PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WilBea's Pee Mak projected to earn PHP5M on opening day

Pee Mak hopes to win audiences with comedy, horror, and romance.
by PEP Troika
Published 9 hours ago
pee mak box office
The Philippine adaptation of the Thai hit Pee Mak, starring Wilbert Ross and Bea Binene, opens in more than 200 cinemas on October 14. Sources cited in the report estimate that the comedy could gross up to PHP5 million on its first day, although the figure has not been confirmed.

GORGY RULA

Nagbukas ang Pinoy adaptation ng Thai movie na Pee Mak sa mahigit 200 cinemas nitong Oktubre 14, 2026, Miyerkules.

Bida rito ang tambalang WilBea na sina Wilbert Ross at Bea Binene ng Viva Films, at idinirek ni Victor Villanueva.

Base sa ipinakitang suporta ng fans sa premiere night ng pelikula nung Lunes, na-curious kami kung magpapakita rin ba ito ng lakas sa takilya.

Malaking bagay ang first day of showing dahil puwedeng magpa-trending kung lalakas ang kahit isang linggong showing lang nito sa mga sinehan.

Saka nakakaaliw ang Pee Mak.

Pangmasa ito kaya baka magustuhan ng mga manonood at magkaroon ng word of mouth.

Ayon sa nasagap ng PEP Troika sa ilang reliable sources, kung madadagdagan pa ang night crowd ng Pee Mak, baka umabot sa PHP5M ang first-day earnings nito.

Hindi pa ito kumpirmado, pero marami raw ang nanonood at mukhang itinodo ng WilBea fans ang suporta sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin sa mga susunod na araw kung lalakas pa ito.

GIAN BERNARDINO AND CUP OF JOE SONGS

Bukod kina Wilbert at Bea, maaaring makatulong din si Gian Bernardino ng Cup of Joe.

Bahagi si Gian sa pelikula, kung saan nakipagbardagulan din siya kina Wilbert, Vandolph Quizon, Jairus Aquino, at TJ Valderrama.

Ang isa pang plus factor ay ang mga kanta ng Cup of Joe.

Ilang beses nagamit sa pelikula ang kanta nilang "Multo," at meron pa silang ginawang original song kasama si Wilbert.

Ani Gian: “Yung sinulat po namin ni Wilbert na OSD yung 'Handa Akong Subukan,' saka yung song po naming 'Multo.'”

Na-enjoy raw ni Gian ang comedy kaya sana ay masundan pa raw ito.

“It’s been a dream come true. Kaya, I’m hoping for more projects po siyempre,” sey ni Gian.

Tinanong siya ng PEP Troika kung tuluy-tuloy na ba ang pag-arte niya sa pelikula.

“Opo. Tuluy-tuloy pa rin po,” sagot ni Gian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
pee mak theaters

LIKE FATHER, LIKE SON

Malaki ang naitulong ng grupo nina Wilbert, Vandolph, TJ, Gian, at Jairus sa pelikulang Pee Mak.

Isa sa talagang nakakatawa ay ang biglang lips-to-lips nina TJ at Jairus.

Si TJ ang isa sa nakakatawa sa pelikula.

Kuwela rin si Vandolph na halos iisa ang obserbasyon naming nakapanood sa nakaraang premiere night.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parang style ng namayapang Comedy King na si Dolphy ang style ng pagpapatawa ni Vandolph.

Nanood din doon ang ina ni Vandolph na si Alma Moreno at agree siya sa naobserbahan namin.

“Actually, may ano siya, hawig sa tatay niya talaga,” bulalas ni Alma.

“Pero ang ganda! Ang ganda ng movie. Sobrang nakakatawa at saka yung about love yung pa-ending,” sabi pa ni Alma.

Malaking bagay raw ang galing magpatawa ng buong cast.

“Oo. Kaya pag lima sila, di ba? Ang galing! Pati yung timing nila. Ang ganda na-guide sila ng arte nila. Tawa ako nang tawa,” sabi pa ni Alma.

Hiningan namin ng reaksiyon dito si Vandolph.

Ani Vandolph: “Alam niyo naman po ever since, I work with my dad. Pero in my own way.

"I cannot be Dolphy. Tatay ko lang.

“Pero proud ako na nakikita sa akin ng nanay ko yun. So, just continue his legacy in my own way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Proud ako na masaya sila. Thank you po.”

Read: MMFF 2026 last four films announced

NOEL FERRER

Pagkatapos ng screening ng Pee Mak noong premiere night, nagbigay ng mensahe sina Wilbert Ross at Bea Binene sa lahat na mga sumuporta nung gabing yun.

“Siyempre thank you so much sa Viva sa pagtitiwala sa amin. And it’s an honor na makatrabaho kayo, grabe,” itinuturo ni Wilbert sina Vandolph, Jairus, TJ at Gian.

“Kay Direk Victor at sa lahat ng team behind the camera. Grabe ang pinagdaanan namin, and mahal namin kayo.

“Ayun! Maraming salamat guys!” dagdag ni Wilbert, na nagpasalamat din sa ka-tandem niyang si Bea.

Sabi naman ni Bea: “Maraming salamat po sa pagpunta. Sana nagustuhan nyo po yung pelikula, and again ahhh to Viva, maraming salamat po.

“And I really just want say thank you sa team,” at binanggit din ni Bea ang director of photography dahil sa magagandang kuha niya sa kabuuan ng pelikula.

Special mention din ni Bea si Gian Bernardino na pinuri rin sa pelikulang ito.

Pahayag ni Bea: “Lagi kong niyayabang na si Gian, aktor, hindi lang singer. Naks! Aktor!

“Comedian! Naks! Congrats, Gian!

"Of course Pee Mak is not complete without Mak [Wilbert]. Ako si Penang, siya si Mak.

“Congrats!” nag-high five sila ni Wilbert, at nagkahawak-kamay na.

“Maraming salamat po to our friends in media. To our friends, maraming-maraming salamat.

“We really ask for your help, for your support in promoting and spreading the word that Pee Mak Philippine adaptaion is here and, hopefully, it’s something that’s worth it.

“Hopefully, it’s something that kayang makisabay sa ibang bansa, kayang makisabay sa ibang versions, kayang makisabay sa ibang adaptations.

“And I hope, it’s something that can make the Philippines proud. Maraming-maraming salamat po,” sabi pa ni Bea.

Read: Bea Binene-Wilbert Ross tandem tests star power in Pee Mak

JERRY OLEA

Setyembre 23, 2026 nag-open sa local cinemas ang animated film na Forgotten Island.

Nang sumunod na Miyerkules, Setyembre 30, nag-open sa local cinemas ang Always Yours, Never Mine starring Julia Barretto, Joshua Garcia, and Bianca Umali.

Ang press release ng ABS-CBN, as of October 11, Sunday, ay naka-PHP100M na raw ang bagong JoshLia movie.

Ayon pa sa ABS-CBN, magkakaroon ng international screenings ang pelikula sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia at New Zealand sa Oktubre 22; US, Canada, at Guam sa Oktubre 23; UK at Austria sa Oktubre 31; France, Italy, at Spain sa Nobyembre 1.

FORGOTTEN ISLAND: NO. 1 FOR THREE WEEKS STRAIGHT

Pagbabando ng Universal Pictures PH sa Facebook, three weeks straight na No. 1 sa takilya ng Pilipinas ang Forgotten Island.

Third week in a row raw na ito ang nangunang pelikula sa box-office ng lupang hinirang.

“Salamat, Pilipinas, sa walang sawang suporta at pagmamahal sa kuwentong atin. TAYO NA, PHILIPPINES!” sabi pa sa FB post ng Universal Pictures PH.

forgotten island

NOW SHOWING

More and more ang movies na nag-open nitong Oktubre 14, Miyerkules sa local cinemas.

Ayon sa FB post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), ang mga ito ay 2 Valid IDs (PG), Beware Boiuna (R-16), Pee Mak (PG), Street Fighter (PG), Whalefall (PG), Killing Machine (R-13), When Evil Lurks (R-16), The Intern [Korean version] (PG), at Godzilla Film Festival (PG).

Exclusive sa SM cinemas yung The Intern at limang Godzilla movies na Mothra vs. Godzilla, Godzilla vs. Biollante, Godzilla 2000, Godzilla Final Wars, at Shin Godzilla.

“Tag your movie dates, get your tickets, and have a great time in the cinemas!” paanyaya pa ng CEAP.

godzilla movies

PELIKULA NG BAYAN: SINE50

Samantala, ibinalita ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na gaganapin muli ang Pelikula ng Bayan: Sine50 sa Oktubre 21-27.

Sa halagang PHP50, mapapanood ang ilang pelikulang Pilipino sa Gateway Cineplex, Ayala Malls Cinemas Trinoma, SM Cinema Southmall, at Robinsons Galleria-Ortigas.

Kabilang sa curated selection ng acclaimed Filipino films ang Birdshot, Transit, 12 Weeks, Kun Maupay Man It Panahon, The Boy Foretold by the Stars, at Leonor Will Never Die.

“Rediscover the stories that bring us together for only 50 PHP,” sabi pa sa FB post ng FDCP nitong Oktubre 14, Miyerkules.

Read: MMFF history: Who are the record-holders for top acting awards?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine adaptation of the Thai hit Pee Mak, starring Wilbert Ross and Bea Binene, opens in more than 200 cinemas on October 14. Sources cited in the report estimate that the comedy could gross up to PHP5 million on its first day, although the figure has not been confirmed.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results