GORGY RULA
Ilang beses nang na-experience ni Sylvia Sanchez ang rumampa sa Cannes International Film Festival sa France, pero iba pa rin daw sa kanya ang maikot ang ibang international filmfests.
Isa na rito ang dinaluhan niyang 31st Busan International Film Festival (BIFF), na ginanap mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 15, 2026 sa South Korea.
Dala nila ang pelikulang Ria na idinirek ni Arvin Belarmino.
Ang pag-aari ng pamilya ni Sylvia na Nathan Studios ang producer ng Ria, na nasa official selection ng Vision Asia Competition-Discovery category ng BIFF.

Na-experience din ni Sylvia rumampa sa red carpet ng BIFF kasama ang mga bida ng Ria na sina Nour Hooshmand at Kevin Regalado, pati ang cinematographer na si Jellen Geviane De Vera.
Bukod sa pagiging producer ay kasama rin kasi sa cast si Sylvia.
NATHAN STUDIOS MOVIES IN INTERNATIONAL FILMFESTS
Sa totoo lang, lalong nai-inspire ngayon si Sylvia sa pagpo-produce ng pelikula ng kanilang Nathan Studios.
Karamihan sa mga ginagawa nilang pelikula ay napapansin sa international film festivals.
Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang kanyang I’mPerfect na pagkatapos mag-best picture sa Metro Manila Film Festival 2025 ay nominado rin sa iba't ibang award-giving bodies.
Matunog na itong I’mPerfect ang Movie of the Year sa 42nd PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa Oktubre 25, Linggo, sa Winford Hotel Manila.
Llamado rin daw ito sa mga kategoryang Movie Director of the Year para kay Sigrid Andrea Bernardo (katabla raw si Lester Pimentel Ong para sa The Delivery Rider), Movie Supporting Actress of the Year para kay Sylvia, at New Movie Actress of the Year para kay Krystel Go.
Kaya tuluy-tuloy ang paggawa nina Sylvia ng pelikula.
Bukod sa Ria na co-produce ng Nathan Studios, kasali rin ang Japanese film na Nagi Notes na nagkaroon ng special screening sa Icons section ng BIFF.
Isa rin ang Nathan sa producers ng Nagi Notes.
“Ito yung movie na in competition last May sa Cannes. Hindi ko lang napuntahan ang red carpet at screening namin doon dahil na-hospital si Art [Atayde, Syvia's husband]. Eksakto ng date ng punta ko sana ng Cannes,” text sa amin ni Sylvia.

Co-producer din ang Nathan sa pelikulang Filipiñana na entry ng ating bansa sa Best International Film Feature ng 99th Academy Awards o Oscars.
Itong Filipiñana ay tampok din sa A Window on Asian Cinema section ng Busan.

Kaya tuluy-tuloy lang daw ang pakikipag-collaborate niya.
Sabi naman ni Sylvia, artista pa rin siya. Tuloy pa rin ang pag-arte niya.
Pero hindi raw siya titigil sa pagpo-produce ng pelikula lalo na’t makipag-partner sa ibang international film productions.
Excited siya sa mga susunod na gagawin ng Nathan Studios.
ANOTHER APO FOR SYLVIA
Pero ang isa sa ikina-excite ng premyadong aktres ay ang pagiging lola niya uli.
Natawa na lang siya nang hiningan ko ng reaksiyon sa magiging pangalawang anak nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
“Masaya ako siyempre! Gusto ko madaming apo talaga hahaha!” text niya sa PEP Troika.
Read: Zanjoe Marudo reveals wife Ria Atayde is pregnant with Baby No. 2
JERRY OLEA
Nasa Busan si Sylvia Sanchez kaya hindi niya nasamahan ang dalawang bida ng I’mPerfect na sina Krystel Go at Earl Jonathan Amaba sa 49th Gawad Urian noong Oktubre 8, Huwebes sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila.
Inaasahan nating dadalo sina Sylvia at Krystel sa 42nd Star Awards for Movies kung saan matunog na winners sila.
Sa 74th FAMAS Awards sa Oktubre 27 sa Manila Hotel, nominado ang I’mPerfect sa mga kategoryang best picture, best director (Sigrid Andrea Bernardo), best actress (Krystel Go), best actor (Earl Jonathan Amaba), at best cinematography.

Sa Disyembre 10 pa nakatakda yung rebooted Luna Awards.
As we write this ay hindi pa naglalabas ng mga nominado ang Film Academy of the Philippines (FAP).
Hindi pa napapagpasyahan ng Multi-Media Press Society of the Philippines (MMPRESS) kung tuloy ba o hindi ang pagbabalik ng Golden Screen Awards this year matapos ang kanilang Dekada Awards 2026 noong Oktubre 4 sa MMFF Auditorium, MMDA Head Office, Pasig City.
Nakumpirma namin sa isang showbiz insider na hindi tuloy ang pamimigay ng awards this year ng AKTOR-League of Filipino Actors.
Sa halip, magkakaroon ng sportsfest ang AKTOR this November.
Hopefully, hindi iyon kasabay ng National Guild Summit sa Nobyembre 20 at 21, maging sa MMFF 2026 Celebrity All-Star Pickleball Tournament sa Nobyembre 29.
Tama ba yung naulinigan naming sa Pebrero 28, 2027 gaganapin ang awards ceremony ng AKTOR?
Read: October Awards Rush: Golden Screen, Urian, FAMAS, Star Awards
NOEL FERRER
Salamat kay Sylvia Sanchez sa suporta niya sa lahat ng proyekto ng MMFF 2026, at ang balita ko ay makakasama namin siya sa pagpunta sa Bacolod City para sa Student Caravan.
I have nothing but appreciation sa malasakit ni Ibyang sa mga manggagawa sa pelikula. Alam niya ang sitwasyon natin sa showbiz kasi dito siya nanggaling!
Buti na lang at may oras siya sa pamilya niya, na alam kong mahal na mahal niya!
I was just reviewing my calendar for the next months at talaga namang nakakawindang na ang activities.
Ang daming kailangang asikasuhin para sa industriya natin, at bayan, Your Honor!
Read: MMFF history: Who are the record-holders for top acting awards?
