayong Huwebes na ang streaming ng final episode at naibalik na rin online ang first five episodes.
Magandang timing ito dahil kasabay ng pagbabalik ay ang malaking panalo ng Rein sa Asian Academy Creative Awards 2026.
Good luck at sana matuto tayo sa ipapakita ng Drug War! Basta!
JERRY OLEA
Ang huhusay ng mga artista sa Drug War: A Conspiracy of Silence.
Andiyan sina Harvey Bautista, Ian Veneracion, John Arcilla, Jane Oineza, Lotlot de Leon, Art Acuña, Ryan Eigenmann, Miggy Jimenez, Gabby Padilla, Romnick Sarmenta, at Yayo Aguila.
Ang intense ng mundo ng Drug War!
Kaya masaya tayo nang ibalita ng kaibigang France Simeon, “The silence is broken! Drug War: A Conspiracy of Silence is officially BACK… Are you ready for what happens next?”
Read: Los Hubaderos 2026 3Q: The Hottest Pinoy Men of the Quarter
