PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal "patol na patol" with Marvin Agustin's "pambobola"

Marvin to Jolina: "Bakit yummy na yummy ka sa akin?"
by PEP Troika
Published 14 hours ago
Jolina Magdangal "patol na patol" with Marvin Agustin's "bola"
Jolina Magdangal and Marvin Agustun share secret to longevity of the magic of the MarJo loveteam.
PHOTO/S: @tv5manila Instagram

JERRY OLEA:

Masayang-masaya sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na magkatambal silang muli sa afternoon series na Mommy Guard.

Mapapanood iyon umpisa Oktubre 16, 2026, Biyernes sa Netflix. Eere iyon simula Oktubre 19, Lunes-Biyernes ng 2:30 P.M. sa TV5 at ABS-CBN platforms.

"Iyung ginawa naming movie ni loveteam last year, iyung Ex Ex Lovers, alam namin iyun na iyung pelikulang gagawin namin at maghihintay na naman kami nang matagal para gumawa ng project together,” sabi ni Marvin sa mediacon noong Oktubre 9, Biyernes sa MVP Studio, Sheridan St., Mandaluyong City.

"But this one, it’s actually a longer project together. And at the same time, ito talaga iyung gustung-gustung-gusto naming gawin.

"Dahil ito iyung parang ‘90s vibe talaga! Masaya, makulit pero meron ding iyakan… pero ang ipinapangako talaga namin sa kanila, papasayahin namin ang hapon ninyo!”

Hiyawan at palakpakan ang ardent MarJo fans na nasa mediacon.

Dugtong ni Jolina: "Very ‘90s iyung vibe pero alam nyo, iyung pinag-uusapan at tina-tackle ng buong show ng Mommy Guard ay kung ano po iyong nangyayari ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalo na sa mga estudyante, sa mga anak-anak natin. At sa mga pinagdadaanan din ng magulang natin.

"So pambuong family siya. Kasi si mommy guard, meron din siyang community na nagtutulung-tulong sila para sumaya iyung buhay.

"And I think iyung yung dapat meron din tayo. Para kahit anong problema sa paligid na nababalitaan natin, iyung community natin, iyun yung nag-i-stick sa atin na masaya.

"And working with Marvin again after Ex Ex Lovers, masaya dahil ang sarap nung feeling na iyung mga network landscape, nagbabago — nandito pa rin kami.

"Di ba? Mula noon hanggang ngayon, at maraming salamat siyempre sa mga sumusuporta sa amin. Iyung hindi nagsasawa!”

Sambot ni Marvin: "Iyung iba nga, hindi na makasigaw, o!"

Hirit ni Jolens: "Huwag kang maingay…"

Tili nang tili ang MarJo fans, kilig na kilig sa banter ng kanilang idols. Kasama sa cast ng Mommy Guard sina Amo Wilding, Nathalie Apollo, Cedrick Juan, Dominic Ochoa, Roxanne Guinoo, Susan Africa, Soliman Cruz, Claudia Enriquez, Pearl Gonzales, at Ruby Ruiz, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mommy Guard, starring Jolina Magdangal and Marvin Agustin, will premiere on TV5
Mommy Guard, starring Jolina Magdangal and Marvin Agustin, will premiere on TV5.
Photo/s: @tv5manila Instagram

Read: Explainer: What Cardinal Tagle's new Vatican role means

GORGY RULA:

Nasa apatnapu ang mga artista sa Mommy Guard, obvious na malaking production ito. Hindi puchu-puchu, kaya nga pumasa sa pamantayan ng Netflix.

Nakaramdam ba ng pressure ang mga bidang sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal? Malaki ang responsibilidad nila, ikanga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawang pahayag ni Marvin: “Kanina wala kaming pressure. Ngayon meron na. Kinabahan na ako. Anak ng teteng, o!

"May kaba siyempre. Pero sure ako, magugustuhan ninyo ito. Dahil nung ginagawa namin nina Direk Roman bawat eksena, parang ang linaw kasi nung intensyon, e. Pasayahin iyung mga tao.

"So, habang ginagawa namin ito, iyun ang nasa utak namin, iyun lang ang energy namin — makapagpasaya ng tao.

"So I think if you have that intention for our viewers and our audience, I think mag-e-enjoy at masisiyahan talaga sila."

Pinag-usapan ba nila na level-up ang gagawin nila this time?

Sagot ni Jolina: "Hindi talaga kami nag-usap na parang kung dapat na upuan o ano talaga, pero nararamdaman namin na dapat iba rin ito sa Ex Ex Lovers na ginawa namin.

"Tapos iyun din, katulad ng sinabi ni Marvin, ang intensyon namin ay magpasaya ng tao.

"At ito, hindi sa pelikula na isang upuan lang mapapanood. So series siya, e. So kaya dapat intentional dahil matagal mo siyang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayaw na namin iyung parang… ‘O di kung umokey, okey. Kung hindi, sorry.’ Ayaw na namin ng ganun.

"Lahat ngayon ay para sa ikakabuti ng lahat, sa ikakabuti ng show. So kung kailangang trabahuhin, trabahuhin.

"And pag may nakikita kami na, ‘Teka, baka may isang part dito na hindi okey,’ pinapag-usapan namin ni Marvin na, ‘Ahh dapat, ayusin natin ito.’

"As in hindi namin binabale-wala. Pinapag-usapan talaga namin."

Jolina Magdangal and Marvin Agustin share secret to the longevity of their loveteam
Jolina says she makes sure she tells Marvin whenever she feels like there's something he needs to know that might affect their dynamics on and off cam.
Photo/s: @tv5manila Instagram

Read: Has Sarah Lahbati hard-launched her rumored new boyfriend?

JOLINA MAGDANGAL AND MARVIN AGUSTIN ON MARJO MAGIC

NOEL FERRER:

Bago ang Q&A ay pina-preview ang first two episodes ng Mommy Guard. Kita na may magic pa rin sa screen ang MarJo tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Saan kaya galing ang magic ng kanilang chemistry?

“Siguro sa ano, yung pagiging totoo namin sa isa’t isa. Best friends talaga kami nito, e,” tugon ni Jolina.

Singit ni Marvin: “Best friend lang?” Kilig-kiligan siyempre ang MarJo fans, hiyaw to the max.

Sey pa ni Jolens: “Oo, yung siguro, tingin ko ganun, ha? At saka hindi kami… ako, pag may nararamdaman ako na feeling ko baka makaapekto sa pupuwede naming gawing eksena o kaya sa relationship namin as magkaibigan, kailangang ikuwento ko sa kanya.

“Tapos pag meron akong kailangang magpaturo sa something or anuman, sasabihin ko sa kanya.

“And nararamdaman ko rin lagi ang sincerity ni Marvin. Kaya siguro… hindi ko alam. Ewan ko, ayoko ngang malaman kung ano ang magic na yun.

“Kasi baka pag nalaman, e, mawala na siya.”

Napangisi si Marvin: “Parang alam ko yung magic. Kasi, minsan pag nag-eeksena kami ni Jolina tapos titingnan niya ako, parang yummy na yummy siya sa akin.

"Parang… naa-absorb ko tuloy! Tapos sasabihin ko, ‘Ang yummy ko siguro talaga!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Iyon…”

Totoo ba iyon? Nakakunot-noong sabi ni Jolina: “Hindi naman ako mahilig sa yummy!”

Tanong ni Marvin: “Bakit mahilig ka sa akin?”

Mabilis na sagot ni Jolina: “Hindi ko alam. Siguro ano, eto ang isa na hindi ko talaga maalis-alis sa sarili ko, na pag si Marvin, meron siyang sinasabi sa akin na alam ko naman na nambobola, pero parang patol na patol talaga ako…

“Parang ganun, patol na patol na patol talaga ako!”

Kinikilig ba sila kapag napapanood ang mga eksena nila together?

Pag-amin ng 47-anyos na si Jolina: “Ako, oo. Oo, kinikilig pa rin ako sa Marvin-Jolina na loveteam.

“Kasi, yun siguro isa pa yung magic na yun, na pag hindi na ako kinilig, naku, teka lang! ‘Baka may something na ito.’

“So, iyun ang mga sikreto ng magic.”

Parang mahal pa rin ni Marvin si Jolina?

“Siyempre naman. Mahal na mahal na mahal ko si Jolina. Alam niya iyon,” saad ni Marvin.

“Kaya yummy na yummy naman siya sa akin. No, I guess, pareho kaming fans ng MarJo, ng loveteam.

“Kaya ganun din ang pag-iingat namin doon sa loveteam na nabuo namin mula noong ‘90s hanggang ngayong 2026 na.

“Thirty years na naming inaalagaan ito. At saka alam mo kasi iyung feeling ng yung ganito, yung saya, yung kilig at napapatawa at napapakilig namin sila.

“That’s something that actually we’re very, very thankful na nararamdaman nila sa amin ito.

“And I guess iyun yung iingatan namin na sana, yung tinginan lang namin, kikiligin na sila. So it’s actually a blessing, yung nagagawa namin iyan sa kanila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal and Marvin Agustun share secret to longevity of the magic of the MarJo loveteam.
PHOTO/S: @tv5manila Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results