GORGY RULA:
Sunud-sunod na ang pamamahagi ng parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Nauna ang 9th Eddys nung July 5, 2026 sa Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts sa Pasay City. Katatapos lang ng 49th Gawad Urian noong Oktubre 8, Huwebes, sa De La Salle University, Taft Ave., Manila.
Susunod ang 28th Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) sa Oktubre 22, Huwebes, sa Abbot Lopez Hall ng San Beda St., Mendiola St., San Miguel, Manila.
Ang 42nd PMPC Star Awards for Movies ay sa Oktubre 25, Linggo, sa Winford Resort and Casino Manila.
Ang 74th FAMAS Awards ay sa Oktubre 27, Martes, sa Manila Hotel. At ang Luna Awards ay sa December 10 pa nakatakda.
Sa Eddys at Urian ay panalo sina Jericho Rosales (best actor for Quezon), Maris Racal (best actress for Sunshine) at Will Ashley (best supporting actor for Bar Boys: After School).
At mukhang may laban sila sa mga susunod na awarding.
Kaya nung nakaraang Gawad Urian, tinanong namin ang winners kung sumagi ba sa isip nilang posibleng maka-grand slam sila.
WILL ASHLEY
Tinanong namin iyon kay Will sa nakaraang mediacon ng Delivery Boi, dahil hindi siya nagtagal sa Urian.
Ani Will: “Pinagpe-pray ko actually. Pero let’s see, let’s see. Pero happy ako na nagampanan ko nang maayos ang character ni Arvin Asuncion.”
Natutuwa lang daw si Will, dahil ang dami raw talaga ang nagdadasal na ma-grand slam niya ang kategoryang best supporting actor.
Kaya tuluy-tuloy ang pasasalamat niya sa Panginoon sa mga blessings na ibinibigay sa kanya.
“Nakakatuwa po. Kagaya rin ng sinabi ko kagabi, araw-araw talaga ako sinosorpresa ng Panginoon sa mga dating pangarap ko, natutupad na,” sabi pa ni Will.
Read: Gelli de Belen clarifies her position on Jennylyn-Patrick issue
JERICHO ROSALES
NOEL FERRER:
Hindi lang tayo, kundi marami pa ang umaasang ma-grand slam din ni Jericho Rosales ang best actor category para sa Quezon.
Ayaw raw niyang isipin ang ganung idea na maka-grand slam.
“I don’t know,” bulalas ni Echo.
“I always just look it as big big bonus. And, of course, pagdating na ng awards night, you know, validation siya ng hard work.
"And it’s always nice to be seen and always nice to be recognized.
“So, it’s a great thing you know. Pero, siyempre hindi ko masyadong ini-stress yung sarili ko sa mga bagay na ganyan.”
Marami raw siyang dapat ipagpasalamat at ipagdiwang sa ganitong blessing.
“This is a celebration and I always celebrate, you know, my work, my job and everything with myself, with my family, with my team.
“We celebrate almost every day. Little or big win, we’ll just celebrate. So, thank you, Urian. Thank you sa mga Manunuri,” napangiting pakli ni Jericho.
Read: Paolo Contis comments on Yasser Mata, Robb Guinto breakup
MARIS RACAL
JERRY OLEA:
Si Maris naman na hinuhulaang masusundan pa itong best actress award niya for Sunshine, marami raw ang nagdadasal para sa kanya.
“Ay naku! Iniisip yan ng mga friends ko. Ngayon pa lang happy na ako na may Urian ako. This is a dream come true,” bulalas ni Maris.
Wala pa rin daw nabago sa kanya pagkatapos nitong mga awards na natanggap niya.
“I still feel the same. Gutom pa rin na aktres na handang matuto. Kaya yun! “Excited lang sa mga upcoming na gagawin ko,” napangiting sabi ni Maris.
