JERRY OLEA:
Katuwang ng Multi Media Press Society, Inc. (MMPRESS) ang tanggapan ni Negros Occidental Third District Representative Javier Miguel "Javi" Lopez Benitez sa paghahatid ng Golden Screen Awards: Dekada Awards noong Oktubre 4 sa MMFF Auditorium, MMDA Head Office, Pasig City.
Read: Judy Ann Santos continues to earn recognition for Mindanao
Si Javi, na chairperson ng House Special Committee on Creative Industries, ay pinagkalooban ng Creative Industries Champion award sa event.
Bahagi ng speech ni Javi: “Hindi alam ng marami pero dito sa industriyang ito ako nagsimula. Star Magic. Workshops, auditions, lahat iyan. Pero short lang. One year and a half lang.
"Never akong nanalo ng award. Kaya salamat sa MMPRESS, sa wakas may trophy na ako! Hindi nga lang para sa acting. Halatang napanood ng panel ang acting ko.
"At tingnan ninyo, gawa ng isang Ivatan artist. Mula sa upcycle, then repurposed material, so kinokomenda ko ang MMPRESS for this. For supporting artists like these.
"Kailangan talaga natin iyan sa panahon na ngayon. Mga lumang gamit, ginawang bagay na iingatan mo."
JAVI BENITEZ ON DEKADA AWARDS AWARDEES
Humingi ng pasensya si Javi na hindi siya nakadalo sa paglulunsad ng librong Level Up ni Ka-Troikang Noel Ferrer sa Manila International Book Fair noong Setyembre 13, 2026 sa SMX Convention Center Manila, MoA Complex, Pasay City.
Pagpapatuloy ni Javi: “May linya sa libro ni Tito Noel na hindi ko makakalimutan. Sabi niya, ‘Sa loob ng maraming dekada, magaling ang pelikulang Pilipino — sa kabila ng sistema.’
"Tingnan niyo ang Dekada’ng pinararangalan natin ngayong gabi. Nanalo sina Direk Lav Diaz ng Golden Lion sa Venice.
"Pinarangalan si Jaclyn Jose sa best actress sa Cannes. Inuwi ni John Arcilla ang Volpi Cup. Nanalo si Juday sa Cairo.
"At sa gitna ng lahat niyan, isinara ng pandemya ang lahat ng sinehan sa bansa. It was one of the most, if not the most challenging times para sa industriyang ito.
"At sa kabila ng sistema, paulit-ulit, at iyan ang job description ko, di ba? So trabaho kong buuin ang sistema para ang galing ng ating mga artista ay dahil sa sistema, hindi sa kabila nito."
Kabilang pa sa honorees na um-attend sa Dekada Awards 2026 sina Dennis Trillo, Maricel Soriano, Charlie Dizon, Marian Rivera, Max Eigenmann, Charo Santos, Piolo Pascual, Noel Trinidad, Vince Tañada, Allen Dizon, Kriz Gazmen ng Star Cinema, Vincent del Rosario III ng Viva Films, at Keith Monteverde ng Regal Entertainment.
ON ONGOING FILM INDUSTRY REFORMS
Sa kanyang speech, ipinaliwanag ni Javi ang pagnanais niyang magkaroon daw ng reporma sa Film Development Council of The Philippines (FDCP) at mapalitan ito ng proposed Philippine Film Commission.
Related stories:
- Philippine Film Commission could replace FDCP by 2028
- Philippine Film Commission to make film shoots easier in PH
Pahayag pa ni Javi: “Iyung batas na lumikha ng FDCP, 24 years old na.
"Sa loob ng 24 na taon, hindi pa ito naamyendahan kahit minsan. So ang charter ng FDCP ay 24 years old. From 2002 pa iyan.
"Alam po natin, kahit cellphone natin, ina-update. Minsan nag-a-update mag-isa.
"Kaya i-upcycle natin, gagawin natin ang Philippine Film Industry Development Act, ang FDCP, na isang ganap na Philippine Film Commission."
Binanggit niya ang ilan pang isyu ng film workers na tingin niya ay dapat mabigyan ng pansin.
Lahad ni Javi: "Meron po itong tax credits para dito na mag-shoot ang mga production, hindi sa abroad.
"Meron ding film endowment fund para sa mga kuwentong Filipino, at isasabatas na ang kapakanan ng film workers.
"Standard contracts. Totoong paraan para mag-report ng harassment at pang-aabuso. Gagawin itong National Registry.
"Para sa mga stunt performers, make-up artists, at lighting crew. Iyung mga pangalang pinakamabilis dumaan sa end credits ay meron nang National Registry.
"And we are working with the FAP [Film Academy of the Philippines] with this.
Dagdag pa ng 38-year-old na kongresista: "Gumagalaw na ang ating panukala, itutulak ko iyan sa House. And pagdating sa Senado, meron din po tayong champions.
"And we’re hoping it becomes a law as soon possible."
Read: Dennis on wife Jennylyn, family: I’ll protect them at all cost
GORGY RULA:
Isiniwalat ni Javi Benitez na siya rin ang nangunguna sa House working group na sumusulat ng AI o Artificial Intelligence Law.
"Kaya ng AI Artificial Intelligence na gayahin ang mukha. Kaya na rin nitong gayahin ang boses,” mensahe ni Javi sa mga artista sa Dekada Awards 2026.
"Pero hindi nito kayang umiyak na parang si Judy Ann Santos.
"Sa inyo ang mukha niyo at ang inyong mga boses. Sa working AI bill, naglalagay kami ng proteksyon para walang makagamit ng AI na gayahin kayo, o ang performance niyo.
"Kung ito man ay dapat merong permission galing sa inyo. At ang walang pahintulot niyo at hindi kayo binabayaran, so ang teknolohiya, dapat nagsisilbi sa artista. Hindi pumapalit sa artista."
Ang Bacolod ang isa sa tatlong host cities ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF), maliban sa San Juan City at Mandaluyong City.
Si Javi ay representative ng third district ng Negros Occidental, kung saan naroon ang Bacolod City. Kaya makikibahagi si Javi sa festivities ng MMFF 2026 sa City of Smiles.
“Pumunta kayo para sa pelikula. Mag-stay kayo para sa chicken inasal namin!” bulalas ni Javi.
Read: 49th Gawad Urian: Jericho, Carlo, Odette, Maris are big winners
NOEL FERRER:
Panay ang trabaho ni Javi Benitez at sobrang nakakalula ang schedule niya kung tutuusin.
Pagkagaling niya ng Italya para sa pagpo-promote ng Slow Food Program na itinatampok ang pagkaing mula sa Negros sa Tierra Madre sa Italy, sumabak siya agad sa LegisHear program, na sinuportahan ni House Speaker Bojie Dy sa 5,000 Negrosanons with 12 government agencies na tumutok sa pangangailangan nila sa probinsya.
Tapos iyun na nga, si Javi ang tumulong sa MMPRESS sa pagtataguyod ng pagbabalik ng Golden Screen Awards sa Gawad Dekada 2026 nito.
At noong isang gabi lang, active pa si Javi sa pagpapa-approve ng General Appropriations Act sa Congress on Second Reading at kasama riyan ang funding for social programs, public works, healthcare, and public transportation.
Kahapon, October 8, nagdiwang siya ng birthday niya. Natupad kaya ang plano niya to spend his birthday with his mom?
Nasabi ko sa kanya na medyo mahihirapan ang susunod niyang girlfriend kung sakali sa pagkahilong-talilong ng kanyang schedule. Trabaho muna siya talaga, dahil ayaw niyang sirain ang tiwala sa kanya ng taumbayan.
Salamat, Javi, sa pagturing sa akin bilang pamilya. I told him that I am so proud of the person and the leader he has become, and most especially of his deep and genuine concern for his constituents and the Filipino Creative Industries. His heart for our creatives and the Negrenses is his finest work.
Alam ni Javi na nandito lang tayo na nakasuporta sa kanya. Happy Birthday, Cong. Javi!!!
