PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Filipino films gear up for busy October and November releases

Pee Mak, 2 Valid IDs lead new wave of Pinoy movies.
by PEP Troika
Published 3 hours ago
pinoy movies
Two Filipino films, the horror-comedy adaptation Pee Mak starring Wilbert Ross and Bea Binene and Cinemalaya 2026 top grosser 2 Valid IDs starring Pokwang, opened in local cinemas on October 14. More Filipino releases—including The Fisher, Red Crown, VHS, Remember, Andoy, and Laya—are scheduled for the coming weeks.

JERRY OLEA

Dalawang pelikulang Pinoy ang nag-open sa local cinemas kahapon, Oktubre 14, 2026, Miyerkules.

Ang mga ito ay ang Cinemalaya 2026 topgrosser na 2 Valid IDs, at ang Filipino adaptation ng Thai supernatural horror comedy romance na Pee Mak.

Parehong PG (Parental Guidance) ang rating ng mga ito mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Masaya kami na may dalawang gawang-Pinoy na sine na kabilang sa mga palabas ngayong linggo,” pahayag ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto.

“Inaanyayahan namin ang lahat na magbalik-sinehan, pero tingnan muna ang ratings ng MTRCB para sigurado tayo na angkop sa mga anak natin ang kanilang mapapanood.”

Bida sa Pee Mak sina Wilbert Ross at Bea Binene.

Ito ay binigyan ng PG rating dahil sa supernatural horror, frightening imagery at romantic themes, pati na ang magaspang na pananalita at pagmumura sa ilang mga eksena.

pee mak ph version
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Family drama ang Cinemalaya 22: Reel Reflections festival entry na 2 Valid IDs, kung saan tampok sina Marietta Subong aka Pokwang, Joey Marquez, Zaijian Jaranilla, at Meryll Soriano.

Sabi ng MTRCB, may tema ito ng mga problema na dulot ng kahirapan at kawalan ng patunay ng pagkakakilanlan, na nagtulak sa bida na gawan ng paraan ang medical situation ng kanyang asawa.

Nag-best actress sa Cinemalaya 2026 si Marietta para sa 2 Valid IDs, katabla si Ruby Ruiz para sa Status: Rejected.

2 valid ids cinemalaya 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cinemalaya 2026: Pokwang and Ruby Ruiz tie for Best Actress

GURYON

Sa Oktubre 17, Sabado, ay premiere night ng advocacy film na Guryon sa Cinema 1 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Bida sa pelikula si Zaijian Jaranilla at ang best actress ng 3rd CinePanalo filmfest na si Xyriel Manabat (Stuck on You), sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Prinodyus ito ng Blackfire Entertainment Film Production ni Ms. Alpha Carmina Valdez.

Kasama sa cast nito sina Kanye Avendaño, Ron Angeles, Ruby Ruiz, Ramon Christopher, Ping Medina, Dindo Arroyo, Polo Ravales, Rob Sy, Paolo Serrano, Pekto, Gene Padilla, at Sabrina M.

Ang Guryon ay kuwento ng dalawang magkapatid na lalaki na inabandona ng legal guardians matapos maulila.

Istorya ito ng sakripisyo, pagdadalamhati, unconditional love, at pag-asa.

Wala itong commercial release, sa halip ay mag-i-school tour.

guryon poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE FISHER

Sa Oktubre 21 nakatakdang i-release ng Black Cap Pictures at TEN17P ang The Fisher, kung saan tampok sina Mon Confiado, Enchong Dee, Mercedes Cabral, Heaven Peralejo at Eula Valdez, sa direksyon ni Paul Soriano.

the fisher poster

Facebook post ni Mon noong Oktubre 14 kaugnay sa method acting niya sa pelikula: “Isang buwan bago ang shooting, iniwan ko muna ang mundong nakasanayan ko upang makibahagi sa mundo ng mga mangingisda sa Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Namuhay akong kasama nila. Nakibagay sa kanilang pamumuhay. Nagpaitim. Nagpapayat.

"At higit sa lahat, sinikap kong unawain ang buhay na araw-araw nilang hinaharap — ang dagat, ang hanapbuhay, ang pagod, at ang pakikipagbuno sa buhay.

“Hindi sapat na isuot ko lamang ang damit ni Pedro. Kailangan kong maramdaman, hangga’t kaya ko, ang mundong humubog sa pagkatao niya.

“Dahil para sa akin, ang pagganap ay hindi lamang pagsasabi ng mga linya o pagganap sa harap ng kamera. Ito ay isang proseso ng pag-unawa, pakikinig, at unti-unting pagpasok sa kamalayan ng isang taong ibang-iba sa sarili mo.

“Bago ko siya ganapan, kailangan ko munang kilalanin ang mundo niya. “Isang buwan ng paghahanda. Isang karakter na buong-puso kong niyakap.

“Ako si Mon Confiado. At ito ang naging paglalakbay ko patungo kay Pedro sa THE FISHER.”

Read: Who are the five men in the viral Machong Chismisan episode about Josh Aquino?

NOEL FERRER

Masaya tayo para kina Wilbert Ross at Bea Binene.

Kung mayroong patunay na ang showbiz career ay marathon at hindi sprint, sila yun.

Si Wilbert, galing sa ABS-CBN bilang Hashtags member. Sumayaw, kumanta, nag-artista, pero hindi talaga ibinigay sa kanya iyung big break sa mother network.

Si Bea naman, batang-bata pa lang ay nasa GMA na. StarStruck Kids, all the way to teen dramas, pero paglaki, medyo naipit siya sa transition from child wonder to leading lady.

Ang maganda sa dalawang ito, HINDI TUMIGIL.

Hindi nag-emote, hindi nag-demand. Nagtrabaho lang nang nagtrabaho.

Lumipat ng bakuran, kumapit sa Viva, at binuo ang sarili nila from University Series, to Golden Scenery of Tomorrow, to Love U Lots.

Kaya itong Pee Mak, malaki ang ibig sabihin.

Hindi lang ito basta first movie nila together.

Ito yung patunay na may gantimpala ang pagiging masipag at mabait sa set.

Yung dalawang dating hindi masyadong pinalad sa malalaking networks, ngayon sila pa ang bumubuhat ng one of the biggest horror-comedy adaptations of the year.

At kita mo yung respeto nila sa isa't isa.

Yung "we support each other" na hindi showbiz line lang. Desurv nila ito.

At Team MULAT din sila sa nangyayari sa bansa, di ba? Kahanga-hanga.

Read: WilBea's Pee Mak projected to earn PHP5M on opening day

GORGY RULA

Sa October 28 playdate ay tatlong Pinoy movies ang nakapuwesto — Red Crown, He’s Dating A Bold Star, at yung VHS Viva Horror Stories na originally ay Nobyembre 4 ang playdate.

Abangan natin kung tuloy ang Halloween puksaan nila.

DONGYAN'S REMEMBER

Siyempre pa, inaasahang magpapakitang-gilas sa Nobyembre 11 ang Remember nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.

Co-stars ng DongYan sina Joross Gamboa, Kyle Echarri, Ana Abad Santos, Aiza Marquez, at Carla Humphries.

Introducing dito si Zia Grace.

remember poster

Ang huling DongYan movie ay ang Rewind, na topgrosser sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Si Mae Cruz Alviar din ang direktor ng Rewind, na highest-grossing film (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan ng MMFF.

ANDOY AND LAYA

Nasa November 18 playdate naman ang Andoy ni Cedrick Juan.

Co-stars niya rito sina Angelica Lao, Paolo Gumabao, Jennica Garcia, Albie Casi?o, Aya Fernandez, Victor Relosa, at Harly Daria, sa panulat at direksyon ni Mark Putian.

andoy poster

Nakapuwesto naman sa November 25 playdate ang Laya starring Andrea Brillantes, JC Santos, and Anthony Jennings.

laya poster

UPCOMING HOLLYWOOD BLOCKBUSTERS

Inaasahan nating magpapayanig sa Disyembre 16 ang "DunesDay."

Sabay na magso-showing sa araw na iyon ang Avengers: Doomsday at Dune: Part Three.

May mga humuhula na ang Avengers: Doomsday ang magiging pinakamalakas na pelikula ng 2026.

Tingnan natin kung kakabugin ng Avengers: Doomsday ang Spider-Man: Brand New Day na ayon sa Box Office Mojo ay umabot na sa $2.513B ang worldwide gross.

Take note na sa kasaysayan ng takilya ay tatlong pelikula pa lang ang lumampas sa $2.5B milestone.

Ang mga ito ay Avengers: Endgame na naka-$2.938B, Avatar na naka-$2.924B, at ito ngang Spider-Man: Brand New Day na naka-$2.513B.

Nag-encore ang Avengers: Endgame, katapat ang Forgotten Island.

Konting kembot at kandirit pa, may chance ang Avengers: Endgame na maging first movie na aabot sa $3B.

FORGOTTEN ISLAND AND FILIPIÑANA

Samantala, ayon pa sa Box Office Mojo, umabot na sa $52.4M ang worldwide gross ng Forgotten Island.

Ang score nito sa Tomatometer ng Rotten Tomatoes ay 96% (112 reviews).

Yung Filipiñana ay naka-$397,373 na sa ten weeks of showing sa North America.

Noong nakaraang weekend, Oktubre 9-11, 2026, ay may sampung sinehan pa ang Filipiñana sa North America.

Ang Filipiñana ang ipinadala ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang panlaban ng bansa sa 99th Academy Awards o Oscars.

Read: Forgotten Island struggles in North America; tops PH box office

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two Filipino films, the horror-comedy adaptation Pee Mak starring Wilbert Ross and Bea Binene and Cinemalaya 2026 top grosser 2 Valid IDs starring Pokwang, opened in local cinemas on October 14. More Filipino releases—including The Fisher, Red Crown, VHS, Remember, Andoy, and Laya—are scheduled for the coming weeks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results