JERRY OLEA:
Nag-preview ang first two episodes ng Mommy Guard noong Oktubre 9, 2026, Biyernes sa MVP Studios, Sheridan St., Mandaluyong City. Tinilian din ng kilig-kiligang fans ang mga eksena ng binatang kuya guard (Cedrick Juan) at single mom na si Tina (Jolina Magdangal).
“Yeah, may love interest din po kay Miss Jolens,” sambit ni Cedrick.
Ang dalawa pang love interest ni Jolina ay ang mga ka-contemporary nito na sina Marvin Agustin at Dominic Ochoa.
CEDRICK JUAN ON WORKING WITH JOLINA MAGDANGAL
Hindi ba masyadong bata si Cedrick para magkagusto sa karakter ng 47-anyos na si Jolina?
“Well, siguro naman po, pagdating sa bagay na iyon, as long as, in general, consensual at nasa tamang age, marami naman pong nangyayari na ganyan,” pagmamatwid ni Cedrick.
“Na merong malaking gap din naman. Siguro hindi naman yung sobrang malaki na parang menor de edad pa or hindi pa nade-develop iyung frontal lobe na sinasabi nga nila, nade-develop once na 26 na iyung mga tao.
“I think, OK lang naman. And it’s a love interest din naman. Kumbaga, as adults din naman.
“As long as consensual and nandoon iyong respect to each other, I think that’s OK.
“And also siyempre, iyan din po iyong ano, pinapakita sa Mommy Guard, na parang love is love, as long as andiyan iyung consent and respect, and you love each other.”
Mas madali ba para sa kanya ang ganitong project na parang light lang? Itong Mommy Guard, parang romcom lang, pakilig-kilig lang…
“Sa lahat ng mga genre naman, parang wala namang ‘lang.’ Pare-parehas naman siya na talagang meron kang challenges na haharapin,” saad ni Cedrick.
“Oo, sasabihin natin na light siya kasi it’s an afternoon show, pero iyung being light naman kasi, merong kalakip na challenges pa rin naman iyon kahit sabihin nating ikumpara mo siya sa mga drama or sa historical or anything na kung paano natin nakikita iyung ibang genre na mabigat.
“Pare-parehas lang siya. I mean, magkakaiba lang siya ng challenges.”
Kumustang katrabaho si Jolina?
“Ay! Sobrang gaan po katrabaho po ni Miss Jolens. As in sobrang generous po niya na co-actor,” pagsisiwalat ni Cedrick.
“Iyun po iyong masasabi ko sa kanya na parang alam niya kung ano iyung ginagawa niya. Na parang hindi kailangan na laging nasa linya iyung nais ipahiwatig ng karakter.
“Alam niya iyung mga nuances ng subject kaya masarap siyang kabatuhan at kasama sa mga eksena.
“Nakikita ko iyung professionalism ni Miss Jolens, at kitang-kita ko po iyun every day lalo na pag nasa set. Alam niya ang gagawin niya, kaya pa na niyang mag-joke.
“Alam mo iyun? I think iyung mga ganoong bagay, doon mo masasabi na alam na niya iyung bawa’t sulok ng industriya. “At the same time, kilala niya ang sarili niya sa pagiging aktor.”
Mapapanood ang Mommy Guard umpisa Oktubre 16, 2026, Biyernes, sa Netflix. Eere iyon simula Oktubre 19, Lunes-Biyernes ng 2:30 P.M. sa TV5 at ABS-CBN platforms.
Kabilang pa sa cast ng Mommy Guard sina Amo Wilding, Nathalie Apollo, Cedrick Roxanne Guinoo, Susan Africa, Soliman Cruz, Claudia Enriquez, Ruby Ruiz, Celyn David, Inah Evans, Ian Mark Kamangkang, at Tabs Sumulong.
Ang director ay si Roman Perez Jr.
Read: Sarah Lahbati celebrates birthday with rumored BF Mikhail Schemm
NOEL FERRER:
Diretsong sinabi ni Cedrick Juan na hindi siya magkakagusto romantically sa mga kaedad ni Jolina Magdangal dahil kasal na siya kay Kate Alejandrino, at meron na silang anak.
What if binata pa siya? Puwede ba siyang magkagusto sa older woman?
Natigilan si Cedrick bago sumagot: "Hindi ko po masasabi, kasi wala na po ako sa ganoong posisyon sa buhay ko. Pamilyado na po ako.
"Subjective po kasi iyung ‘magkakagusto.’ I think siguro mas parang iniidolo. Parang mga ganun kesa iyung sabihin natin na romantic.
"Parang hindi pa po ako nagkaroon ng ganoong klaseng experience sa buhay."
Idiniin ni Cedrick na nakatutok siya sa family life.
Lahad niya, "And as I said, parang hindi na siya sumasagi sa isip ko because of me being a married and a father na.
"Mas focused ako sa trabaho and have time with my family and magkaroon po ako ng mga rest days.”
Nakaka-good vibes iyong Facebook post ni Cedrick noong Setyembre 30, kung saan nakalaagay ang photos ng family bonding nila sa Botolan, Zambales.
Post ni Cedrick: “Pahinga. Those reactions. Dadating ang panahon na ikaw na ang aalalay sa amin ni mama maglakad.
“Ang bigat na daw ng diaper niya. My life in one frame. His favorite drink, fruit shakes!
“His first attempt to do sand castle. 15-month-old Weeyow! Ang laki mo na anak!
“His little treasure. To be this curious and innocent. Wow. Pagod siya e.
“Parang dalawang taong namiss ang isa’t isa. Can you see it?”
Read: McCoy de Leon working hard to provide for daughter Felize
CEDRICK JUAN ON WIFE KATE AND SON ROCIO
GORGY RULA:
Na-enjoy ni Cedrick Juan iyong beach bonding niya sa kanyang mag-ina.
“I think sa trabaho po kasi namin bilang artists and bilang actors, very important po na mai-balance namin iyung buhay namin,” lahad ni Cedrick.
“Kasi po siyempre katulad ng lagi po kaming humaharap sa maraming tao, and at the same time, lagi naming pine-present ang sarili namin sa camera.
“And sa ngayon po, I’m super thankful na nandiyan ang mga trabaho at marami pa rin po ang nagtitiwala sa akin.
“It’s very important to balance it, kasi nga siyempre may maliit na baby na naglu-look up sa iyo na, ‘Ahh si Papa! Lumalaki na ako pero andiyan pa rin iyung time niya para sa akin.’
“And then ganoon din po sa asawa ko, si Kate, na ma-balance po. Na hindi lang siya puro trabaho.
“Iyun po ang gusto kong laging magawa sa life ko para po pag nasa bahay ako, alam ko na connected pa rin ako sa asawa’t anak.”
Ilang anak ang plano nila ni Kate?
“Ay! Naku po, dyusko! Sa inflation po na nangyayari sa atin, sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas, sa kaguluhan ng gobyerno natin, I don’t think more than one ang baby is sustainable,” tugon ni Cedrick.
“Kahit na po sabihin natin na bumababa ang fertility rate at birth rate ng Pilipinas.
“Pero dapat ayusin ng gobyerno muna iyung mga basic necessities natin para i-expect nila na okey lang sa mga Pilipino na mag-anak.
“Napakahirap po ng buhay ngayon.”
Ano ang pinaka-challenging na experience niya bilang tatay?
“I think ang pinaka-challenging po ay iyung shift from before na I’m just minding my career, myself and my immediate family,” pagtatapat ng premyadong aktor.
“Ngayon po kasi, I have to build my own family. So iyun po iyung challenges doon. Pero masarap po siya na challenges.
“I think lahat naman po ng magulang, makaka-relate po sa bagay na iyon.
“Na parang nandoon iyung hirap ng bagong chapter sa buhay pero alam mo na magiging worth it siya eventually.
“Because alam mo na naging hands on ka and iyung intention mo is always there to make your family better.”
