PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Annette Gozon-Valdes meets with Willie Revillame; here's why

Is a collab brewing between GMA-7 and Willie Revillame?
by PEP Troika
Published 2 hours ago
GMA-7 exec Annette Gozon-Valdes says nothing final in possible project with Willie Revillame.
GMA-7 exec Annette Gozon-Valdes (in black shawl) says nothing final in possible project with Willie Revillame (blue shirt). Seen with them are Joy Marcelo, Erwin Blanco, Tracy Garcia, and Kevin Dalugdug.
PHOTO/S: Erwin Blanco

GORGY RULA:

Kaagad na kinontak ng PEP Troika ang senior vice-president ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes at ang producer ng Mavx Productions na si Erwin Blanco para linawin ang ipinost ni Erwin na dinner nila sa isang restaurant kasama si Willie Revillame.

Sa post ni Erwin, nasa isang table sila ni Willie kasama ang line producer nitong si Kevin Dalugdug, at kaharap nila sina Joy Marcelo ng Sparkle, Ma’am Annette, at Tracy Garcia.

May isa pang kuha na napapagitnaan si Willie nina Erwin at Kevin, at ang nasa caption ay “Coming soon Wilyonaryo…”

Hindi ko kaagad nakilala si Willie dahil medyo lumusog siya at parang kuminis ang mukha. Halatang nakapagpahinga ito nang husto.

Walang final na sagot si Ma’am Annette nang tinanong ko siya tungkol sa naturang meeting. Wala pa raw talagang na-finalize.

“Yes. Explore-explore pa,” safe na sagot sa amin ni Ma’am Annette.

Sabi naman ni Erwin Blanco ng Mavx, wala pa raw talagang na-finalize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIE REVILLAME TO STAR IN MOVIES?

Pero ang ilan sa napag-usapan ay ang posibleng collaboration ng GMA Pictures at Mavx para sa pelikulang gagawin ni Willie.

Dalawang pelikula raw ang napagkasunduan—isang tearjerker at isang comedy.

Nagustuhan daw ni Willie ang ipinitch nilang tearjerker na si Erwin ang magdidirek.

Tinanong ko kung napapag-usapan ba nila ang natsitsismis na tatakbong mayor ng Quezon City raw si Willie.

Wala naman daw silang napag-usapan tungkol sa pulitika. Mas mabuting abangan na lang daw ang official announcement, dahil hindi pa raw nagkapirmahan.

JERRY OLEA:

Iyung comeback movie kaya ni Willie Revillame ay intended para sa Metro Manila Film Festival next year?

Iyung MMFF playdate ang pinakaaabangan ng Pinoy moviegoers.

MMFF 2026 LAST FOUR ENTRIES

Excited nga tayong malaman sa Lunes, Oktubre 12 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City kung anu-ano ang apat pang pelikula na pasok sa 52nd MMFF.

Ang announcement ng second batch ng MMFF 2026 official entries ay iho-host nina Enchong Dee at KaladKaren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa programa sina River Joseph, Vince Maristela, Iñigo Jose, Emilio Daez, Jarren Garcia, at Xyriel Manabat.

Abang-abang din tayo sa pagdalo ni Xyriel sa premiere night ng advocacy film na Guryon, na gaganapin sa Oktubre 17, Sabado sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Co-stars ni Xyriel sa Guryon sina Zaijian Jaranilla, Ron Angeles, Ruby Ruiz, Kanye Avendano, Ramon Christopher, Ping Medina, Dindo Arroyo, Rob Sy, Polo Ravales, Sabrina M, Paolo Serrano, Pekto, at Gene Padilla. Ang director ay si Lester Dimaranan.

NOEL FERRER:

Kasama ko si Annette Gozon-Valdes kanina lang para sa isang primer ng first 4 MMFF films.

Maganda ang naging kinalabasan lalo pa’t cooperation at collaboration ang napag usapan at hindi kumpetisyon.

Naibalita ni Annette kay Vincent del Rosario ng Viva ang tungkol sa pagkikita nila ni Willie, at ang bulto ng pinag-usapan ay ang resto at food business. Interesting!

Hindi lang pampelikula ang concens kundi pati pagkain pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sabi nga, hindi lang industriya ng pelikula ang nag-i-struggle. Lahat ng industriya daw naman, kahit sa food at resto rin. Kaya suportahan talaga ang kailangan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 exec Annette Gozon-Valdes (in black shawl) says nothing final in possible project with Willie Revillame (blue shirt). Seen with them are Joy Marcelo, Erwin Blanco, Tracy Garcia, and Kevin Dalugdug.
PHOTO/S: Erwin Blanco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results