JERRY OLEA:
Magkaribal at magkaaway ang characters nina Maricel Soriano at Snooky Serna — fictional versions of themselves — sa limited series ng HBO Max na nag-finale noong Oktubre 1, 2026.
Sa totoong buhay ba, naging magkaaway rin ang Diamond Star at ang Eternal Star?
“Oo. Very honestly, nagkaroon kami ng mga sagut-sagutan noon,” pag-amin ni Snooky.
Nakausap namin siya sa premiere night ng pelikulang Mantsa noong Oktubre 5, Lunes sa Trinoma, Quezon City.
“Funny nga. Kasi, di ba, iyung Call My Manager, it’s an exaggerated, blown-up version of ourselves.”
Noong 2023 pa syinuting ang Call My Manager, kunsaan bida sina Judy Ann Santos, Edu Manzano, at RK Bagatsing.
Mukhang totoo iyung mga talakan nila ni Marya, huh?
“Nanggaling sa katotohanan. I mean, hindi naman lahat obviously. Wala naman kaming pinag-awayang manager,” sey ni Snooky.
Sa istorya, pareho silang naging kabit ni Samuel (Edgar Mortiz), na asawa ni Helen (Cristina Gonzales). Nag-overlap pa! Naging “escabeche” rin ni Samuel si Mother Aleta (Gina Alajar).
Dagdag ni Snooky: “Di ba, sa Call My Manager, nag-share kami? Wala namang ganoon [sa totoong buhay]. Not to that extent.
“Pero iyung medyo nagkaroon kami ng konting sagutan, awayan, away-away nang konti… when we were younger, talagang nagkaroon ng ganun, ng mga eksena.”
Napag-usapan nila ni Maricel ang kanilang past nang gawin nila iyung mga eksena nila sa Call My Manager?
“Medyo, medyo. Nung ginagawa namin yung mga scenes, medyo naka-motivate yun. Napag-usapan ang past,” pagtatapat ni Snooky.
“Pero of course, we were laughing about it na lang. Natatawa na lang kami sa mga kababawan namin noong bata kami.”
Sa finale, sila ang magkakampi kontra kay Roderick Paulate.
“At the end of it all, iyun ang bottom line, e. Magkapatid pa rin, e,” pagmamatwid ni Snooky.
“Pero as with all siblings, may mga away-away paminsan-minsan. Inggit-inggit, may competition.”
Read: Jao Mapa reveals past relationship with Rosanna Roces
SNOOKY SERNA ON HANDLING INTRIGUES
NOEL FERRER:
Hanggang ngayon, nangyayari pa rin ang mga competition at misunderstanding sa local showbiz.
“Meron pa rin ba?” safe na sagot ni Snooky Serna.
“Alam niyo, ako, ang corny ng buhay ko. Pagka walang trabaho, like ngayon parang mas nagiging involved ako sa vlogging.
"Nakikiuso itong kaibigan niyo sa mga vlog-vlog. I have the Snooky Serna channel. Iyun na lang ang world ko at the moment.
"Parang hindi ko na alam iyung mga balita. Sino ba ang mga intriga ngayon? Sino ba ang mga nagkakaintrigahan ngayon?”
Ano ang mai-advise niya sa young stars na dumadaan sa conflict na gaya ng pinagdaanan nila ni Maricel Soriano?
“Ako sa akin, parang ano, e… just take it with a grain of salt,” tugon ni Snooky.
“Ganun talaga ang buhay-showbiz. Kasama na iyung mga intriga. Ngayon mas lalo pa na ang social media natin ay lipana na.
“Parang may mga bashing na rin diyan. I mean, just take it with a grain of salt. Ganun talaga, minsan may competition. But it’s a healthy competition.
“At the end of the day, ang pinakakalaban mo naman, e, iyung sarili mo, e. It’s not anyone else.
“More than anyone, iyung sarili mo talaga iyung you have to compete with yourself.
“But, well, I just take it all with a grain of salt lang. Parang have fun na lang sa dami ng problema sa mundo.”
OK lang ba sa kanya kung i-bash siya, sira-siraan o paringgan sa socmed? Dedma siya at hindi patola?
“Alam mo, nakakatuwa. Parang… ewan ko, parang corny siguro, boring ang life ko. Parang hindi ako masyadong naiintriga sa social media,” sambit ni Snooky.
“Naghahanap nga ako, parang wala akong mahanap, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Parang boring siguro ang life ko. Hindi ako interesting.”
Read: Did you know: Risa Hontiveros is Tanging Yaman's original singer?
SNOOKY SERNA ON HEATED SCENE WITH MARICEL SORIANO
GORGY RULA:
Sa Call My Manager, ang hanash ni Maricel Soriano ay mas may hatak siya sa takilya, at ang hirit ni Snooky Serna ay mas mahusay siyang aktres.
Swak iyon noong panahon ng pelikulang Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995) na syinuting ni Direk Carlos Siguion-Reyna sa Pagudpud, Ilocos Norte.
“Actually, to be honest, nahiya nga rin ako nang konti sa sarili ko,” pagsisiwalat ni Snooky.
“Nahiya ako doon, ha? Totoo lang, I mean, I had to take it with a grain of salt kasi sabi ko nga, ano lang naman ito, parang parody lang namin.
“Pero in a way, parang iniisip-isip ko rin, sabi ko, teka muna! Hindi naman ako si Sharon [Cuneta]. Hindi naman ako Sharon-Maricel. Hindi naman ako doon sa level na iyon.
"Aminado naman ako na sa race… sa race daw, o?! Parang ako iyung naging third. Third place.
"Pero ang queens talaga, kayo na ang mag-decide kung sino ang first place at second place — Maricel and Sharon.
"Pero happy lang ako na somehow naisama ako sa Call My Manager."
Ngayong Oktubre 7, 2026, Miyerkules ang opening day ng psychological thriller na Mantsa (R-13) sa local cinemas.
Bida sa Mantsa sina Shira Tweg, Khai Flores, Pilar Pilapil, at Gelli de Belen, sa direksyon ni Louie Ignacio.
Aside from Snooky at sa mga bida, nasa Mantsa rin sina Lloyd Samartino, Janice de Belen, Dino Guevarra, L.A. Santos, Bo Bautista, Miles Poblete, at Than Perez.
Kasabay nito ang showing ng SB19: Wakas at Simula - The Trilogy Concert Finale (PG) na exclusive sa SM Cinema.
Ayon sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), today rin ang opening ng Hyoketsu (R-13), Other Mommy (R-16), The Social Reckoning (R-13), The Thing with Feathers (R-13) na exclusive sa Megaworld Cinemas, at Detective Conan Episode Zero: The Shinichi Kudo Aquarium Case (PG) na exclusive din sa SM Cinema.
Merong Halloween Horror Festival featuring Late Night with the Devil (R-13), Five Nights at Freddy's (R-13), Haunted Universities 3 (R-16) and Lee Cronin's The Mummy (R-16) na exclusive sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Extended sa Gateway Cineplex ang Puregold CinePanalo filmfest hanggang Oktubre 11, Linggo. Palabas pa sa Gateway Cineplex ang Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo, Patay Gutom, Mono No Aware, at Stuck On You.
Waley na iyong Apol of My Ai, Beast, Wantawsan, at short films. Iyung The Land Before Time (PG) ay mapapanood umpisa Oktubre 9, Biyernes, exclusive sa Robinsons Movieworld.
“So many movies to choose from! Go get your tickets now!” sabi pa ng CEAP.
