JERRY OLEA
Ikalimang ini-announce ang one-act play ni John “Sweet” Lapus na True To Life sa 12 finalists ng Puregold Teatro Panalo noong Oktubre 14, 2026, Miyerkules, sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
“Salamat, Teatro Panalo, di ako huli! Kasi ihing-ihi na ako!” bulalas ni Sweet.
“Kabang-kaba na ako. Honestly, Dyusko, kagabi nagpraktis akong maghimatay-himatayan.
“Isang naka-smile kung pumasok ako pero himatay pa din. Kasi isa, nakasimangot ako pag hindi ako pumasok.
“Hindi ko nagawa pareho. Nagulat kasi ako, sorry! Salamat, Teatro Panalo. At theater is indeed booming, thank you, Lord!
“Sa mga tulad kong playwright na baliw, binigyan niyo kami ng venue para ipakita ang aming kabaliwan.
“Sa makakapanood po ng True To Life, para niyo nang awa, huwag niyo po akong i-judge. Opo, opo!
“May tendency’ng matakot sa akin ang makakapanood nito, or hindi na ako kaibiganin. Magsaulian ng kandila.
“Pero yun lang. Ginawa ko ito dahil gusto ko lang mapasaya lahat ng mga manonood.
"Thank you, thank you! Naku, nanginginig ako! Ano ba yan?!”

JOHN LAPUS' JOURNEY as a playwright
Matapos ang announcement at group photos ng mga mandudula ng inaugural Puregold Teatro Panalo, nagkukumahog na lumabas para mag-CR si John.
Afterwards ay nakatsikahan siya ng PEP Troika.
Kabadung-kabado nga raw siya kaya nanginig siya.
"Lotlot" muna si John sa CCP Virgin Lab Fest bago nakapasok ang dula niyang Taksyapo! na itinanghal noong nakaraang Hunyo sa CCP Black Box Theater o Tanghalang Ignacio Gimenez, kung saan bida sina Christian Bables at Mosang.
“Di ba? So, may ganun akong way of thinking, di ba? Siguro, ano ba?! Siguro nakatulong na pumasok ako sa Virgin Lab Fest this year,” sambit ni Sweet.
“Because of my experience sa Virgin Lab Fest na pumasok yung Taksyapo!, alam ko na yung gusto ng tao. ‘Ahhh gusto nIyong tumawa?! Ahh yun talagang nauubusan ng hininga na tawa?! Eto, isa pa!’
“Basically, iyon yung inspiration ko kung bakit sinubmit ko rin ito. Honestly, balak kong i-submit din ito sa Virgin Lab Fest.
“Hindi ako umabot sa deadline! So, parang February 28 nag-deadline yung Virgin Lab Fest for next year, parang may ginagawa ako nung February.
“So cut to after a few months, biglang nag-announce ito. Wow, bagong festival! Teatro Panalo! So, sige nga, dun ko na lang isinubmit.
"And thank God, nakapasok naman tayo ulit.
“So I’m so happy, napakagandang balita and again, sabi ko nga, theater is booming.
“And to be part of it, to be part of my first love na booming ngayon at kasali pa rin ako dito sa first love ko, 30-plus years na akong nagte-theater and I’m so happy at hindi ako nagkamali ng first love.
“At minahal ko ang teatro ever since.”
Read: John Lapus finally breaks into Virgin Lab Fest main lineup
GORGY RULA
Ipinagtapat John “Sweet” Lapus na may pangalan sanang babanggitin sa dulang Taksyapo! pero minabuti niyang tanggalin yon para hindi magkagalit-galit.
Sa dulang True To Life, meron bang ine-name drop na posibleng magpasiklab ng intriga o kontrobersiya?
Natigilan nang ilang saglit si Sweet bago sumagot: “Wala. Ayun, sinabi ko na, wala.
"You know, at the end of the day, sinulat ko lang naman ito para makapag-entertain.
“So kung magbabanggit pa ako ng pangalan, e, di parang nagpagalit pa ako, nagpalungkot pa ako ng tao. Hindi na, graduate na tayo diyan.
“And as a matter of fact, itong Taksyapo!, is a much needed closure of my past experience.
“So, parang ibinabato ko na sa hangin at ipinapasa-Diyos ko na ang lahat. So wala, ito, ano na lang ito... based on a personal experience 20 years ago.
“So, matagal na akong nakapag-move on. Ginawa ko na lang ito dahil gusto kong makapag-entertain, gusto kong sumali rito.
“At basically, also to tell my truth. Na nangyayari talaga ito, nangyari sa akin. Puwede ring mangyari sa inyo.
“So ano ang dapat gawin kapag nangyari sa inyo ito? I always make it a point, other than magpatawa sa mga play na ginagawa ko, gusto ko may learnings. Importante sa akin yon."
DEPRESSION AMONG MEMBERS OF LGBTQIA+ COMMUNITY
Pagpapatuloy ni John: “Especially to the LGBTQIA+ community. Actually, ang nag-trigger sa akin to do Taksyapo! and True To Life, may nabasa akong research, yung Trevor Project.
“Na 40 percent of the LGBTQIA+ community suffers depression which is bothering for me.
“Ha!? Mga bakla, masayahing tao, di ba? Tayo ang nag-e-entertain, tayo ang nagpapaligaya, tapos all along, 40 percent nung mga bakla sa Pilipinas ay dumadaan sa depression?!
“May mental health problem. Anong nangyari?! Bakit ganun?! And then looking back, and ngayon realizing, oo nga, 'no?
“Kasi ang bakla, masayahin. May facade na ipinapakitang mataray, masaya lang. So, pag may pinagdadaanan, hindi basta-basta sine-share.
“Hindi basta-basta nag-o-open up kahit sa kaibigan. So basically yun yung… sa Taksyapo!, nag-open up yung main character ko doon na si JM sa stranger na si Maya na bantay ng isang Taksyapo booth.
“Ito namang True To Life, yung aking gay character, finally ay nag-open sa very, very close friend niya.”
Read: Netizens call out Machong Chismisan podcast for mocking Kris Aquino’s son Josh
NOEL FERRER
Puwedeng prequel o sequel ng dulang Taksyapo! itong True To Life?
“Yes, in a way, puwede! Puwede. Kaya doon sa pitching deck namin, pinalagay sa amin doon kung sino ang aming preferred actors,” pagsisiwalat ni John “Sweet” Lapus.
“Ang nilagay ko pa rin ay si Christian Bables at saka si Chamyto [Aguedan].
“Si Chamyto kasi yung pumalit kay Christian nung nagkaroon kami ng one-day run lang dahil binili lang ng Pioneer Insurance, e, hindi na puwede si Christian Bables noon.
“Thank God, so ang aming direktor, si Direk Tuxqs Rutaquio, nakita niya si Chamyto sa audition ng Die Beautiful, na natanggap si Chamyto.
“So sabi niya sa akin, ‘Kilala mo ba yung Chamyto? Nag-audition yan sa Die Beautiful. Magaling siya.’
“Sabi ko, ‘Perfect!’ Kasi si Chamyto, nakatrabaho ko naman na sa Daddy’s Gurl kung saan writer ako. So, alam ko yung kalibre ng kanyang talent.
“So, si Chamyto ang pinalit namin kay Christian doon sa one-day performance ng Taksyapo! sa CCP.
“So ito ngayon, sa True To Life, parang lalayo pa ba kami?! Puwedeng hindi naman same character pero puwede rin namang same.
“So we opted na same na, ilagay mo both Christian and Chamyto. That’s one. Two, sinabi kanina, di ba?
“From the Final 12, may dalawang pipiliin. Isang straight play at saka isang musical, na gagawing full-length.
“So, ang aking play ay may mga provisions naman to become a full-length play. So if ever, it will be three acts.
“So the first act will be Taksyapo! na pumasok sa Virgin Lab Fest. The second act will be this True To Life na pumasok sa Teatro Panalo.
“At yung third act ay gagawin ko pa lamang. So hopefully, pag tayo'y napili na gawing full-length production dito sa Teatro Panalo, gagawin ko na rin siya.
“So, makikita niyo, three acts ng mga play ko.”
TEATRO PANALO FINALISTS
Ang 12 one-act plays ng Teatro Panalo ay itatanghal sa Pebrero 20-Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.
Ang festival organizer ay ang Wishbone Collective Inc.
Ang festival director ay si Vincent de Jesus.
Festival chairs sina Ivy Hayagan-Piedad at Chris Cahilig.
Artistic adviser si National Artist Ricky Lee.
Maliban sa True To Life ni John “Sweet” Lapus, ang 11 pang one-act plays na pasok sa unang Puregold Teatro Panalo ay ang mga sumusunod:
The Girl Scout Law ni Rhain Arabella Alcoriza
Trahedya ng Kamote ni Marjay S. Manalastas
The Boy Foretold by the Stars (One Act Play) ni Dolly Dulu
Nothing But Dreams ni Ricardo C. Novenario
Youngstunna ni Jerom Andrei M. Canlas
Walang Maliit na Bagay ni Joshua Lim
So @HOME nina Edralin Cabrera, Kathlyn Castillo, Michael Ian Lamongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias, at J. Victor Villareal
Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista ni Jude Thaddeus M. Gitamondoc
Baka Mali Ang Tamaraw ni Emmanuel Benbinuto Antonio
Manang-Mana Nga! nina Steven Hotchkiss at Jay Pangilinan
The Fourth Wall Has Fallen ni Heber Justin P. O’Hara
Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode about Josh Aquino?
