JERRY OLEA:
Tabla-tabla! Tabla bilang best actor sa 49th Gawad Urian sina Jericho Rosales (Quezon) at Carlo Aquino (Bar Boys: After School).
Tabla rin bilang best actress sina Maris Racal (Sunshine) at Odette Khan (Bar Boys: After School).
Ginanap ang awards rite nitong Oktubre 8, 2026, Huwebes, sa Teresa Yuchenco Auditorium ng De La Salle University, Taft Ave., Manila.
Read: 49th Gawad Urian: Jericho, Carlo, Odette, Maris are big winners
Third time sa kasaysayan ng Gawad Urian na tabla ang best actor.
Sa 30th Gawad Urian ay tabla bilang best actor sina Mark Gil (Rotonda) at Rustom Padilla (Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie). Nang sumunod na taon ay tabla sina Sid Lucero (Selda) at Jason Abalos (Endo).
First time maging best actor ng Gawad Urian si Carlo. Second time ito ni Jericho, nauna noong 36th Gawad Urian para sa Alagwa.
Ang girlfriend ni Jericho na si Janine Gutierrez ay best actress sa 43rd Gawad Urian para sa Babae at Baril.
Ang wife ni Carlo na si Charlie Dizon ay best actress sa 47th Gawad Urian para sa Third World Romance.
Ikasiyam na pagkakataon na ito na tabla ang best actress para sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).
Ang mga naunang nagtabla bilang best actress:
- 5th Gawad Urian: Gina Alajar (Brutal) at Nora Aunor (Bona)
- 10th Gawad Urian: Gina Alajar (Kapit sa Patalim) at Nida Blanca (Miguelito: Batang Rebelde)
- 11th Gawad Urian: Jaclyn Jose (Takaw Tukso) at Pilar Pilapil (Napakasakit, Kuya Eddie)
- 13th Gawad Urian: Nora Aunor (Bilangin ang Bituin sa Langit) at Vilma Santos (Pahiram ng Isang Umaga)
- 19th Gawad Urian: Helen Gamboa (Bagong Bayani) at Nora Aunor (The Flor Contemplacion Story)
- 20th Gawad Urian: Nora Aunor (Bakit May Kahapon Pa?) at Sharon Cuneta (Madrasta)
- 25th Gawad Urian: Assunta de Rossi (Hubog) at Rosanna Roces (La Vida Rosa)
- 33rd Gawad Urian: Anita Linda (Lola) at Rustica Carpio (Lola)
First time nina Maris at Odette na maging best actress sa Gawad Urian.
Noteworthy na best supporting actress si Odette sa 41st Gawad Urian sa pagganap niya bilang Justice Hernandez sa Bar Boys. Sa sequel ng pelikula na Bar Boys: After School ay gumanap muli si Odette na Justice Hernandez, pero in-elevate siya sa best actress category… at wagi, katabla si Maris.
First time sa kasaysayan ng Gawad Urian na parehong tabla ang best actor at best actress!
Ang best supporting actor ay si Will Ashley (Bar Boys: After School), at ang best supporting actress ay si Jennica Garcia (Sunshine).
Opo! Tatlo ang acting winners sa Bar Boys: After School na idinirek ni Kim Oebanda — best actor na si Carlo Aquino, best actress na si Odette Khan, at best supporting actor na si Will Ashley.
Gumanap naman bilang mag-ate sa Sunshine ang best actress na si Maris Racal at best supporting actress na si Jennica Garcia.
Ang unang award na ipinagkaloob sa 49th Gawad Urian ay para sa best supporting actress. Late ng dating si Jennica kaya hindi siya nakapag-acceptance speech.

Read: Jacob Aaron Polintan, 24, cause of death revealed
NOEL FERRER:
Ang saya sa 49th Gawad Urian kasi kahit sinabi ng presidente nilang si Anne Frances Sangil na pawang mga educators sila at hindi showbiz, at walang bayad ang sumali, manood at manalo sa Urian!
And we at LENTE (Philippine Entertainment Journalists Guild) admire that of the Manunuri.
Pinatunayan din ng pamunuan ngayon na kahit walang host o emcee ay tatakbong mabilis at maayos ang parangal.
Lubha akong na-touch sa Parangal para kay Direk Laurice Guillen na Natatanging Gawad Urian. Ang ganda at inspiring ng speech niya at talaga namang deserving siya.
Nakakakilig din na dalawang National Artist ang nagbigay ng award niya, at isa doon ay na-link sa kanya noong bata pa sila. Pero past is past… Uyyyyy!
Ibang klase rin ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino, kulang sa sampu ang mga bumoboto pero hindi nila bine-break ang mga ties.
At sa 49th Gawad Urian, aside from Best Actress, tie rin sa Best Actor, pero pawang dasurv!
Congratulations, Carlo Aquino! After 10 nominations, finally nakuha mo na ang first Urian Best Actor trophy mo for Bar Boys: After School. At ang pinaka-sweet, si wifey mismo — 47th Urian Best Actress Charlie Dizon for Third World Romance — ang tumanggap ng award mo. Sooo happy for this couple!
Congratulations, dear Jericho Rosales! Ikaw ang other half ng Best Actor tie for Quezon. So proud of your hands-on, committed work. Lahat ng hard work, passion, and excellence, nag-pay off!
Second Urian mo na ito after Alagwa noong 36th Urian. Ang common denominator? Blessed partnerships!

Best actors ng Urian sina Carlo at Jericho, best actresses ng Urian sina Charlie Dizon at Janine Gutierrez. Proof lang na when you're blessed in love, you become the best version of yourself sa craft! Ang saya lang.
At bilang manager ni Arman Ferrer, booked na siya for the 50th Urian Awards. Nakakatatlong beses na siyang mag-perform sa Gawad Urian at every year, markado ang performance niya.
Una iyung In Memoriam sa UP Theater. Kinanta niya ang "Giliw" (Invitation by Dr. Gigi Alfonso). Sumunod ang "Mahiya Naman Kayo" (Invitation from Dr. Shirley Lua) sa La Salle and ngayong gabi, "Tagumpay Nating Lahat" (Invitation from Gary Devilles ) sa La Salle ulit.
Dapat mapaghandaan ang espesyal na number next year ni Arman Ferrer na tunay na suki at paborito ng mga Manunuri!

Read: Niña Jose addresses concerns over her appearance, weight loss
GORGY RULA:
Anim ang nominasyon ng Bloom Where You Are Planted sa 49th Gawad Urian. Wagi ito ng apat na tropeo — best picture, best documentary, best direction (Noni Abao) at best editing (Che Tagyamon).
Bahagi ng Facebook post ng Bloom Where You Are Planted:
"Maraming salamat, Manunuri ng Pelikulang Pilipino, para sa mga karangalang ito!
"Ang panalong ito ay para sa mga taong patuloy na lumalaban para sa kanilang dignidad, karapatan, at kinabukasan.
"Hangga’t may mga tinig na pilit pinatatahimik, mga buhay na patuloy na inaapi, at mga sistemang patuloy na nagsasagawa ng karahasan at pang-aabuso, hinding hindi matatapos ang ating laban.
"Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal! Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa! Aktibista, hindi terorista!"
Sampu ang nominasyon ng Quezon sa 49th Gawad Urian. Kagaya ng Bloom Where You Are Planted ay nakaapat ito. Wagi ito sa mga kategoryang best actor (Jericho Rosales), best cinematography (Pong Ignacio), best production design (Monica Sebial), at best music (Jerrold Tarog).
Nakamit ng Republika ng Pipolipinas ang best screenplay (Renei Dimla), samantalang natamo ng Cinemartyrs ang best sound (Emilio Bien Sparks).
Best short film ang Cemento directed by Justine Borlagdan.
Bago ipagkaloob kay Laurice Guillen ang Natatanging Gawad Urian, nagkuwento tungkol sa kanya si National Artist Ricky Lee, at nagbigay ng citation si National Artist Nicanor G. Tiongson.
GAWAD PASADO
Ang 28th Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ay nakatakda sa Oktubre 22, 2026 sa Abbot Lopez Hall ng San Beda St., Mendiola St., San Miguel, Manila.
Pagkakalooban dito ng lifetime achievement award si Odette Khan.
Kapwa PinakaPASADOng Aktres sina Charo Santos-Concio (Only We Know) at Maris Racal (Sunshine).
Sina Jericho Rosales (Quezon) at Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye) ang nagwagi bilang PinakaPASADOng Aktor.
Pararangalan si Jennica Garcia (Sunshine) bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres at si Mon Confiado (Quezon) bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktor.
Si Lucas Andalio (Call Me Mother) ang nagwagi sa kategoryang PinakaPASADOng Batang Aktor.
Kikilalanin si Jerrold Tarog bilang PinakaPASADOng Direktor para sa pelikulang Quezon. PinakaPASADOng Pelikula ang Quezon, Sunshine, at Meet, Greet & Bye.
